Chapter 15- Welcome

13.9K 367 8
                                    

"I told you to wait for me. Mahirap bang intindihin yun?" Hindi ako sumasagot sa takot na baka mapamali yung isasagot ko.

Nang maramdaman ni Zane na hindi ako sasagot ay ibinigay niya sa akin yung plato na may pagkain.

Naupo siya sa armchair at nagsimulang kumain. Mabuti nalang at nasanay din ako na kumain kahit walang lamesa.

"Dre, ang sarap mo talagang magluto." Saad nung isang lalaki sa hindi ko rin kilalang lalaki.

"Syempre. Ako pa ba? I am Chase Harlow Garcia, the best among the best." Natawa ako sa sobrang pagyayabang niya kaya napatigil ako sa pagkain.

"Stop laughing and eat your food."

"Alam mo Chase, binibiro ka lang ni---" Hindi na natapos ni Alexis yung sasabihin niya dahil biglang pumasok si Stein.

"Oh! The grumpy member is here!" Sigaw nung Chase at naglakad papalapit kay Stein. Binangga niya yung balikat nito dahilan para samaan siya nito ng tingin.

"Chill, par. Binabati lang kita in a cool way." Mapaglaro na usal ni Chase at tumaas pa ang mga kamay.

"Tado!" Bulong ni Stein pero mababasa mo sa bibig niya kung anong sinasabi niya.

Lumapit siya sa pwesto namin at may ibinulong kay Zane na tinanguan lang naman nitong isa.

"Where do you want to go after this?" Tanong sa akin ni Zane dahilan para mapalingon sa amin ang iba.

"U-uh, I think I need to go home."

"Tsk."

Hinayaan ko na lamang si Zane at napansin yung lalaking sumundo sa akin na walang kaimik-imik.

"Z-zane, sino yung sumundo s-sa akin?" Mahinang tanong ko dahil sigurado na mapapalingon na naman sila dito sa gawi namin.

"Nathaniel Dela Fuente." Dela Fuente seems very familiar to me. "Bakit mo tinatanong?"

Umiling ako sa kaniya at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Napatingin ako sa gawi ni Jemir. He's very serious right now. Ano kaya yung ginagawa niya sa laptop niya?

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam ako kay Zane na ilalagay ko lang ang plato sa kusina.

Pagbalik ko ay napansin ko na nakikipag-usap si Zane sa kaniyang mga kaibigan kaya naisip ko na tumabi nalang kay Jemir.

"Anong ginagawa mo?" Curious na tanong ko at nagulat ako ng bigla niyang isara yung laptop niya.

"You startled me, Catina Adelaide. Para kang mushroom bigla bigla nalang sumusulpot."

"Ano bang ginagawa mo sa laptop mo? Bakit bigla mong isinara?"

"Business. Hindi pwedeng makita ng mga bata. Hahahah" Agad ko siyang pinalo sa braso niya dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman na ako bata."

"You're still a college student, Cat. Student. Bata." Ipinagdiinan niya pa kaya hinampas ko siya ng sunod sunod na tinatawanan niya lang naman.

Napatigil nalang kami ng makarinig kami ng sunod sunod na pagkabasag.

Napatingin ako sa lugar kung saan nanggaling yung tunog at sumalubong sa akin ang masasamang tingin ni Zane.

Kumuha pa siya ng isang baso at ibinato iyon bago siya naglakad papalabas ng Mansion.

"You're doomed, Adelaide. Get ready for the storm." saad niya at sinundan ng tawa bago tumayo at guluhin muli ang aking buhok.

Tinapik niya ang aking balikat at saka nagpaalam.

Hindi ko alam kung anong gagawin kasama itong mga kaibigan ni Zane kaya ang balak ko sana ay umakyat nalang sa kwarto ko at matulog.

"Kaya idol kita eh!" Malakas na sigaw ni Alexis at nilapitan ako para makipag-high five. Napairap nalang ako sa kaniya.

Nang tingnan ko ang mga iba nilang kasamahan ay ang sama ng tingin nila sa akin dahilan para mapayuko ako.

"I am Chase Ryo Hirushi, at your service." Hirushi?

"Y-you're a Japanese?" Nakangiting tumango siya sa akin. Naglahad ako ng kamay sa kaniya at nabigla siya sa iniakto ko.

Kinuha niya naman ang kamay ko at hinalikan ang likuran nito.

"Again, I am Alexis De Leon, darling." saad ni Alexis at kinindatan ako.

"Nathaniel Ephraim Dela Fuente, it was nice meeting you." Nabigla ako ng makita siyang nakangiti sa akin. Palagi siyang naka-poker face kaya agad din akong napangiti dahil sa ngiti niya.

"And he is Stein Declan Gallego, our second in command, babe." Saad ni Alexis at inakbayan niya ako papunta sa kinauupuan ni Zane kanina.

"Paano mo nagawa na galitin si Zander? Alam mo kahit anong gawin ko wala yung pakialam. Kahit magpakamatay pa ako sa harapan niya. Never siyang nagalit or nag-walk out man lang sa kahit sino." may kahulugan na saad ni Chase habang nasa tabi ko.

"H-hindi ko r-rin alam."

"Aren't you comfortable with us?" Parang tuta na saad ni Chase at nag baby face pa. Napangiti ako sa ginawa niya.

"N-ngayon ko pa l-lang kasi kayo m-makakasama."

"Oh. If that's the thing,don't worry, I'll be with you every second and every minute." Saad niya at ngumisi pa bago tumayo at naglakad para kumuha ng wine.

"I don't think Zander would be happy seeing you with them." Biglang usal ni Stein at nagpatuloy siya ng lakad papunta sa Dining Room.

I think in some ways, Stein and Zane are similar to each other.

Nang hindi bumalik si Zane pagkalipas ng 30 minutes ay napagdesisyonan ko na pumunta nalang sa kwarto ko at magpalipas ng oras doon.

Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay napansin ko na nakabukas ng bahagya ang pinto ng isang kwarto kaya doon ko naisipan na pumunta.

Nang makapasok ako ay namangha ako ng makakita ako ng isang piano set.

I would really love to play a piano but then, Kaius and my biological Father decided not to buy me a Piano set when I moved out of the house.

Binuksan ko ito at umupo sa upuan na nasa harapan nito. Nang magsisimula na sana akong tumugtog ay sabay naman nito ang pagpasok ng kung sino man.

"I would really appreciate it, if you would stand up and leave this place, this instant." Sa boses niya pa lang ay kinikilabutan na ako. But I didn't expect him to find me here.

"I'm sorry,




Declan"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment...
Follow me...

©Ladychinderella

Temet NosceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon