Chapter 10- Help

16.1K 457 6
                                    

Natapos ang check up sa akin at binigyan lang ako ng Doctor ng ointment para mas mapadali ang paggaling ng mga sugat at bruise ko.

Actually, the damage is not that serious but then my Father and Brother overreacted.

Napabangon ako sa pagkakahiga ko ng may marinig akong kumakatok sa pintuan.

Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin si Phoenix. Napalunok ako dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.

Its like he's the almighty predator and I am his prey.

"Don Augustus, wanted to see you in his office." Tumango ako sa kaniyang sinabi dahil kinakabahan ako kapag kaharap ko siya.

Tatalikod na sana ako ng marinig kong muli siyang nagsalita. "Get well soon, Señora."

--

Papasok na sana ako sa loob ng Office ni Papa ngunit ng buksan ko ito ay narinig ko ang pag-aaway ng dalawang boses.

"Try me, Alexander. Try me." Mahinahon ngunit puno ng diin ang pagkakasabi nito.

"You're not capable of protecting her! She'll just end up being dead meat." Mapang-uyam na saad ni Alexander.

Sa tingin ko ay napansin na ni Don Augustus ang aking presensya kaya tumigil na siya at di na sumagot pa sa sinasabi ni Zane.

"Get out." Utos nito sa nakatatandang anak.

Nang magkasalubong kami ni Zane ay patuloy pa ring nag-aalab ang apoy sa kaniyang mga mata.

"Have a sit, hija. How are you?" Malumanay na tanong sa akin ni Don Augustus. He's acting like nothing happened when in the first place there is something.

"I'm fine. Just a bruised and nothing serious. You don't have to worry Papa."

"He will pay bigtime for hurting you. " Mariing saad ni Papa.

"Papa, okay lang po talaga ako. I don't want other people to suffer just because of me. Sanay na rin po ako sa ganitong pangyayari."

Simula ng pumasok ako sa Paaralan ay binubully na ako ng mga kaklase ko. Dahil salot daw ako sa Bayan na ito.

Binubuhusan nila ako ng pintura, maruming tubig at kung ano ano pa.

Naranasan ko na rin makulong sa Banyo at Laboratory.

"Sanay? What do you mean, Adelaide?" Kuryosong tanong ni Don Augustus.

Napahawak ako sa aking labi ng biglang nag-sink in sa akin ang sinabi ko. Para akong nagsusumbong na bata sa kaniyang Ama dahil naagawan ng candy.

"Nothing." Pa-inosente kong sagot at nagpaalam na rin agad para makaiwas pa sa iba niyang tanong.

--

Naging color yellow na yung mga pasa ko kaya napapayag ko si Papa na ngayon na ako pupunta sa North.

It is my childhood dream to reach the North. And I will not let these bruises ruined it.

Sa pagkakaalam ko ay magtatagal kami roon ng tatlo hanggang limang araw kaya medyo marami ang dala kong gamit.

Sa pagkakaalam ko ay mamayang hapon pa kami aalis kaya naisipan ko na libutin ang Mansiyon.

Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng aking paa. Basta gusto ko lang tingnan ang kabuoan ng Mansyon. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nalilibot ng buo.

Napatigil ako ng makarinig ako ng hindi maipaliwanag na tunog.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog at nabigla ako ng bumungad sa akin ang dalawang kulungan.

Tatakbo na sana ako dahil sa pag-aakala na baka hayop ang nasa loob nito ngunit napatigil ako dahil sa pagtawag sa akin.

"S-señorita, p-please for---give m-me. I b-beg-----you."

"H-help me..." At malakas na iyak ang sumunod dito.

Lumapit ako sa selda at napahawak ako sa aking dibdib ng makilala ko kung sino ang tumatawag sa akin.

"S-sir" Mahinang usal ko ng makita ko ang mukha niyang puno ng dugo. Anong nangyari sa kaniya? Ito ba ang kabayarang sinasabi ni Papa?

Gumagapang siya ng lumapit sa bakal upang abutin ako.

"P-patawad Señora, p-pata---wad." Paulit ulit niyang sambit.

Napansin ko na may ilaw sa loob ng selda kaya naman hinanap ko ang switch nito.

Nang makita ko ay agad ko itong binuksan. At lalo akong nangilabot dahil bumungad sa akin ang kaniyang katawan na puno ng pasa at duguan.

Tila latigo ang ginamit upang parusahan siya dahil nakabakat pa ito sa kaniyang likuran.

Tanging boxers na lamang din ang suot niya. Nakakabit sa kaniyang kaliwang paa ang kadenang pumipigil sa kaniyang makalapit ng tuluyan sa bakal.

"A-anong nangyayari?" Natatakot kong tanong sa kaniya kahit na alam kong hindi niya maririnig.

"P-patayin nila a--ko Seño--ra. Tulu---ngan mo ako." Sumasamong saad nito.

Lalapit na sana ako sa kaniya ng tuluyan upang sumagot na tutulungan ko siya ngunit biglang may humawak sa aking palapulsuhan.

"Stop and Leave. You're not supposed to be here." Mariing saad ng isang baritonong boses.

"S-stein..." Tawag ko sa kaniyang ngalan ng lingunin ko siya ng tuluyan.

"Let me help him, please."

Agad niya akong hinila palabas sa lugar na iyon at ng makalabas na kami ay dinala niya ako sa Garden.

"Hindi ka dapat pumasok doon. At lalong hindi ka dapat nakipag-usap sa isa sa kanila." Puno ng misteryo ang kaniyang mga mata. Wala itong ipinapakitang kahit anong expression. Nakakatakot.

"Kailangan ko silang tulungan." Iyon lamang ang naisagot ko ng tumungo na ako dahil hindi ko magawang titigan ang kaniyang mga mata.

"Inilalagay mo sa kapahamakan ang iyong sarili."

"Stein, help me to help them."

Tumalikod siya sa akin at nagsimulang lumayo sa akin.

"Hinahanap ka ni Zander." Hindi iyon kalakasan ngunit sapat na upang marinig ko at tuluyan na siyang naglakad papalayo sa akin.

--

"Come back alive." Mga huling salita ni Don Augustus bago kami sumakay sa Porsche na naghihintay sa amin sa labas.

"Where is Zane?"

"Señora, Señor Alexander will take another car."

Tumango ako sa sinabi niya at tumingin sa labas ng bintana hanggang sa makatulog ako habang nagbabyahe.

---------------------------------------------------------
Vote and Comment...
Follow me...

©Ladychinderella

Temet NosceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon