Chapter 33: Missing

1.3K 14 0
                                    

Chapter 33: Missing

Nako po!!!!
Hindi pwedeng mawala yun! Yun na ngalang yung magiging way para makapagusap kame ni Angel at makapag lapit ng loob ulit pero nawala pa! Kaya pala parang may something akong nakalimutan. Tama, naiwan ko yun sa ibabaw ng table kanina sa Resto na pinagkainan namen. Badtrip!!!

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ng banyo.

"Hon, bilisan mo. May itatanong ako sayo" sigaw ni Jamie. Hindi nalang sya pinansin. Baka kung ano pang masabe ko kapag kinausap ko lang sya. After 30 minutes, natapos nakong magshower. Naka tapis lang ako ng white towel tapos may beach bath akong hawak na pinupunas ko sa buhok at katawan ko.

"Diba sabe mo sa Church ka galeng?" Tanong nya saken.

"Oo nga. Bakit?"

"Eh bakit tumawag sakin yung kumpare mo. Sabe daw nung isang crew doon kumain daw doon kanina na may kasamang isang babae?" Patay, double trouble!

"Isa kong client yun! Naisip nya kaseng kumain muna kaya doon ko sya dinala kasi sister company naman naten ang Nicole's Lutong Bahay. That's it!" Whooo, sana maniwala sya.

"Hon, may iba paba bukod saken?"

"Teka, anung ibig mong sabihin?"

"May number 2 paba? May secret affair kaba?"

"Anu bang pinagsasabe mo!"

"Wala, nagtatanong lang ako. Para naman msging aware ako. Kung sobra, babawasan ko. Kunv kulang, dadagdagan ko. Kung ano yung gusto mo, gagawin ko. Kung ano yung ayaw mo  tatanggalin ko."

"Anu bang drama nanaman yan Jamie?! Masyado lang akong naging busy sa trabaho!"

"Long anu bang kulang? Pangit bako? Masama bako? Nasasakal kana ba or what?"

"Pwede ba tumigil kana!"

"Hindi ako titigil. Nasasaktan na kase ako! Kailangan ko ng sagot kasi mababaliw nako kakaisip ng sagot sa tanong ko!"

"Wala. Wala sayo ang problema. Nasa akin."

"Bakit? Dahil ba hindi ka padin nakakamove-on sainyo ni Angel? Dahil hanggang ngayon sya padin ang mahal mo?"

"Oo! Oo jamie si angel padin ang mahal ko! Hindi ko padin sya makalimutan! Naguguluhan nako naiintindihan mo ba!"

"Oo carlo, intinding intindi ko. Ngayon malinaw na saakin ang lahat. Sige na, matulog kana. Madami ka pang imemeet na client bukas. Magpapahangin muna ko sa labas." Tapos bigla syang lumabas ng kwarto. Nakukunsensya tuloy  ako sa mga pinagsasabe ko kanina sakanya. Naghalo halo na kasi lahat ng inis ko. Bukas ko nalang sya kakausapin. Matutulog nalang muna siguro ako.

---
Kinabukasan...

"Goodmorning Carlo, nakahanda na ang lahat. Maligo kana." Si Jamie. Nakangiti sya ngayon at nakatingin saakin.

"Ah oo, saglit lang" sabe ko. Tapos lumabas nya sya at sinado ang pinto. Naguguilty tuloy ako sa mga nasabe ko kagabe. Hindi deserve ng tao na ito ang saktan. Napakabuti nya. Wala na syang ibang ginawa kundi pasayahin ako, alagaan ako. Mas inuuna nya pa ako kaysa sarili nya. Hindi ko naman sya gustong saktan eh. Pero anong magagawa ko? Si Angel talaga ang mahal ko.

After kong maligo at magbihis ay kumakain na kame. Hindi sya nagsasalita kaya ako na ang nagsalita. Hinawakan ko yung dalawang kamay nya tapos nagsalita ako:

"Hon, sorry for what I've done last night"

"Anu kaba, naiintindihan kita. Ako nga ang dapat magsorry kasi pagod kana sa work tapos sinabayan pa kita."

"Iloveyou, sorry ulit"

"Iloveyoutoo"

Pagkatapos naming kumain ay hinatid nyanako sa kotse ko. Nagdrive na ako papuntang DRC (Dela rosa corporation)

---

"Goodmorning sir" bati ng isa nameng employee.

"Goodmorning" bati ko naman.

Sumakay ako ng elevator papuntang office ko. Sa 13th floor. Sabe ng architect ar engineers na gumagawa ng building na ito malas daw ang 13. Kaya kung pwede daw, ilipat ko nalang ng ibang floor yung office ko. Pero hindi ako pumayag. Para sakin swerte ang number na ito. Eto yung number kung kelan naging kame ni Angel. Etong number na ito yung bumago na buhay ko....

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon