Chapter 11- North

15.9K 425 6
                                    

Nagising ako na nakatigil na ang sasakyan namin. Napakunot ang noo ko dahil parang may kakaiba.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa driver namin.

"Nothing, Señorita." Sagot ng isa pang bodyguard na nakasakay sa shotgun seat.

Ngunit ng sumilip ako sa bintana ay napansin ko ang tila kaguluhan na nangyayari sa labas.

Ibinaba ko ang bintana upang makita ng maayos ang nangyayari.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Zane na may kaharap na mga lalaki na tila hindi basta basta.

Agad akong bumaba ng kotse at nilapitan sila pero mukhang mali ang ginawa kong paglapit.

"So, this is the other Limerence?" Nakangising usal ng isang lalaki. Nawala ang nakakalokong ngiti niya at napalitan iyon ng isang matamis na ngiti.

"A wonderful day, mi amore!" Magalang na saad nito at kinuha ang aking kamay at hinalikan.

Agad namang tinabig ni Zane ang kamay ko dahilan para mabitawan ng lalaki sa aking harapan.

"My name is Marcus Jemir Jews. You can call me anything you want." Magiliw na usal ng lalaki at binalewala ang ginawa ni Zane.

"Get out of our way!" Mahina ngunit puno ng diin na saad ni Zane.

Sumenyas si Marcus sa kaniyang mga kasamahan at agad naman itong pumasok sa kani-kanilang sasakyan.

"My favorite cousin, why so harsh?" Sarcastic na usal niya. Napakunot ang aking noo dahil sa tinuran ng lalaking nagngangalang Marcus.

Magtatanong sana ako ngunit bago ko pa iyon magawa ay nahigit na ako ni Zane papalayo doon.

Nagpatuloy kami ng byahe papunta sa aming destination. Pero hindi ako mapakali dahil alam ko na sinusundan kami ng mga humarang sa amin kanina.

Hindi ko alam kung kakampi ba sila o kalaban.

Tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas at hindi ko naiwasang mamangha nang bumungad sa akin ang napakagandang dagat na patuloy na umaalon at lumalapit sa pampang.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at dahan dahang naglakad palapit sa dagat.

"You need to rest first, Adelaide. Change into more comforting clothes." utos ni Zane bago niya ako iwan at maglakad papunta sa malapit na resthouse.

Bagsak ang balikat na sumunod ako sa daang tinatahak ni Zane.

Alas kuwatro na ng hapon ng magising ako mula sa mahabang tulog. Agad akong kumuha ng cardigan at naglakad palabas ng Mansion.

Nang makalapit na ako sa dagat ay hindi ko napigilan na hayaang mabasa ang aking mga basa. Napahagikhik pa ako dahil sa nangyari.

This is my first time in a beach so I am letting myself to enjoy the scenery and the place itself.

"Catina Adelaide Limerence"

Napalingon ako sa nagsalita. It is Marcus.

"Call me Jemir, my dear cousin." Nakangiting saad niya. Napansin ko ang mga tauhan niya na nakakalat sa paligid.

"Don't worry, they'll not harm you. They are here to protect you."

Napabalik sa kaniya ang tingin ko. Maybe it is okay to be friends with him.

"Nice to meet you, I am Catina." usal ko at naglahad ng kamay sa kaniya. Ngunit imbis na hawakan niya iyon ay muli niyang hinalikan ang aking kamay.

"Masanay ka na. That's how I greet someone who's close to me."

"You want a tour around the island?"

Agad akong tumango habang nakangiti dahil sa kaniyang offer.

Habang naglalakad lakad kami ay sobrang tahimik ng paligid. This is what I've wanted, since then. I only want a peaceful life.

"I am sure that you are younger than us. Bakit hindi mo tinatawag na Kuya si Zane?" Biglang saad ni Jemir.

Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kaya bigla siyang nagtawa. "Come here and sit with me. I'll tell you a story."

Naupo kami sa buhangin habang nakatitig sa dagat at papalubog na araw.

"I am pretty sure you do know Katarina. The first princess of the Limerence' Clan." Panimula niya.

"All I know is her name. Nothing more nothing less. They don't introduce her to me."

"Ohh. If that's the case, I'll introduce you to Katarina, someday. " Napasimangot ako dahil sa pahabol niya. Akala ko pa naman ngayon na.

"You reminds me of her. She is very innocent too but unlike you she knows how to fight for herself.

She is the light of the Limerence because without her our world would turn like hell. Full of hatred and vengeance."

Kumuha ng bato si Jemir at ibinato iyon sa dagat. Habang ginagawa niya iyon ay hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Don't let them change you Catina. Eventually, they will turn you into something you are not. Fight for yourself." Nakangiting usal niya.

"You are an angel. Unang kita ko pa lang sayo alam ko na ang kaya mong gawin at dalhin sa Clan. If Katarina did not make it to save us, I know you are the one who will save us." Tumayo na siya at nagpagpag. Naglahad siya ng kamay sa akin habang nakangiti.

"Let's go. Sigurado na nagwawala na si Zane sa paghahanap sayo." Usal niya at sinundan ng sunod sunod na tawa dahilan para mapatawa rin ako.

Iniimagine ko pa lang si Zane na nagwawala sa resthouse para hanapin ako ng mga tauhan namin, natatawa na ako.

"What's funny?"

Napaangat ako ng tingin sa taong nasa harapan namin. Matatakot na sana ako dahil sobrang sama ng tingin niya sa amin pero hinawakan ni Jemir ang kamay ko ngumiti sa akin.

"Where have you been? Umalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin." Napayuko ako dahil sa sinabi niya. I know he's pertaining to me.

"C'mon Zander, stop worrying so much. I am with her. She's safe with me." Sinamaan siya lalo ng tingin ni Zander dahilan para matawa si Jemir.

"Sa pagkakaalala ko, hindi ka ganyan kahigpit kay Katarina. You let her do what she wants, well as if you can control her." At sinundan na naman ni Jemir ng tawa.

Hinila ako ng biglaan ni Zane at naglakad ng mabilis palayo kay Jemir.

Nilingon ko siya at nag-wave ako sa kaniya gamit ang isa ko pang kamay.

"It looks like you treat him as your bestfriend, tsk!"

Nang makapasok kami sa resthouse ay ibinalibag niya ako paupo ako sofa.

"You are not allowed to go outside unless you're with me."

---------------------------------------------------------

Vote and Comment...
Follow me...

©Ladychinderella

Temet NosceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon