Chapter 14:12-13-13

1.9K 27 0
                                    

Chapter 14: 12-13-13

Maya maya ay nakarating na kame sa pupuntahan namen. Sa isang park.

"Wow! Ang ganda naman dito. Teka, andito naba tayo?" mukhang nagustuhan nya yung lugar kung nasaan kame ngayon. Actually, ako din nagandahan dito sa place na toh kaya dito ko sya dinala. Malawak, madamo at maraming puno, ang peaceful ng paligid, maaliwalas at tahimik. Marami ding namamasyal dito especially pag araw ng Linggo. Kasi kadalasan eto yung araw ng day off sa trabaho at rest day ng mga batang nag-aaral. And besides, dito din kame namamasyal nila mommy at daddy noong ok pa sila. Only child lang kase ako kaya lahat ng gusto ko nasusunod. Alright balik sa park. Hahahaha.

"Paano mo nalaman itong lugar na to?" Manghang manghang tanong ni Angel.

"Ahh, dito kasi kame namamasyal date eh." Ewan ko ba pero parang bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Anu kaba, wag ka ng malungkot. Hindi bagay sa cute mong mukha ang nakasimangot" sabay hawak sa pisngi ko at ngumiti. Biglang nawala yung lungkot na naramdaman ko at napalitan ng kilig.

"Totoo? Haha, pinapakilig mo naman ako eh" hahaha, para kasing baliw eh.

"Haha, edi ngumiti ka den. Nagbibiro lang naman ako" whutt? Nagbibiro ka lang?!

"Wag mong sabihing joke mo lang din na cute ako" para akong batang nagtatampo.

"Uy biro lang. Pero honestly, cute ka talaga." Panes, bumawi. Hahahaha

"Haha, oh sige na bababa na tayo para mamasyal dito." Sabe ko. At nauna akong bumaba para buksan yung pintuan nya at alalayan syang makababa. Naglakad-lakad kame, hanggang sa mapagod kame ay umupo kame sa damuhan.

"Hayyy, grabe! Ang sarap ng pakiramdam. Relaxing, peace of mind, sariwang hangin. Hayyyy!" Nakapikit sya habang nakataas ang dalawa nyang kamay. Mukhang nag-enjoy siya dito. At im sure, nagustuhan nya itong lugar na ito.

"Dito ako pumupunta kapag may problema ako or gusto kong mapag-isa. Wait, gutom kana ba? Gusto mo bang kumain na tayo?" Pero i think hindi pa naman sya gutom kasi ang sigla sigla nya.

"Hindi pa naman. Ikaw ba?" Nagtanong ako tapos tanong din ang sagot. Saya diba.

"Actually, hindi pa naman. Tara, daan tayo sa masarap na cafe dito." Yaya ko sakanya.

"Ayoko!" Huh? Bakit ayaw nya? At yung mukha nya parang ayaw na ayaw talaga.

"Bakit ayaw mo?" Nagulat talaga ako sakanya.

"Kasi gusto ko ng kwek kwek at palamig!" Sabay ngiti sya saken. Aba, mayroon pa palang babae na mas gusto ang kwek kwek at palamig kaysa mamahalang resto at cafe. Yung tipong kwek kwek at palamig lang, masaya na.

"Ahh, sige ba!" At hinila ko sya sa isang food cart na malapit dito.

"Oh, tuhog na!" Sabe nya sakin habang may hawak na cup at stick. Habang pinagmamasdan ko sya, naiisip ko palang na sya na ang babaeng pakakasalan ko, para bang hindi ko na mahintay yung pagkakataon na yun. Pagtapos naming kumain ay umupo kame sa puno ng manggahan.

"Napagod kaba?" Tanong ko sakanya. Nakasandal sya sa right shoulder ko.

"Medyo, pero grabe ang saya dito"

"Talaga? Pero para mas lalong sumaya ang araw mo, may ibibigay ako sayo." Tapos tumayo sya mula sa pagkakasandal sa balikat ko.

"Basta, tumalikod ka at pumikit" haha, ang corny naman netong surprise ko.

"Surprise ba yan?" Hindi, pinatalikod lang kita kasi trip ko. Shempre surprise nga. Enebe yen..

"Basta, sundin mo nalang ako." Sabay hawak ko sa braso nya at tinalikod sya.

"Ok, pagbilang kong tatlo haharap kana ah?" Tapos tumango sya.

"One,two,three...."

"Wow! So sweet!" Sobrang na-surprise ata sya. Yung tipong maiiyak na sya. Pagharap nya kasi ay nakita nya kong may hawak ng bouquet of white roses tapos sabay abot sakanya pag harap nya. Tapos mayroong isang chocolate doon.

"Kindly eat that chocolate now" sabe ko with smile. Binuksan nya rin yung chocolate sabay kagat. Pero nung nguyain na nya ay parang may nakagat sya.

"Wait, anu to?" Sabay bunot nya ng papel mula sa bibig nya. At nung tinignan nya, nakarolyo ito kaya binuklat nya. Pero akmang babasahin nya ng bigla ang magsalita.

"Can you be my girlfriend?" Tanong ko sakanya. Ayun yung nakasulat sa papel na binigay ko sakanya.

"Awww, so sweet." Grabe, yung muta nya kaninang namumugto ay tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina pa gustong kumawala. Sa sobrang saya nya ay wala na syang ibang nasabi at bigla akong niyakap. Bagamat hindi ko narinig ang sagot nya, alam kong "OO" ito.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon