Nagbuntong hininga naman si kath sa sinabi ko.
"Hays! haha. Okay sige. Pffffft! Hahaha! Wag kasi kayong magulo! K. Kats, please. Wag ka maooffend ha? Haha. Pero kasiii. Your short has a hole. :)" Hindi na tumawa si Kath dahil parang feeling niya, alam niya kung ano yung nararamdaman ni Kats. Pero sadyang hindi ko napigilan yung sarili ko at napatawa naren kaya tumawa narin sila.
****
"Oy Dj Bat magisa ka jan? Lahat sila dun nagsswimming oh? Tapos ikaw? Nasa cottage magisa?" biglang tanong sakin ni Kath.
"Kath?" Urgh! God help me!
"What?" Sabi niya habang kumakain ng hotdog.
"Ah eh?" Ako
"Ano?" Irita niyang sabi.
"Kasi ano eh?" Ako
"Ano ba yun?" Siya
"Ahmmm?" Ako
"Ano nga?" Sya
"H-hindi ka m-magagalit ah?" Ako
"Oo nga! Promise" Siya
"Eh kasiiiii." Ako
"Babatuhin na kita neto. Ano nga?" Siya
"A-ang ga-ganda mo ngayon. :) o-oo tama. Ang ganda mo ngayon." Pakingshett, kinabahan ako dun ah.
"Psh! Matagal ko nang alam." Sabi niya habang umiinom ng buko juice. At nakatingin sa barkada na naliligo.
"Ahm? Kath?" Panulit ko.
"Oh?" Sagot niya habang nakatingin parin sa barkada
Hingang malalim Daniel.
"Ah eh? Na-nakailang b-boyfriend kana?" Kinakabahang tanong ko sakanya. At bigla naman siyang napatingin saken.
"Anong klaseng tanong yan? Hoy! Wag mo sabihing naiinlove ka saken, papatayin kita gamit 'to!" Sabay taas at harap niya sakin ng tinidor na pinagsubuan niya ng hotdog.
"Uy. Wag! Ah eh hi-hindi n-naman ak-o naiin-love s-sayo." Pabulol kong sagot.
"Oh eh? Ba't ka nauutal jan? Nakooooo Padilla! Sadya bang nakakaakit yung ganda ko? At naiinlove ka saken? Hahaha" patawa niyang sagot.
"Tss. Pero, Kath, nakailan ka na nga?" Sa ngayon, hindi nako kinakabahan dahil feeling ko komportable ako sa piling niya.
"Isa." Tipid niyang sagot at makikita mo yung namumuong luha sa mata niya.
"A-anong nangyare? K-kath oh, panyo." At inabot ko sakanya at thank God. Tinanggap niya. Yumuko siya at parang sariwang sariwa pa sakanya ang kanyang dinanas.
"15yearsold ako nung maging kami ni Enrique, isang casanova sa MRU. Niligawan niya ako ng tatlong buwan. Sinabi niya na gagawin niya ang lahat para mapasagot niya ko, inutos ko sakanyang pabalikin ang saysay ng kumpanya namin at ginawa niya yon. Matapos ang araw na yon, sinagot ko siya. Walong buwan din ang itinagal namin. Nakipaghiwalay siya sa kadahilanang aalis siya ng bansa at susunod sa in-engage sakanya ng magulang niya noong bata palang siya. Sobrang hirap! Sobrang sakit. Sobra akong nahirapan sa pagmo-move on sakanya noon. Dahil minahal ko siya. Siya ang first boyfriend ko. Daniel, mahal na mahal ko siya noon. Pero hindi na ngayon, pero kasi kapag naaalala ko yung mga bagay na nangyari noon, bumabalik talaga yung sakit na nararamdaman ko eh. After 3 years, Daniel. Naging matapang ako. Naging palaban ako. Naging mas mature ako. Naging confident ako. Mas lalong gumanda ako kaya nakamove on ako. Ayoko sa lahat yung napapahiya ako kaya gumaganti ako sa mga taong may atraso sakin. *Tumingin siya sakin at sinabing* Daniel, sorry. Ako yung dahilan kung bakit ka nagLBM ako yung dahilan kung bakit muntik kana magsuka. At sana ako rin yung magiging dahilan ng muntik mong pagkalunod mamaya. Pero Daniel, nilalamon ako ng konsensya ko. Ayaw magpatalo ng Konsensya ko sa Dignidad kong naapakan. Daniel, sorry! Sorry talaga." Sabi niya sakin habang naiyak. Sinasabi kona nga ba eh! Siya ang may gawa ng lahat ng yun! Pero hindi ako galit dahil naiintindihan ko siya, naapakan ko ang dignidad niya noon kaya gumaganti lamang siya ngayon. Kailangan ko tong tanggapin. Niyakap ko siya bilang pagtahan sa malalim niyang pagiyak. Lalo na noong ikinukwento niya yung nangyari sakanya noon sa first boyfriend niya. Handa na ko. Ayokong makitang nasasaktan ang BABAENG MAHAL ko. Magtatapat nako. Bahala na si Batgirl.
"Kath? Naalala mo ba yung batang binato mo ng bato noong may birthday party noong bata ka palang?" Tanong ko sakanya habang nakayap parin. Mas gusto ko to, lalo akong naffall sakanya.
"H-ha? Y-yung batang lalaking bakla? Na umiiyak? O-o-oo bakit?" Sabi niya at kumalas na siya sa pagkayakap.
"Kath, may ibabalita ako sayo tungkol sakanya." Tumingin lang siya sakin habang naghihintay ng muli kong pagsalita. "Kath, naospital siya. Masama ang pagtama ng bato sa ulo niya. Kaya hanggang ngayon, dinadala niya ang sakit na iyon. Buwan buwan siyang nagpapatingin sa ospital para matingnan kung maayos parin ba ang kanyang lagay o hindi na." Mas lalo pa siyang napaiyak sa sinabi ko.
"Ang sama ko! Ang sama sama kong tao! Dahil sakin naghihirap ang isang taong walang kinalaman! Binato ko siya nang walang pagaalinlangan. Gusto ko ng kalaro noong oras na iyon! Kaya lang wala akong mahanap. Kaya't naisipan kong batuhin siya para magkaroon ako ng kalaro. Pero hindi ko inisip na dahil sa pagbato ko, merong isang taong nahihirapan dahil sa kagagawan ko. Makita ko lang talaga yung lalaking bakla na yun? Hindi ako magdadalawang isip na maging slave niya na kahit isa akong Casanova." Umiiyak niyang tugon
"Hindi na kailangan, Kath. Makita ko lang na napapasaya kita, okay na sakin yun. :) maging kaibigan lang kita sapat na sakin yun. Hindi ako humihiling ng kung ano ano sayo, kath." At lumaki naman ang tiyan niya sakin.
"A-anong ibig mong sabihin?" Sabi niya.
"Kath, ako si Daniel John Ford Padilla, yung lalaking nabato mo ng bato noong kaarawan ni Barbie Imperial, yung batang lalaking umiiyak sa gitna ng daan at yung batang lalaking........
May gusto sayo noon pa man."
BINABASA MO ANG
KathNiel: The Gangster And The Famous. [ON-HOLD]
Novela JuvenilCasts: Kathryn Bernardo Daniel Padilla Julia Montes Miles Ocampo And the Parking5 Seth Gothico Katsumi Kabe JC Padilla Lester Giri This is my first story. I hope this will be complete. :') Add me on facebook: Jiana Louisse C. Quezon Follow me on tw...