Chapter 14- Gathering

14.5K 372 2
                                    

It's been a week since we went to the North at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Zane.

Pakiramdam ko ay umiiwas siya dahil hindi ko na siya napapansin dito sa Mansion. Sila Alexis at Stein lang ang madalas kong makita sa school.

Hindi na ako nagtangka pa na tanungin kung nasaan siya dahil sigurado ako na may dahilan siya kung bakit umiiwas siya sa akin ngayon.

"Aren't you going to ask about his whereabouts?" Nakangising wika ni Alexis habang kumakain kami ng lunch.

"Why would I?" balik na tanong ko sa kaniya dahilan para matigil siya.

"Oh god! You're changing, señorita!" Malakas niyang sambit dahilan para takpan ko ang bibig niya.

"Hinaan mo ang boses mo. Ano bang pinagsasabi mo? I just talked back to you and then suddenly I am changing? Gutom lang yan, Alexis." Nang tingnan ko ang paligid namin ay kami na ang laman ng bulong-bulungan dito sa buong Canteen.

"I'm going. Panira ka talaga ng araw." Bulong ko sa kaniya at iniwan na siya roon.

Hindi ko pa rin magawang mapapayag si Papa na alisin na ang mga bodyguards ko dahil hindi ako komportable na palagi silang nakasunod sa akin. Alexis is more than enough tapos dinagdagan pa nila.

Naglalakad ako papunta sa Evergarden ng biglang may humarang sa daraanan ko. Napatigil ako at napatingin sa kung sino man ang nasa aking harapan ngayon.

If I am not mistaken, he's a friend of Zane. Hindi ko lang matandaan ang pangalan niya.

Mabilis na nilapitan siya ng mga bodyguards ko ngunit agad ko silang sinabihan na hayaan yung lalaki na lumapit sa akin.

"Anong kailangan mo?" Malumanay kong saad.

"So, you're the new Princess." Sarcastic na saad niya bago ako tingnan mula ulo hanggang paa.

"Zander, wants to see you at the old Mansion." Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Old Mansion?

"Let's go. I'll escort you. Sabihan mo ang mga guards mo na sumunod nalang." Napatango nalang ako sa sinabi niya.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan na sunod sunod i-tap yung tuhod ko.

Hindi siya nagsasalita kaya minabuti ko na lamang na tumingin sa dinaraanan namin.

Nakakamiss din palang dumaan dito. Sana katulad noon nagagawa ko pa ring mag-bike na parang normal na tao. Hindi tulad ngayon.

Nang makarating kami sa Mansion ay napansin ko ang apat na sasakyan na nakaparada sa harap nito.

Nang bumaba yung kasama ko ay sumunod na rin ako at hindi na pinaghintay na pagbuksan niya.

Habang naglalakad ako papasok ay nakayuko lang ako sa takot na baka may magawa akong hindi niya magugustuhan.

Pero napaangat ako ng tingin ng biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"Catina Adelaide! My, my, my" Agad kong tiningnan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Jemir!" Sa sobrang tuwa ko ay napatakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Mukhang miss na miss mo na ako ah. I miss you too, Cat." Saad niya at ginulo ang aking buhok.

"Are you staying for good?" Tanong ko sa kaniya habang papasok kami ng Mansion.

"Nope. I'm just here for a talk. But I'll visit you more often, don't worry." Napangiti naman ako sa sinabi niya. He's my only friend. Kaya siguro tuwang tuwa ako na makasama siya.

"Adelaide, go to your room first and change your clothes." Mahinahong utos ni Zane ng magkita kami. Tumango lang ako ng marahan at sumunod sa sinasabi niya kahit hindi na ako sigurado kung may damit pa ba ako dito.

Nagulat naman ako ng mapansin na may kakaunti pa ring damit dito sa aking cabinet pero hindi ito ang mga luma kong damit.

Kumuha ako ng isang black leggings and white abercrombie shirt. Napatingin naman ako sa aking paa. Nakablack shoes pa rin ako.

Napatingin ako sa ilalim ng cabinet ko at napangiti nalang ako ng nandoon pa rin yung tsinelas na sinusuot ko dati.

Inilagay ko sa bag ko yung uniform at sapatos ko para hindi ko makalimutan dito.

Nakarinig ako ng tatlong katok kaya nagmadali na ako sa pag-aayos ng aking buhok.

Napahawak ako sa aking dibdib ng ang bumungad sa akin ay si Zane. "Are you okay?" Tanong niya sa mababang boses. Napatango lang ako sa kaniyang sinabi.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa dahilan para medyo mahiya ako sa aking suot.

"That's fine. Let's go." Saad niya at hinawakan ang aking kamay at iginiya ako pababa sa receiving room.

Nang makarating kami ay napansin ko ang maraming tao na kumakain. Lahat sila ay mga kalalakihan. Sino sino sila?

Nagkameron lang ako ng idea ng makita ko si Alexis na nag-wave sa akin at hindi pa siya makapagsalita dahil sa kinakain niya.

Pinaupo ako ni Zane sa sofa na medyo naka-isolate sa lahat. "Wait for me." Yun lang ang sinabi niya at pumunta na siya sa kusina.

Inilibot kong muli ang paningin ko. Sigurado ako na sila ang mga kaibigan ni Zane. Pero bakit wala si Stein?

Hinanap ng mga mata ko si Jemir at ng mahanap ko na siya ay agad akong lumapit sa kaniya.

"Oh. Bakit umalis ka doon?"

"Jemir, hindi na ako komportable na nasa harapan nilang lahat. Mabuti na nandito ako sa pwesto para hindi gaanong halata lahat ng kilos ko." Natawa naman siya sa mga sinabi ko.

"Aww. Our princess is too shy." Dahil sa pangungulit niya ay hinampas ko siya kaya yung hotdog na kinakain niya ay nahulog sa sahig.

Nagtatawa naman ako ng mahina dahil habang kinukuha niya yung hotdog ay ang dami niya pang sinasabi.

"Adelaide." Natigilan ako dahil sa seryosong boses ng nagsalita. Lahat ng mga nandito ay napatingin din sa gawi namin dahilan para tumungo akong muli.

Nang maramdaman ko na paalis si Jemir ay agad ko siyang pinigilan.

"Cat, I think I should go. Kukuha pa ako ng pagkain kasi tinapon mo." Bulong niya sa akin habang nakangisi. Nabigla nalang ako ng may kumuha sa braso ko at hinigit ako pabalik sa upuan ko kanina.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment...
Follow me...

©Ladychinderella

Temet NosceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon