Chapter 26: Eduardo Dela Rosa

1.4K 17 0
                                    

Chapter 26: Eduardo Dela Rosa

Halos magunaw ang mundo ko sa nakita ko. Sa isang kapirasong kahoy ay nakaukit ang pangalang HENRY DELA ROSA. Sa tingin ko isa itong pantatak na nilalagay sa ink pag pipirma ang isang business owner. Jusko, mixed emotion ang nararamdaman ko. Tuwa, dahil sa wakas, makikita ko na ang matagal ko ng hinahanap. Kaba, dahil hindi ko sigurado kung tatanggapin nya ako. Galit, dahil matapos ng lahat ng nangyare sakanila ni mama ay iiwan nya nalang ito basta. Pero kahit ano pa man, tuwa parin ang nangingibabaw.

"What that?" Sa sobrang saya ko ay di ko napansing nasa likod ko na pala si Carlo. Napatingala lang ako sakanya dahil kasalukayan akong nakaupo at nakatayo ngayon sya.

"Anu yang hawak mo?" Nagtanong syang muli. Kaya naman inangat ko yung pangtatak na hawak ko at iniabot ko sakanya.

"Henry Dela ro.. Anu to? Anung ibig sabihin nito?!" Gulat na gulat din sya sa nakita na.

"Yes Carlo, nandito si Henry! Nandito ang totoo kong ama" snaay ngiti ko sakanya. Pero hindi maipinta ang itsura nya.

"Anu kaba Carlo? Hindi kaba masaya para sakin?" Bakit ganun sya. Parang malungkot sua.

"Ah, ah wala. Parang bigla lang akong kinabahan"

"Ba-bakit? Anung problema?"

"Basta, hintayin nalang naten si daddy at mommy upang matanong naten yung about dito" sabay talikod sya saken.

Anu kayang problema nya? Bakit sya kinakabahan? Hay nako, nahihiwagaan na talaga ako dito kay Carlo.

"Tara punta muna tayo sa movie room. Let's watch movies" yaya nya saken.

Naglakad kame papunta doon sa movie room. Hindi naman malayo kasi tapat lang naman ng bakanteng room nila. Pumasok na kame sa movie room. Medyo may kalakihan. Para syang maliit na sinehan. May 5 rows ng upuan tapos daanan sa gitna. Bale 10 na upuan. Tapos may malaking tv.

"What movie you like?" Binasag nya ang katahimikan saming dalawa.

"Ah-ah, anything you want." Sabay ngiti ako.

Tumahimik sya saglet tapos lumakad papunta sa pinto. After how many seconds, bigla syang nagsalita.

"Andito na sila..." At tuluyan na syang lumabas sa room. Kung hindi ako nagkakamali ay ang mga magulang na nya ang tinutukay nya. Sumunod na din ako sakanya. At pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko si Carlo na nakaupo sa sofa kasama ang parents nya.

Kinakabahan akong bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung magpapkita pa ba ako sakanila o hindi. Pero kailangan kong magpakita para matapos na tong katanungan ko. Kailangan ko ng kasagutan na sila lang ang makakasagot. This is it! Kaya mo yan!

Habang papalapit na ako sa sala ay naramdaman kong nakatingin na sila saken
"What are you doing here hija?" Tanong saken ng mama nya.

"Ah eh ti-tita...." Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng biglang magsalita si Carlo.

"Dad, ikaw ba ang totoong ama ni Jamie?" Paano nya natanong yon?

"W-what s-son?" Gulat na gulat din ang expression ng papa nya.

"Ikaw ba at si Henry ay iisa?" This time, galit na si Carlo. Nanginginig na sya at paiyak na.

"W-wait, what do you mean?" Utal utal na din ang papa nya. Parang kinakabahan din.

"Answer me dad! I need to know! I want to know!!!" Sigaw ni Carlo. Teka, naguguluhan  nako. Si tita nakatahimik lang at umiiyak. Magkaharapan si Carlo at ang papa nya katabi ang mama nya. Habang ako nakatayo sa gilid nila. Nagulat ako ng biglang humarap saken si tito Eduardo.

"Jamie, im so sorry" umiiyak na din si tito Eduardo. Bakit sya nagsosorry saken? Anung kinalaman nya kay Henry?

"Jamie, come with me. I'm your father" what? Sya? Sya ang tatay ko? Baket? Paano? Hindi ba Eduardo ang pangalan nya at hindi Henry?

"Binago ko ang identity ko. Ang mama mo, mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya. Kaya ko sya iniwan dahil sobrang mahal ko sya. Kinailangan kong magpakasal sakanya(sabay turo sa mama ni Carlo) para maipagpatuloy ang minana kong negosyo mula sa lola't lolo mo. Binago ko ang pangalan ko para hindi nyo ako makilala. Hiniling din ng mama mo na magkalimutan nalang para sayo. Pero alam kong darating tayo sa puntong ganito kaya hinanda ko na din ang sarili ko. Patawarin moko anak"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon