Chapter 2-Catina Limerence

26.4K 728 29
                                    

Nagsisimula ng magturo ang Teacher namin pero hindi ko magawang makinig sa sinasabi niya dahil sa nangyari kanina. That was so close.

"Miss Limerence, are you with us?" Striktong tanong ni Miss Aguilar. Tumango ako at nakinig sa kaniya kahit hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi niya.

Nang matapos ang klase ay nagpahuli  akong lumabas upang kakaunti na ang mga estudyante na makakasalamuha ko. Nagmadali na ako sa paglabas ng University ngunit may nabangga na naman ako.

"Stupid geek." Maikling usal ng lalaki at nilagpasan ako. Nilingon ko ang kaniyang bulto. Maganda ang hubog ng katawan niya. Kung hindi ako nagkakamali ay isa rin siyang miyembro ng Vasca di sangue.

Agad kong pinulot ang aking mga libro at tumuloy sa locker room upang ilagay ang mga ito doon.

Nakakapagtaka na marami pa ring estudyante ang nandito. Anong meron?

Napansin ko ang pagmamadali ng iba sa paglabas mg Locker Room. Hinayaan ko lamang sila at nagpatuloy sa pagtatabi ng aking mga gamit.

Naalerto ako ng  may pumasok na mga kalalakihan. Anong ginagawa nila dito? This is a girl's locker room. "Akala ko ba pinaalis mo na ang mga tao dito, Jace?"

"Pinaalis ko na nga sadyang mabagal lang ang isang yan pare." Sagot ng isang lalaking may pilyong ngiti.

"Get out, bitch." Cold na saad ng isa sa kanila. Nang lumingon ako sa kanila ay saka ko lamang na-realize na hindi lamang sila barkada ng mga kalalakihan na malakas mang-trip.

The Vasca di sangue is infront of me.

Ang huling lalaking nagsalita ay ang lalaking nakabangga ko ngayong uwian. Sabi ko na nga ba at isa siya sa kanila.

Tumungo ako at naglakad na agad palabas ng Locker Room. "Hey, Voiceless Girl. Nice to see you again." Masiglang usal ng isa sa kanila dahilan para tingnan ko ang kaniyang mukha.

Siya ang lalaking nakabangga ko kaninang umaga. "Pare, you're disgusting. Pumili ka nga ng maayos na babae." Kantiyaw pa ng isa sa kanila.

Agad akong lumabas ng Locker Room at tumakbo papunta sa Parking Lot. Kinuha ko ang bike ko at inilagay sa unahan ang bag ko bago ako umalis ng tuluyan sa University.

D*amn it. Stay away from the troublemakers, Cat.

Natatanaw ko na ang bundok kung saan malapit ang bahay namin ngunit bago pa ako makarating ay may humarang na sa aking daraanan na isang itim na limousine.

Don Juanito Alcaraz

Ang matandang haciendero na mahilig mang-mata ng mga residente dito lalo na sa mga illegal settlers at magsasaka.

Inaasahan ko ng ibababa niya ang bintana ng kaniyang sasakyan ngunit hindi iyon nangyari bagkus ay umiikot ang sasakyan niya at tuluyang umalis.

Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang nangyari at nagmadali na ako sa pagtipa ng pedal ng aking bike.

Nang makarating ako sa bahay ay hindi ko pa rin maiwasang titigan ang naka-carve na salita sa grey na gate ng bahay.

La Famiglia Limerencia

The former Mansion of the most powerful Mafia in the East.

I don't belong here. This is not my Home.

"From this day, you will be a Limerence. Catina Limerence."

"But Mommy.."

"Sshh, just follow what I've said darling."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango at pumayag.

Pumasok ako sa loob at binuhay ang ilaw sa garahe. Kung titingnan mo ang Mansion ay hindi mo gugustuhin na tumira dito.

Ang mga pader ay ginagapangan na ng mga halamang ligaw. Ang sahig ay puno ng lumot. Ang ceiling ay puno ng mga lawa o bahay ng gagamba.

Nang buksan ko ang pinto ay hindi na ako nagulat ng mabungaran ko sa loob ang isang taong alam ko na nagsisilbing mata niya sa akin.

Mabuti naman at nagpakita siya sa akin ngayon.

"How are you, Signorina?"

"Tell him that I am fine here." Cold na sagot ko sa kaniya at nilagpasan siya upang tumuloy sa aking kwarto at makapagpalit ng damit.

Wala na sana akong balak na lumabas ng kwarto ang kaso alam ko na hindi papayag yung taong nasa labas na hindi ko siya kausapin.

"Catina, come out here. We need to talk." Mahinahong saad ng isa pang boses. Dang! It's him.

Agad akong lumabas ng kwarto at bumungad sa akin ang isa sa mga paborito kong lalaki.

"Kaius!" Tawag ko sa kaniyang pangalan at tumakbo palapit sa kaniya upang mayakap siya ng mahigpit.

"I miss you too,  little sister." Tumatawang saad niya habang yakap yakap ko siya. "Are you going to stay with me, Kaius?" Tanong ko ng bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya.

Nagbago ang expression ng mukha niya.

"I knew it. You don't have to state the obvious." Malungkot kong saad.

"Soon, my dear. Soon. Kukuhanin ka namin ang you don't have to be lonely in this Haunted Mansion." Nakangiting saad niya.

Ang kaniyang ngiti ay nakakapagpalubag loob. I wish I had that smile also.

"Come on, let's eat. I have a surprise for you." Sabi niya at iginiya ako papunta sa Dining.

Maraming pagkain ang nakahain sa lamesa. Tila may fiesta. "Someone told us that you're not eating a proper meal, Catina."

"Please stop it, Kaius."

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na rin si Kaius na aalis na siya. Hindi ko na inintay na makaalis ang sasakyan niya dahil agad na akong umakyat sa taas.

Someday, I will be able to be with them again.

Just wait, a little patience.

Makakasama ko rin sila.

I will be home soon.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you for reading!
Sana nagustuhan niyo itong update...

Vote and Comment
Follow me...

©Ladychinderella

Temet NosceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon