Chapter 10:Angel

2.2K 35 0
                                    

Chapter 10: Angel

Pagbaba ko sa kotse, pinarada na ng driver namen sa garage yung car. Pagpasok ko sa main door, naririnig ko na agad yung sigawa nila mula sa dining area. Tsk, nag aaway nanaman ba sila?!

"Anu ba tong kabaliwan na to Eduardo? Nalulugi na tayo. Tapos nagawa mo pang magpautang?! Bakit? Dahil ba mahal mo padin si Cynthia?" Sigaw ni Mommy na garalgal yung boses.

"Walang kinalaman yung past issue namen ni Cynthia dito. Wag kang malisyosa! Business is business." Sigaw ni daddy.

"Business? Pero sila lang yung nagbe-benifits ng lahat? At tapos ano? Hindi nila mababayaran? Tapos mababaon tayo sa utang? My God Eduardo magisip ka nga!" Mangiyak ngiyak na si Mommy.

Hindi nako tumuloy pa dahil ayoko ng marinig pa ang pagtatalo nilang dalawa. Kinuha ko sa bag ko yung phone ko at nagdial. Tinawagan ko si Kit.

"The number you dial is out of coverage area. Please try your call later. *Tut!" Fuck!

Next na tinawagan ko si Miko.
"Ring, ring, ring!" Nagriring. Uurgghh sagutin mo to Miko. Maya maya tumunog yung phone ko. "Tut tut tut!" Sabay call ended. Pagtingin ko Network Busy. Miko talaga oh andaming katawagan. Chikboy talaga. Wala nakong nagawa kaya ako nalang magisa ang pumunta sa Bar. Ginamit ko yung car ko na nakaparada sa garage. Halos kalahating oras den bago ako makarating sa Bar. Pagbaba ko sa car ko, pinarada ko ito sa parking lot. Pagpasok ko sa pinto ay maririnig ko na agad yung lakas ng music at sigawan ng mga tao. Una ko agad hinanap si.... Basta, di ko man alam yung pangalan nya kilala ko naman sya sa mukha. Halos malaglag yung mata ko sa nakita ko. Yung babaeng hinahanap ko ay kasalukiyang sumasayaw ngayon sa entablado. Naka underwear lang at bra. Tapos naka sapatos. Bukod dun wala na syang suot.

"Sir anu pong drinks nila?" Tanong nung waiter.

"Isang beer." Yun lang ang nasabe ko habang nakatingin sa babaeng sumasayaw. Bakit ganto yung pakiramdam ko. Nagiinit ako. Feeling ko gusto ko syang akyatin sa stage at halikan. Gusto kong halikan ang mga mapupula nyang labe. Gusto ko syang yakapin at..... Hindi pako tapos sa pag-iimagine ko ng biglang bumalik yung waiter na may hawak na beer.

"Here sir." Sabay abot ng beer saken.

"Ah, thanks" sabe ko sabay ngiti.

"Ang kati ng kamay ko..." Sabay hawak nung waiter sa kamay nya. It means abutan ko sya ng tip.

Bumunot ako ng wallet ko sa bulaa sa then binigyan ko sya 500.

"Thankyou boss!" Sabe nya tapos akmang aalis. Pero bago sya makaalis. Parang nangati yung bibig ko at bigla ko syang tinanong.

"Ah wait. Kilala ko ba yung babaeng sumasayaw na yan sa stage? Anung pangalan nya?"

"Ah, si Angel yan. Chixx noh? Baket type mo boss?"

"Ok makakaalis kana."

---
Sa dami ng problemang iniisip ko, di ko namanlayan na naka tatlong bote na pala ako ng beer. Nagulat ako ng biglang may babaeng nagsalita.

"Kaya pa?" Paglingon ko sa likod ko, nakita ko yung babaeng sumasayaw kanina. Si Angel pala.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon