Chapter 38: Goodbye

1.3K 15 0
                                    

Chapter 38: Goodbye

Halos bumuhos ang mga luha sa mata. Instead na matuwa ako ay lungkot at pagsisisi ang naramdaman ko. Sobrang pagsisisi ko na ganun ang ginawa ko sakanya. Sinaktan ko sya ng sobra. Sobrang swerte ko kasi meron akong katulad nya pero... Pero hindi ko pinahalagahan.

Buong araw akong nagmukmok sa loob ng kwarto ko. Hindi ako lumalabas, hindi ako kumakain. Puro inom ng alak ang ginawa ko buong magdamag, Buong araw. Naka-locked ang pinto ng bahay pati ng room ko kaya walang makakapasok. Naging ganto ako buong linggo simula ng maghiwalay kame ni Jamie.

Habang umiinom ako sa baba ay biglang dumating si mommy at si daddy.

"My goodness son! What's this?"' Sigaw ni mommy. Gusto ko pa sanang mangatwiran pero ayaw gumalaw ng bibig ko.

"Where's Jamie? Nagaway ba kayo?" Dagdag pa nya. Hindi sya pinansin at tuloy pa din ako sa pagtungga ng bote. Nagulat ako ng tutunggain ko ulit ng biglang hawakan ni daddy yung bote.

"Tumigil kana Carlo!" Sigaw ni daddy. Pero tinabig ko yung kamay nya at binato ko yung bote.

"Ano ba! Tigilan nyo na nga ako! Hindi nyo naman ako totoong anak kaya please tigilan nyo na ang pangingumasok sa buhay ko!" Tapos umakyat ako sa kwarto at natulog.

---

Nagulat ako ng may marinig akong tunog ng sasakyan na huminto malapit sa bahay. Tapos biglang may narinig akong nagbukas ng pinto sa baba. gusto kong silipin kung sino iyon pero ayaw ng kumilos ng katawan ko. Maya maya ay binubuksan nito yung pinto sa kwarto ko. Gusto ko sanang tignan ito pero minabuti kong huwag nalang. Alam ko namang sila mommy lang iyon.

"My god! Anu yan? Bat andaming alak?" Nagulat ako ng magsalita ito. Pagtingin ko ay mas lalo akong nagulat.

Si Angel....

Parang magic na nawala ang lungkot ko at bigla akong tumayo at niyakap sya ng pagkahigpit higpit. Bigla nadin akong napaiyak.

"Akala ko hindi kana babalik. Miss na miss na kita. Wag mo na kong iiwan ulit ah?" at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sakanya.

"Calm down, umupo muna tayo saglet." Sabe nya. Tapos umupo kame sa kama.

"B-bakit ka nagkakaganyan? H-hindi ba dapat maging masaya kana?" Halos maluha luha na sya habang nagsasalita. Mukhang hindi nya inasahang magkakaganito ako. Actually ako den hindi ko inasahang magagawa ko ito.

"Ayoko, sayo ako masaya. Yung-yung nakita mo, wa-wala yon. Nag-aalmusal lang kame, wa-wala kameng ginagawang masama" naghehesterical nako.

"Shhhh, tahan na. Alam ko, alam ko huh? Please stop crying" tapos pinunasan nya yung mga luha sa mata ko.

"Wag ka ng aalis sa tabi ko, dito kalang, wag mokong iiwan" para akong batang nagmamakaawa sa nanay na huwag iwan.

"Hindi pwede, ayokong nakikita kang nahihirapan. Mas lalo kang magiging masaya pag si Angel ang kasama mo. Sa umpisa lang yan, masasanay ka den."

"Hindi ko kaya, wag mokong iiwan Jamie mahal na mahal kita"

"Tahan na, hindi ganyan ang Carlong kilala ko. Ang kilala ko, Matapang hindi iyakin. Sige na, magbihis ka at may pupuntahan pa tayo." Bigla akong nagulat.

"Ta-talaga? Ma-may pupuntahan ta-tayo?"

"Oo, kaya bilisan mo. Maligo kana, alam kong isang linggo kanang hindi kumakain sabe nila tita kaya aalis tayo"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon