Chapter 20:Adopted

1.6K 22 0
                                    

Chapter 20: Adopted

Pasensya na ang tagal ng update. Ngayon lang ako nakaisipng twist ehXD sorryyy

Since pre school naman kasi kame yun na ang palaging inaasar sakanya. Simula pagkabata nya ay biktima na sya ng pambubully. Kami lang dalawa ang magkaibigan noon. Thankful nga ako kasi andyan na sila Miko at Kit na karamay nya.

"Sanay naman ako. Pero ewan ko ba, kahit alam kong hindi totoo yun nasasaktan pa din ako. Minsan mga gusto ko ng maniwalang adopted ako" nakayuko padin sya.

"Anu kaba, wag kang magpaapekto sakanila. Wala pa naman sila sa mundo ng ipinanganak ka diba? Wala silang karapatang husgaan ka"

"Pero parang tooo eh...."

"Bakit ka maniniwala sakanila, sino ba sila para malaman ang tunay na pagkatao mo. Wala kang dapat paniwalaan kundi ang mga magulang mo lamang." Sa pagkakasabi ko nun ay bigla syang tumayo.

"Teka, san ka pupunta?"

"Tama, mga magulang ko lang ang makakasagot nito." Sabay takbo papalayo saakin.

"Wait... Carlo, san ka pupunta? Hintayin moko! Carloo" pero para itong biging walang narinig.

----

Carlo's pov. (Sa bahay)

"Oh son, why are you so early?" Nakangiting sabi ni mama.

"Totoo ba?" Nanginginig ako at nakayukong sinasabi iyon.

"A-ang alin?"gulat na expression ni mama. Halatang kinakabahan.

"Na hindi nyo ko anak? Na adopted child ako?" Hindi ko na mapigilang umiyak.

"Wait son, what are you saying?" Naiyak na din si mommy.

"Bullshit ma! Wag na tayong magtanga-tangahan!" Bulyaw ko sakanya. Kailangan ko ng kasagutan.

"Son....." Hagulgol ni mommy.

"Mom! Answer me!"

"Yes, you're a foundling child." Halos himatayin na si mommy habang sinasabe ito. Biglang huminto ang mundo ko. Totoo nga... Hindi nga nila ako tunay na anak. Pero sino ang mga magulang ko?

"Sino sila?"

"Hindi ko sila kilala. Iniwan ka lang dito sa tapat ng gate naten. Nag-iwan lang ng note na alagaan ko at may isang necklace. Yang necklace na suot mo ay galing sa totoo mong mga magulang."

Hindi ako makapaniwala. Kaya pala ganun nalang sila saken. Habang umiiyak ako ay nakahawak ako sa kwintas na suot ko. Bakit? Bakit sakin pa nangyare ito? Nabuhay ako sa mundong puno ng kasinungalingan. Pinaniwala nila akong totoong anak nila ako kahit puro panlalait ang naririnig ko. Hindi ko akalain.. Hindi ko akalain totoo lahat ng iyon. Pagkatapos tumulo ng mga luha ko ay pinunasan ko na ito sabay talikod.

"S-on son.." Garalgal si mommy.

Pero para akong bingi na walang narinig at naglakad papalabas ng bahay. Kailangan ko syang puntahan. Kailangan ko syang makausap. Pupuntahan ko si Angel....

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon