-29-

1.2K 33 9
                                    

Kathy's POV


"Okay, pack up na guys!"



Kinuha ko ang hand bag ko na nakapatong sa isang lamesa. 5:30 na. Napagdesisyunan kong tawagan si Dorothy para kamustahin ang baby ko.



"Manang, how's Elle? Umiyak ba?" Tanong ko habang hinahanap ang susi ng kotse ko sa ilalim ng mesa.



Shit naman. Nasan na ba yun? Pinatong ko lang yun dito eh. Andito lang yun nakapatong, tapos pagbalik wala na? Kung kailan ko kailangan, dun pa mawawala. Nyemas.



"Okay naman po siya. Opo maam, umiiyak po siya." Narinig ko ang mga hikbi ni Elle. Oh noes. My baby is crying.



"Mommy! Mommy!" Sigaw niya. Shit. Yung anak ko umiiyak. Tapos nawala ko pa yung susi ng sasakyan ko. When kamalasan stikes.



"Manang, patahanin mo po muna siya. Damn. Nasan na ba kasi yung bwisit na susi ko?" I sighed out of frustration. Nawawala na lang bigla yung susi ko.



Lumabas ako ng tent, hawak-hawak ang phone ko. "Hailey, may nakita ka bang susi?" Tanong ko sa isang staff.



"Wala po eh." Sagit niya habang nililigpit ang stand ng camera. Napasapo ako sa noo ko. Ang tanga mo kasi Kathy eh!



"Mommy!" Rinig kong sigaw ni Elle. I cursed multiple times. Hindi ko na alam ang gagawin ko, iiwan ko nalang ang kotse dito siguro. Papasundo ko bukas.



Wala kasi si Mang Vergil, ginamit ang van kasi may emergency sa bahay nila sa probinsya. Akala rin kasi ni Ari, di siya umalis.



"Manang, uuwi na po ako. Tell Elle to stop crying because mommy's coming home." Sabi ko kay manang.



"Opo maam." Sabi niya. Pinatay ko ang tawag.



I tried my luck again, I asked some staffs if they saw a car key. I know it's impossible to find them since car keys are small.



"Where are you, keys?" I murmured. Pinasok ko ulet ang tent. Si Daniel na lang yung nasa loob. Di ba 'to nakakaintindi ng 'pack up'?



"Did you see a car key? My car keys, to be specific." Aligaga kong sabi. Nagmamadali na akong umuwi, pero kailangan kong hanapin ang susi ng kotse ko.



He smirked, "This?" He raised a black object with a metal attached to its end and its keychain chaining--my car keys. Damn this man!



"Hey that's mine!" I whined. Lumapit ako sa kanya para kuhanin ang hinahawakan niyang susi na susi ko.



I was about to get my keys stuck in his fingers but he keeps on moving his hands in different directions. "Susi ko yan, Daniel!" Hinampas ko siya sa braso niya.



"Aray! Habulin mo muna ako." Sabi niya at tumakbo palabas ng tent. Totally leaving me behind. Grrrr!!!



Bwisit na yun! Sinusubukan niya ang pasensya ko! Ang sarap niya tadyakan sa mukha! Ugh! Bwisit talaga. Stress siya sa bangs!



"Give me back my keys!" Sigaw ko sa kanya, nakasandal siya Trailblazer niya.



He grinned, "Ayaw." Bwisit talaga! Mabuti nalang at walang nanunuod na fans kasi hindi pwede manuod dito. Busy ang staffs sa pagliligpit.



I'm Now Mrs. Padilla?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon