Chapter 32: Dinner

1.3K 22 0
                                    

Chapter 32: Dinner

Hanggang ngayon nakatulala padin ako sa pinto kung saan lumabas si Angel. Kasalukayang nakaupo padin ako sa pwesto naming dalawa kanina. Sa table katapat ang pinto ng resto. Hindi ko talaga akalain na dadalhin ako ng mga paa ko papunta sa St.John. Hindi ko inakalang dadalhin ako ng kapalaran papunta sa taong pinakamamahal ko. Pero mas lalong naging komplikado ang lahat. Hindi bat kasal na ako? Kung iisipin mo, mali ang magmahal pako ng iba dahil pagtataksil iyon. Pero kailan ba naging mali ang pagibig. Nagulat ako ng biglang magring yung phone ko na nakapatong sa table.

"Ring! Ring! Ring!"  Pagtingin ko ay tumatawag na si Jamie. Sinagot ko.

"Yes hon?" Bungad ko.

"Bakit hindi ka umattendng meeting?"

"Ahh, kasi may dinaanan lang.

"Grabe naman yung ginaanan mo at inabot kana ng takip silim." Napasilip ako sa bintana at napansin kong msggahabi na. Kaya nagmadali akong umuwi sa bahay.

"Ah, sorry hon pauwi nako"

"A-anu ba ka..." Hindi pa sya tapos sa pagsasalita ay pinatay ko na yung tawag nya.

-End of conversation.

---
Habang nasa kotse nako at madaling madali akong makauwi. Ang bilis ng pagda-drive ko. Pero parang may kulang....

Parang may nakalimutan ako...

Hayyy, saka ko nalang hahanapin pag nakauwi nako at nakapag-explain kay Jamie. Ilang oras den ang inabot bago ako makauwi. Pagpasok ko sa main door ay nakita ko agad si Jamie. Bumungad saken ang galit na expression ng mukha nya. Nakatayo sya sa hagdan.

"Where have you been? Hindi mo ba alam na nag-aalala kame sayo?"

"Anu kaba, wag ka ng mag-alala nakauwi naman ako eh."

"Mabuti nalang at hindi dumating yung client mo. Nagtext sya na hindi na makakarating dahil may pinuntahan."

"Oh, eh bakit ka nagagalit? Hindi ba goodnews nga kasi hindi tayo napahiya?"

"Anung goodnews doon aber?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Nakita ko si mommy na pababa ng hagdan.

"Ah, eh mo-mommy nandito pala kayo" anung ginagawa nila dito?

"Nagset kame ng dinner ng mommy mo together with you and your wife. Para naman mabawasan yung stress natin sa work diba?" This time, si daddy naman ang nagsalita habang palabas sa kitchen papunta sa dinning area at may hawak na bowl. Sa amoy palang neto alam ko ng adobo ito.

"Surprise!!!" Sigaw ni mommy at ni Jamie habang pababa ng hagdan. Pagbaba nila ng hagdan ay hinalikan ako ni mommy sa pisngi at ganun din si Jamie.

"Kinabahaan ako sainyo ah. grabe itong pakulo nyo!" Mabuti nalang at part pala to ng suprise nila. Nakalusot ako.

Habang kumakain na kame ay nagsalita si daddy.

"San nga pala galing at ginabi kana?" Nabulunan ako ng itong ni daddy yun. Nabigla talaga ako kaya halos maubo ubo ako. Tinatapik naman ni Jamie yung likod ko.

"Ah, eh daddy may pinuntahan lang po akong simbahan."

"Grabeng simbahan naman iyon anak at ginabi ka." Anung idadahilan ko....

"Ah, kasi mommy inaayos ko na yung kasal namen ni Jamie" palusot ko.

"Wow! Talaga hon?" Napatayo si Jamie sa tuwa at biglang yumakap saakin. Patay!

"Ah oo hon. Tama, para sa kasal natin" anu ba itong nadahilan ko....

"Brilliant idea! Tutulungan ko kayong ayusin ang kasal lalong sa madaling panahon!" Napapalakpak pa si mommy sa tuwa. Mukhang masayang masaya sya. Pero wala pa akong balak magpakasal. At kung meron man, hindi kay Jamie..... Kay Angel.

Pagtapos naming kumain ay hinatid na ni Jamie sila mommy at daddy sa labas. Tapos ako dumiretso ng banyo para magshower. Paghubad ko ng coat ko, nalaglag yung calling card ko. May bigla akong naalala. Tama! Yung calling card ni Angel....

---
Author's Note:
Hello guys! Nagustuhan nyo ba yung story ko? Pasensya na paputol putol yung update:)) Salamat sa pagbasa. Di ko kasi inexpect na may magbabasa nito. Dont forget to comment and to vote Forbidden Love by: Johndsome_drae thanyouuuuu!!!

•Kuya'Andrae

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon