Chapter 6-Bike

19.5K 569 15
                                    

"Kaius!" Masigla kong saad ng bumungad siya sa akin ng palabas na ako ng Mansion.

"Get in, Catina." Seryosong saad niya dahilan para umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya.

Napatingin ako sa aking relo. I am late already. Hindi na ako papasok. Baka isasama na rin ako ni Kaius.

Finally, I'll leave this haunted mansion.

Pumasok ako sa loob habang nakasunod sa akin si Kaius.

"Kukunin mo na ba ako? Are we going home?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

"Catina, listen to me. You need to stay here." Panimula niya na agad ikinakunot ng noo ko.

"Why? I am in danger, Kaius! They're going to kill me if they'll know that I am just pretending to be a Limerence. I AM NOT A LIMERENCE!" Hysterical kong sigaw.

"Yes, you are. Simula ng tumira ka dito, you're a Limerence. Just be obedient, Catina. Through this, you'll be safer." Hindi ko na napigilan ang aking mga luha na tumulo dahil sa sinabi niya.

I felt like I am betrayed. I am disown by my own brother. They don't want me to be with them.

"Just be obedient? I am being submissive to you all these years! All my life, you're the one who have the power to decide. Hinayaan kitang alisan ako ng kalayaan." Nanghihina kong saad sa kaniya. Hindi ko na napigilang mapaupo sa sahig dahil sa nangyayari.

Dahil sa biglaang pagbagsak ko ay nagalaw ko ang baso na may laman na orange juice at natapon sa akin.

This is draining me.

"This is too much, Kaius. Please, I want to come with you. I don't want to die." Pakikiusap ko sa kaniya habang patuloy ang pagtangis.

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ako sa aking mga braso. "Mas magiging ligtas ka dito, Catina. They'll not kill you. I will not let them. Just trust me, my dearest."

Niyakap niya ako at hindi ko napigilang mas umiyak pa dahil pakiramdam ko ay hindi na siya muling babalik pa. This feels like a goodbye.

"I need you to stay innocent. Stay in the light. I will do everything para lang hindi ka mapasok sa mundo namin. I'll sacrifice anything para lang mabuhay ka."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin. "I need to go, Catina. He's coming."

"Always remember this. You are a Limerence. Just act normally. They'll not know the truth."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang tumayo at walang paalam na lumabas ng Mansion.

Nanghihina ako dahil sa nangyari pero kailangan kong ayusin ang sarili ko.

Sigurado ako na ang tinutukoy ni Kaius ay si Zane. Hindi niya ako pwedeng maabutan na ganito. Sigurado ako na magtatanong siya. And I am not ready to answer all his questions. I've had enough for this day.

Uminom ako ng tubig bago ako umakyat sa kwarto ko para mag-ayos. Kailangan kong magpalit ng uniform.

Agad akong pumunta sa CR para makapaghimalos ng mabilis.

Pagkalabas ko ay saktong narinig ko ang pagtunog ng wind chime sa baba.

He's here.

Agad kong kinuha ang isa pang pair ng uniform na nakasabit sa cabinet ko. Mabilis akong nagbihis bago bumaba para harapin siya.

"Where have you been? Bakit hindi ka pumasok?" Dire-diretsong tanong niya sa akin.

"U-uhh. I felt sick." Napaka-lame ng excuse ko pero yun lang ang naiisip ko na idahilan sa kaniya.

Nilagpasan niya ako at umakyat papunta sa kwarto ko. "Z-zane, what a-are you g-going to d-do?"

Natigilan ako ng iharap niya sa akin ang hinubad kong uniform. "Why did you change your uniform?"

How did he know? Is there a hidden camera here?

"Answer me honestly, Catina. Anong ginawa nila sa'yo?" Sa pagtatanong niya ay nabago ang aura niya. It became dark. Darker.

Nila?

"Ano b-bang sinasabi-----"

"They put a juice on her uniform, Zane." Napalingon ako sa aking likuran at bumungad sa akin ang isa pang lalaki na tila pamilyar din sa akin.

It looks like hindi lang si Zane ang pumunta dito. He brought his team.

Bahagyang ngumiti ng nakakaloko ang lalaking bagong dating. "By the way, I am Alexis Roux De Leon at your service." At ngumiti na siya ng tuluyan.

Napangiti na rin ako dahil sa ngiting ipinapakita niya sa akin ngayon. It looks like very genuine.

"She's not asking for your name, Lex. Get out of here."

"Ohhh! Territorial, huh?"

Sinamaan ni Zane ng tingin si Alexis. Natawa lamang ang huli at umalis ng tuluyan dito sa kwarto ko.

"So that explains the orange stain here." Bulong niya bago bitawan ang aking uniform at hawakan ako sa palapulsuhan.

"S-saan mo ako d-dadalhin? Please s-stop dragging me." Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko mapigilang mag-stammer sa tuwing siya ang kausap ko.

"Ayusin mo muna ang pagsasalita mo bago mo ako utusan o pakiusapan." Cold na sagot niya at binitawan niya na ang aking kamay ng makalabas na kami ng Mansion.

Napansin ko na tatlo pala silang magkakasama. At lahat sila ay naka-motorbike.

Nilapitan ni Zane ang pulang motorbike bago ako muling nilingon. "Sakay."

Umiling ako ng sunod sunod dahil sa sinabi niya. I cannot ride a motorbike.

"Wag kang maarte. Sakay." Madiing saad niya pero hindi ako nakinig sa kaniya bagkus ay kinuha ko ang aking Bike.

Napabuntong hininga ako sa mga nangyayari ngayon. Pagod ako pero kailangan kong maging malakas. Kailangan kong ipakita na ayos lang ako kahit nanghihina na ako dahil sa nangyari kanina.

Inhale. Exhale.

I should stop stammering.

"I'll just take my bike with me." Maikling wika ko.

Nakarinig ako ng halakhak na sigurado akong nagmumula kay Alexis. "Looks like we're the one who needs to adjust."

"Damn girl!" Narinig kong komento ni Zane bago muling nagsalita.

"Mauna ka. Susundan ka namin." Tingin ko ay nauubusan na siya ng pasensya sa akin pero pinipigilan niyang magalit.

Tumango ako at sumakay na sa bike ko. Gusto ko mang bilisan ang pagpapatakbo nito ay hindi ko magawa dahil masisira ito kapag pinwersa ko.

"Dang! Mas mabuti pa yata na maglakad." Narinig kong komento ng isa sa kanila. Hindi lang ako sigurado kung sino.

-----------------------------------------------------------
Vote and Comment...
Follow me...

©Ladychinderella

Temet NosceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon