Chapter 17:First Love never Dies

1.6K 19 0
                                    

Chapter 17: First Love never dies

Magkatabi kami ni mama na nakaupo sa kama ko. Mukhang apektado talaga sya sa past nya. Hindi ko alam kung alin sa dalawang emosyon ko yung mararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat bakong matuwa sakanya o magalit. Pero bago pako tuluyang mabaliw kakaisip sa tanong na wala namang sagot, minabuti ko ng itanong kay mama kung sino ba ang first love nya.

"Mama? Alam kong hindi si Papa ang first love mo. Sino ba sya? Maaari ko ba syang makilala?" Kinakabahan ako sa pwedeng isagot ni mama. Parang mas masakit pa ito kaysa mabroken hearted ah.

"A-anak, pa-patawarin moko." Namumugto na ang mga mata ni mama habang utal utal na nagsasalita.

"Ma-mama, huwag mong sabihing...." Sa pangalawang pagkakataon, muling bumuhos ang mga luha ko. Hindi lang patak kundi Parang isang gripo na nakabukas ang mga tulo ng luha ko.

"Oo anak, hindi ang Papa Alexander mo ang first love ko.." Hindi narin napigilan ni mama ang mga luha nya at tuluyan din syang umiyak. Sa unang pagkakataon, ngayon ko nalang ulit nakitang umiyak ng ganto si mama. Una ay nang mamatay si papa 5 years ago.

"Paano ma, anung ibig mong sabihin? Na hindi mo talaga mahal si papa?" Halos masigawan ko na si mama. Patuloy padin akong umiiyak. Paano mo naloko si papa? Kaya pala nagpakamatay ito dahil alam nya sa sarili nya na hindi sya mahal ni mama.

"Anak, makinig ka muna. Hindi si Alexander ang papa mo." Bigla nanaman akong nawindang sa mga narinig ko.

"A-ano? H-hindi ko sya papa? S-sino ang papa ko?" Halos naka tulala ako sa narinig ko. Teka, totoo ba talaga tong naririnig ko? Kung isa itong panaginip ay gusto ko ng magising.

"Oo anak, si Alaexander ay kaibigan ko lamang. Sya na ang kumupkop saatin nung iwan ako ng totoo mong ama. Sya na ang kinilala at tumayo mong tatay. Patawad dahil itinago ko sayo ang totoo, ang gusto ko lang naman ay kalimutan na iyon at magsimula muli ng bagong buhay. Pero mali ako, hindi ko talaga sya makalimutan. Mahal ko talaga ang papa mo anak." Isang malakas na pagiyak mula kay mama. Pero bakit?

"Ito ba ang dahilan ng pagpapakamatay ni papa?"

"Oo anak, lingid sa kaalaman ko na mayroong lihim na pagtingin saakin si Alexander. Tinuruan ko din naman ang sarili ko na mahalin sya. Mabait naman sya, hindi lang mabait kundi sobrang bait. Lahat ng pagkukulang ng papa mo ay sya ang pumupunan. Pero isang araw, nakita ko ang papa mo. Pumunta sya dito sa bahay at kukunin nya na tayo. Pero ayaw ng papa Alexander mo. Nagbanta syang magpapakamatay pag sumama ako sa papa mo, pero hindi ako naniwala. Kaya matapos ang ilang linggo kasama ang tunay mong papa, nabalitaan kong nagpakamatay sya. Hanggang ngayon sinisisi ko padin ang aking sarili sa kanyang pagkamatay. Sana, natutunan ko nalang syang mahalin. Sana, natuturuan ang puso. Sana hanggang ngayon ay kapiling pa sya ng kanyang pamilya." Hagulgol ni mama. Sa mga oras na ito, bigla akong natauhan at bumalik ang ulirat kaya niyakap ko si mama. Mahigpit, sobrang higpit. Ganun pala kabigat ang dinadalang problema ni mama. Bukod sa mga gastusim,bayarin at utang namen ay mayroon pa pala syang personal na problemang dinadala. Sa likod ng mga ngiti nya ay mayroon palang lungkod na nakakubli dito. Sa likod ng pagiging masayahin nya ay sobrang hirap na pala ng dinadanas nya. Pero sino ba talaga ang totoo kong ama?

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon