I am existing for eighteen years. Sa tanang buhay ko, never pa ako nainlove. Crush, oo naman. Nagkaroon din ako ng ilang ka-M.U nung nag-aaral ako sa isang university sa Paris pero walang term na love, crush lang talaga. Silly infatuation.
Never kong naramdaman yung sparks kapag nagkatitigan at "music inside my head" kapag magkasama kayo. Hindi naman kasi totoo yun!
Paano yun, may kuryente na manggagaling sa mata niyo tapos may mp3 player sa loob ng ear drums mo? Myghad.
Ang makatotohanan lang, titibok ng mabilis ang puso, manlalamig, at hindi ka makakatingin sa kanya ng deretso dahil parang anytime, hihigupin ka ng mga mata niya para tuluyan ka nang mahulog.
Sino ba mag-aakalang sa isang member pa ng KPOP Boy Group na hate ko dati -- sakanya ko mararamdaman yun?
"Hoy!" nagulat ako dahil may lumipad na tinapay papunta sa mukha ko, "Aya ano ba!" inis na sigaw ko. Batuhin daw ba ako ng tinapay?!
"Bakit ba kasi kanina ka pa tulala? Nakuha ba ni BJ ang v-card mo at wala ka sa ulirat?" Aya accused. Pinalo ko siya ng kutsara sa noo.
Kailan ba niya ako titigilang i-link kay BJ?! Kung sasabihin ko ba sa kanya na si Jb talaga yun maglulubay sya?!
"Gaga! Kadiri. Hindi no! Kinapos lang ako sa tulog." sabi ko, kahit ang totoo, ang dami kong iniisip. Mabuti nalang at Sunday, day-off. Mabibigyan ko ng time ang utak at puso ko para makapag-decide ng maayos.
Kailangan ko ng kaunting space na malayo kay Junior. I need clarity. I need peace of mind. I need ----
"Hala, may nag-door bell." tumayo si Aya para buksan yung pinto habang ako, patuloy parin sa pagkain.
"Cai! Omg. May mga bisita ka!" sigaw ni Aya at hinila ako mula sa kusina papunta sa mini living room.
I saw the three musketeers. No, they're more like the three bandits. Naka face masks kasi sila, naka-eyeglasses at bonnet. More like the three modern bandits."Hi!" bati sakin ni.... Omg, Jaebum?! Anong ginagawa niya dito? At sino 'tong dalawa?
Nahihirapan akong makilala sila dahil naglagay din sila ng mustache. Kung hindi dahil sa boses, hindi ko sila makikilala.
"Teka, si BJ ka diba?" tanong ni Aya kay Jaebum. Shems, nagkita na ulit sila! Kilig much!
"Ah, oo. Eto naman sila RJ at ano.... si... Guygoy." pakilala ni Jaebum sa dalawa pa niyang kasama. Halatang natataranta siya.
RJ? Guygoy? Who the heck?
"Ah! Nice to meet you, I'm Aya." sabi ni Aya at nakipag-kamay sa tatlo.
Napatingin silang apat sakin at napatingin ako sa suot ko, sleeveless at shorts.
Tumakbo agad ako sa loob ng kwarto at nagpalit. Ayokong makita nila ang kaluluwa ko!
Teka, si RJ ba si Junior? Kasi... JR siya diba? Tapos si Guygoy, teka hindi ko talaga maisip kung sino si Guygoy! Bwisit!
Lalabas na sana ako pero narealize ko na nasa labas si Junior. Ano bang naisipan nila at napasugod sila dito?! "Naman kasi eh!" bulong ko habang gumugulong-gulong sa kama.
"Hindi pa malinaw ang feelings ko, bakit naman nagpakita agad siya!" naiiyak na ako! Nahihiya talaga akong lumabas.
"Hoy, naghihintay ang bisita, tagal naman." rinig kong katok ni Junior sa pinto ko.
Hala! Anong gagawin ko? Naman kasi eh! Huhu, paano? Nahihiya ako!
Tumingin muna ako sa salamin, putek may Nutella pa ako sa bibig!
BINABASA MO ANG
You Got Me [GOT7 Fanfiction]
FanfictionA story where a short-haired, hot-headed, maldita girl from Paris meets the famous boy band from Korea that consists of handsome, hot, and attractive members (GOT7 to be specific), in a very, very life-changing way. (Taglish)