Chapter 39: Blind Date

1.3K 12 0
                                    

Chapter 39: Blind Date

Sorry readers!!! Sobrang tagal ng update ko. Naging busy kasi ako nitong last year up to last week. Enjoy reading guys!

Chapter 39: Blind Date
Dali dali akong kumilos at pumunta sa banyo. Parang balewala lahat ng tama mo sa beer at nawala lahat ng kirot na nasa puso ko. Pag punta ko sa loob ng banyo ay tinodo yung shower at nagbuhos pa ng tubig sa balde.

"Whoooo!!!" Sigaw ko sa loob ng banyo. Ang lamig ng tubig. Pagtapos kong naligo ay lumabas nako ng banyo.

"Teka, anung susuotin mo?" Tanong nya saken.
Tapos kumuha ako ng long sleeve ko sa drawer at itinaas.

"Eto oh!" Tapos tinaas ko yung long sleeve na hawak ko.

"Wag yan, eto ang suotin mo!" Tapos nagulat ako dahil nag-angat sya ng coat.

"Bakit iyan?!" Gulat na gulat ako. Bakit kasi coat? Alam kong magde-date kame kaso bakit sobrang pormal ata?

"Basta, wag ka ng madaming tanong. Bilisan mo at suotin mo na yan. Lalabas muna ko saglet para makapa-preapare ka." Tapos lumabas na sya ng kwarto.

Bakit kaya ito? Hayys! Pasalamat ka talaga. Natapos nakong magbihis at lumabas nako.

"Wow! You look so great, ang pogi mo. Wait lang pi-picturan kita.!" Tapos napahawak pa sya sa bibig nya at nanlaki ang mata. Tapos kinuha yung camera nya sa bag. Naka white kasi akong coat na medyo mahaba sa likod. Tapos white na pants at white na shoes.

"Anu kaba, sanay nako noh!" Sabi ko naman.

"Na maghintay?" Sabe nya habang kumukuha ng camera sa bag.

"Hindi, ang masabihan ng gwapo. Hahahaha"

"Lakas mo ah! Eto na, 1,2,3 Smile" tapos pinicturan na nya ko.

"Ok let's go" tapos lumabas na sya. Eto talagang babaeng ito lagi akong iniiwan. Paglabas ko narinig kong naka-start na yung kotse ko.

"T-teka" hindi pako tapos ng magsalita sya.

"Ipagda-drive na kita pogi" Iba talaga tong si Jamie. Haha, parang may iba dito.

---

After several hours, inabot na kame ng gabi at nakarsting kame sa isang vacant place. Para syang mini garden.

"Te-teka? Bakit tayo nandito?" Nagulat ako. Kasi alam ko aalis kame, may lakad kame. Pero gosh, garder?! What the...

"Date! Ayaw mo ba?" Tapos bigla syang sumibangot at nagpacute kaya baka naoffend ko sya.

"Ah, hindi ah! Nice place, ang ganda!" Sabi ko nalang pero sa totoo, maganda naman talaga.

"And then go!" Tapos bigla syang ngumit at mubaba ng kotse. Nagulat ako ng pagbaba ko ay bigla nya kong nilagyan ng panyo sa mata.

"A-anu to? Anung trip to hon?" Ang dilim fuck! Bakit ba kasi kailangan pa ng ganto! Tapos bigla syang tumawa.

"Hahahaha, it surprise!" Tapos inalalayan nya ko papunta sa loob. Naglalakad kame pero wala akong idea kung saan kame pupunta at kung ano yung lugar na pupuntahan namen.

"Finally, were here!" Tapos tinanggal nya yung takip sa mata ko. Medyo malabo pa yung mata ko. Parang mayroon akong naaaninag na mga pulang puso. After ilang seconds bumalik sa normal yung paningin ko at....

"Fuck...." Napahawak ako sa bibig ko at hindi ko na naituloy yung sasabihin ko sa nakita ko. Sa harap ko Ay mayroong isang table with twi chairs. Sa ibabaw ng table mayroong isang bote ng wine na may dalawang baso. Tapos may mga pinggan na din tapos mayroong maliliit na kandila. Tapos yung table mayroong red na mantel. Tapos yung upuan may cover ding red na mantel. Mula sa kinatatayuan ko patungo sa table na iyon ay may mga kalat kalat na piraso ng petals ng red roses. Tapos yung mga puno may nakaikot na chrismas lights. Tapos mayroong mga ilaw na nakatapat saamin. Sa bandang gilid naman, Mayroong mga musicians na tumutugtog na violins at may guitar. Grabe, ang romantic ng ambiance ng place na ito. Tapos pagtingala ko pa matatanaw ko yung full moon at madaming stars. Sa sobrang tuwa ko niyakap ko si Jamie.

"Im so very happy. Thankyou so much. Iloveyou" tapos kiniss ko sya sa noo. Pero nagulat ako ng ngumiti lang sya.

"Teka, hindi kaba masaya?" Bakit parang malungkot sya? Diba nga dapat masaya sya?

"Masaya ako... Masaya ako para sainyo." Whuutt? Nakadrugs ba sya? Tapos tinuro nya yung banda sa likod ng table kaya napalingon ako. May isa pa pala akong hindi nakikita. Mga kandilang nakahugis puso. At sa loob ng puso na iyon ay may babaeng nakatayo....

Nagtanong ako kay Jamie dahil naguguluhan ako.

"S-sino sya?" Kahit na hindi ko nakikita ang babae dahil may pagkamalayo ang distansya namin doon at kahit nakatakip ang mga mata nito kilala ko sya...

After ilang minuto ay tinanggal ng babaeng nasa tabi ang panyo....

Si Yna?!

Anung ginagawa nya dito???

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon