Chapter 12:The girl in my dreams

2.1K 29 1
                                    

Chapter 12: The girl in my dreams

Pag-gising ko, nagulat ako dahil nasa isa akong madilim na lugar. Wala akong ibang makita. Hanggang sa ilang sandali ay mayroong isang imahe ng babae ang unti-unting nabubuo sa hindi kalayuan. Nakatalikod ito at umiiyak. Nagaalala ako sa babaeng nakita kong umiiyak. Bakit sya umiiyak? Dali dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng babae ng bigla itong nagsalita.

"Patawad...."

Napahinto ako sa pagtakbo. Parang narinig ko na itong boses na ito. Hindi ko maalala kung saan pero sa palagay ko sa panaginip ko din. Tama! Sya rin yung babae sa panaginip ko. Eto rin yung lugar ng pinangyayarihan. Wtf!

"Im sorry... Sana makamit ko ang kapatawaran mo. Sana mayroon akong lugar sa puso mo. Sana maintindihan mo ako. Sana...."

Pero habang sinasabe yun ng babae eh unti-unti syang naglalaho. Anung ibig sabihin nya? Bakit sya humihingi ng tawad? Anung papel nya sa buhay ko? Sino ba syang talaga? Gulong gulo nako. Sa sobrang inis ko ay sumigaw ako ng pagkalakas-lakas.

"Ahhhhhhhhhhhhh!"

Pero nagulat ako ng biglang may liwanag na tumapat sa mukha ko.

"Umaga na! Bumangon kana. Mukhang binabangungot ka ata?" Si yaya Biring. Binuksan nya yung bintana ko dahilan upang pumasok ang sinagng araw at masilaw ako.

"Kumain kana, nakahanda na ang almusal sa babae. Sabayan mo na ang daddy mo." Pagtapos sabihin ni yaya yun ay bumaba na sya at isinara yung pinto.

"Hayysss! Grabe, anung klaseng panaginip yun?!" Pagbangon ko ay hingal na hingal ako at pawis na pawis. Anu ba talaga ang ibig sabihin nun?

Inayos ko muna yung sarili ko. Naghilamos at nagsando bago bumaba. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita kong kumakain si daddy sa dining table.

"Anak, sabayan mo nako. Nagluto si Yaya Biring ng paborito mong sinigang. Tamang tama yan sayo. Halika na at saluhan moko" aya ni dad. Sa tono nya ng pananalita ay mukhang ok na sya.

"Ahmm, sige po dad." Sinabayan ko na sua dahil minsan lang kame magsabay kumain.

"Yes? Ok, oh sure. Ok, thanks" sabay baba ni daddy sa cellphone nya.

"Anak, may biglaang meeting sa company. I need to be there. Bye" tapos tumayo sya at umalis na.

Pagtapos ko ding kumain ay naligo nako. Shempre nagpabango ako ng todo. Mahirap na, dagdag pogi points din kapag mabango no. Paglabas ko ng kwarto, biglang nagsalita si Yaya Biring.

"Aba ang gwapo ng alaga ko ah, mukhang naligo kana ata ng sandamakmak na pabango. Eh saan ba ang lakad mo?" Nakangiti si yaya habang kinakausap ako.

"Ah, lalabas lang po yaya, kasama ang isang kaibigan." Nakangiting sagot ko naman.

"Eh sino ba yang maswerteng kainigan na yan at mukhang ayos na ayos ka? Kaibigan lang ba talaga?" Aba inusisa pa ako ni yaya.

"Kaibigan lang ho, mauna na po ako bago mo pa malanghap lahat ng amoy ko at wala ng matira para sakanya" pabirong sabi ko kay yaya.

"Aba sobrang espesyal talaga nyang babae na yan ah? Haha, ossige na lumarga kana. Magiingat ka" naku eto talagang si yaya mapang-asar.

"Opo, aalis na ho ako." Paalam ko at lumabas nako ng pinto. Sumakay na rin ako sa kotse ko. At bago ko i-start, huminga muna ako ng malalim. Whooo, kaya mo yan Carlo! Then inistart ko na at pinaandar na ang kotse.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon