-38-

1.4K 32 2
                                    

Kathy's POV




Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin, nakasuot ako ngayon ng gold flowy dress na umaabot hanggang sa tuhod ko, black handbag at ang black Jimmy Choo pumps ko.



May Press Conference ako ngayon para sa pre-debut ko sa susunod na bukas. Kailangan talaga akong magpa-prescon para ma-clear out yung kumakalat na pictures namin ni Daniel na magkasama.






I'm in deep trouble, alright. Pero pera lang ang katapat niyan. Idagdag mo na rin yung kasinungalingan. Lies and money runs in the industry.






"Kathy! Pakibilisan mo naman diyan! Mata-traffic na naman tayo eh!" Sigaw ni Jon mula sa ibaba. Oo, andito na siya. Umuwi siya kahapon. Dapat kasi present siya sa prescon ko at sa debut party ko.






"Wait lang baby! Andito na." Sabi ko habang bumababa sa hagdan.






Tiningnan ko ang wall clock. Shit! Ilang minuto na lang at magsta-start na yung prescon pero wala pa ako. I hate being late.






"Ano ba yan! Stress ang beauty ko sayo, Kathy. Let's go!" Inayos niya ang sleeves niya at tinupi hanggang sa siko niya.






"You look hot." I joked. Inirapan niya 'ko. Tumawa kaming dalawa habang naglalakad palabas ng bahay.






Sumunod namang lumabas sina Dorothy at Elle. Ayaw ko sanang sumama si Elle kasi baka umandar na naman yung pagka-brat niya at ipahiya ako sa harap ng media mamaya. Kaso iniyakan niya ako, kaya pumayag nalang ako.






Pinagbuksan kami ni Mang Vergil ng kotse. Inayos ko ang upo ko at tiningnan si Elle na ngumingiti. "Mwommy, Ari?" Tanong niya.






"Nauna na siya sa venue, baby." Sagot ko at inayos ang buhok niya. Medyo magulo kasi kulot eh.






"Manong, pakibilisan po. Late na po kasi ako eh." Nag-aalalang sabi ko kay Manong.






"Wala na po bang alternative way para hindi tayo matraffic na hindi dumadaan sa main road?" Tanong naman ni Jon habang chini-check yung phone niya.






Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Fuck, 30 minutes na lang magsta-start na. Gahd. We are so gonna be damn late.






Ngumiti si manong, "Meron po. Chill lang kayo, ako ang bahala. Di ho kayo male-late." Kumindat pa siya na para bang kampanteng kampante siya na hindi talaga kami male-late.





Siguraduhin mo lang po Manong! Kelangan di talaga kami malate.






"Siguraduhin mo lang, manong. Kasi kung di kami makarating on time, ipapapatay kita." Seryosong sabi ni Jon gamit ang panlalaki niyang boses.






Pinigilan ko ang tawa ko. Nakita ko ang paglunok ni Mang Vergil ng ilang beses tapos namutla bugla yung mukha niya. Hahaha!






Lumunok siya, "Ser, wala naman pong ganyanan." Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo nang kotse. Wala naman masyadong kotse at bus sa daan.






"Joke lang naman manong! Ang seryoso mo naman masyado." Natatawang sabi ni Jon.






Napakamot ng ulo si manong at natatawang umiling. "Kayo ho talaga, mahilig sa biro."






I'm Now Mrs. Padilla?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon