Chapter 13- Black Web

15K 405 6
                                    

I tried to enter the so called Black Web pero kahit anong gawin kong dummy account hindi talaga pumapasok.

Nag-try ulit ako ng isa pang entry at ng bumungad sa akin ang front page ay agad akong napatalon sa tuwa.

Pero biglang nag-shut down yung computer kaya natigil ako. What the heck is happening?

Damn. Mukhang di ko talaga mapapasok ang website na yun dahil mukhang sira na itong computer na to. Useless.

¬

Marcus' POV

"What have you done, Alexander Ford Limerence? You're getting yourself into trouble."

I still cannot believe na ginawa niya ang bagay na yun. Para siyang humarap kay kamatayan.

"She's a spy." Sunod na saad ni Zander dahilan para matawa ako.

"Can you hear yourself, dickhead? She's soft as pillow. Stop being paranoid."

"C'mon Jews. You know my instinct won't fail me." Sunod niyang saad. Itong taong to pinapatawa talaga ako.

"And what if she's not? What will you do? You will dispose her like a trash?"

Hindi siya sumagot sa sunod kong sinabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na pineke niya ang resulta ng test para lang mapalapit sa mga kalaban. Ni hindi nga siya sigurado kung spy ba talaga si Catina.

"Zane, you know she's too good to be true. She's innocent. Wag mo siyang dalhin sa mundo natin. Don't you dare corrupt her because if you do, ako na ang makakalaban mo."

"Why suddenly being protective towards her? She's not a real Limerence, Marcus. She's not your cousin nor my sister."

"Do you really think Don Augustus will just accept her as a daughter just because of your not so sure test results? I am sure na gumawa rin siya ng paraan para malaman kung kadugo ba si Catina o hindi. Wag kang tanga, Zane. We know your father very well. Up to the point na kaya niyang basahin ang mga kilos mo."

Napabuntong hininga ako sa mga nalaman ko. Sobrang katangahan ni Zane nakakagawa siya ng mga bagay na ikamamatay niya.

"Zane, you are very desperate. Desperate to the point na tinatawanan ka nalang ng mga kalaban natin. Northern Mafioso are all around at alam mo na nandito ka sa teritoryo nila."

Kinuha ko ang Jack Daniels at naglagay sa kopita na kaharap ko. "Bro, chill. Let them do the work. You're not the Zane I used to know. Move on, dre."

Kinuha niya yung alak at inisang inom lang iyon. Up until now, Zane is not yet over with Katarina's death.

"How can I avenge my lil sister? Being desperate is the only way, Marcus. It is the only way."

"Give yourself a break, Zane. Breath from everything that keeps you from going back to the way you used to be. You're a wise person but right now I don't think I can say that." Tumayo na ako sa pagkakaupo sa stool at tinapik ang kaniyang balikat. Sigurado ako na kailangan niya ng oras para sa sarili niya.

"Marcus, what should I do? Mababaliw na ako sa kaiisip kung sino ba talaga ang kalaban o kung kanino ba ako dapat maghiganti." Bulong niya pero sapat na para marinig ko.

"That's the problem bro. Hindi natin alam  kung sino ang mga kalaban natin kaya dapat tayong maging mas maingat."

Iniwan ko siya sa bar section at naglakad papunta sa Control Room. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang blankong monitor.

Agad ko itong nilapitan at tiningnan kung anong nangyari. It is connected to the computer in Catina's Room.

Dang! I knew it. She tried to enter the Black Web the reason why her computer was destroyed by the virus of the site.

Paano niya nalaman na nag-eexist ang Black web? At ano ang titingnan niya roon?

Looks like she's not that clueless. She knows something. Hindi man marami pero may alam pa rin siya. I wonder kung alam ba ni Don Augustus na may kaunting nalalaman ang kaniyang mahal na prinsesa.

Zane shouldn't know this matter. Sigurado na mas mag-o-overthink yun at pag-iisipan ng masama si Catina.

Hangga't di ko napapatunayan na spy si Catina I would treat her as the Princess of the Clan.

Nag-login ako sa account ko sa Black Web para makakuha ng balita kung ano na ba ang nangyayari sa Underground at sa Black Market.

Our clan is still on top but I doubt if it is really on top. Magkaiba ang data na lumalabas sa ranking ng Underground at ng Black Market. Our products are not on top of the Black Market so I doubt kung kami pa ba talaga ang nagpapatakbo ng Underground.

Southerners are the leading producers and manufacturers of illegal drugs and firearms in the whole world for almost a decade now. 

But it looks like the Northerners are doing something to get the throne from us.

Don Augustus should know this information. This is a big deal for all of us. This is a threat.

¬

Catina's POV

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagbagsak na narinig ko. Sunod sunod na pagkabasag ang sunod kong narinig.

Agad kong kinuha ang robe ko at dahan dahang naglakad pababa ng hagdan.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa ng matanaw ko si Zane sa Bar Section na patuloy na umiinom.

May mga basag na mga bote sa kaniyang paanan.

Naglakad ako papalapit sa kaniya pero natigilan ako dahil sa bigla niyang pagsasalita.

"Kat-kat, come b-back to Kuya. P-Please. I need you r-right now, my lil' sis." Noon ko lang napansin na may hawak pala siyang picture frame.

"Why did you leave so soon? Bakit ikaw pa? Kat, Kuya needs someone like you. You are my only comfort zone, my safe haven. C-come back please." Natigilan ako ng mapansin ko na unti unti na siyang umiiyak sa kinatatayuan niya.

Gusto ko mang lumapit sa kaniya para pagaanin ang loob niya pero alam ko na hindi ako yung tamang tao.

Tumalikod ako at dahan dahang naglakad paakyat muli sa kwarto ko.

Nang tingnan ko siyang muli ay hindi ko naiwasang mag-alala.

Someday, I will be able to calm you down. Someday.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Vote and Comment...
Follow me...

©Ladychinderella

Temet NosceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon