Chapter 13-TGATF

249 6 0
                                    

3rd Person's Point Of View

"Kath." Panimula ni Daniel. Kasalukuyan parin itong nakahawak sa braso ni Kathryn. Unti unting lumingon si kath sakanya na may mukhang parang naiirita. Ngunit hindi parin ito nagsalita.

"Kath, I'm sorry. Nataasan kita ng boses kagabi, hindi ko naman sinasadya yun eh, nagselos lang ako." Nabitawan ni Daniel si Kath noong naramdaman niyang may tumulong luha mula sa mata niya.

Hindi parin nagsalita si Kath. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o ano. Nasaktan siya kagabi dahil siya na nga yung nagalala, siya pa yung kinagalitan. Maya-maya unting pumasok sa isip niyang, lasing nga pala si Daniel noong oras na 'yon. Masyado niyang tinaasan yung pride niya. Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Daniel dulot ng pagseselos kaya hindi niya napigilan na magsalita.

"No. It's okay. Naiintindihan kita. Na-carried away lang din ako kagabi. Kasi naman eh? Ako na nga yung nagaalala, sakin kapa nagalit. Psh" Umiwas ng tingin si Kath. Hindi mapigilan ni Daniel ang sarili niya kaya nilapit niya sakanya si Kath, at niyakap

"Naging selfish ba ko? Ayoko kasing nalilink ka sa iba. Nasasaktan ako. Nagseselos ako. Selfish na kung selfish pero ayokong may ibang nagkakagusto sayo. Gusto ko ako lang." Bumitaw si Kath sa pagkakayakap nila ni Daniel. Binatukan niya si Daniel ng mahina sabay sabing.

"Tukmol ka talaga. Wala namang ibang nalilink sakin eh." Sabi nito.

"Okay, so bati na tayo?" Nakangiting sambit ni Daniel.

"At sino ang magaling na nagsabi sayo?" Napawi ang ngiti ni Daniel. Makikita mo sa mata niya yung pagkalungkot. "Ayoko kase nang pinangungunahan ako. Pero, dahil sa alam mo narin naman. Oo na sige, bati na tayo. :)" Muli, nagkayakapan silang dalawa.

"Kath, alam kong hindi madali para sayo ang magmahal muli. Nasaktan ka noon, alam kong ayaw mo nang maulit yon. Hayaan mo, ako rin naman. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Hayaan mo ring ipakita ko sayo yung pagmamahal ko. Hayaan mong maging selfish ako pagdating sayo. Hayaan mong ako lang yung magmamahal sayo. Hayaan mong iparamdam ko sayong mahal kita. Hayaan mong ligawan kita. At sa puntong yun, hahayaan ko rin na mahulog ka." Napatingin naman si Kath sa kanya na may pagtataka. "Dahil, handa naman akong saluhin ka." Napangiti si Kath sa banat ni Daniel.

May kung anong nararamdaman si Kath na kakaiba. Hindi niya maipaliwanag kung ano, basta masaya siya kapag kasama niya si Daniel.

*

"Goodmorning babygirl." Nagising ako dun sa nagsalita, si Mama.

"Goodmorning ma."

"Prepare yourself. Nasa baba si Leng at Julieng." Natawa naman ako sa sinabi ni Mama, hindi parin pala niya nakakalimutan yung endearment namin na yon.

"Opo ma, sige. Magaayos na po ako." Hinalikan niya ko sa noo. At umalis na.

Naligo muna ako at nagayos. Like, 30 minutes preparing. Nakakaasar kasi. Ang aga ng dalawang yun. Psh.-_- Bumaba na ako, at kumuha nalang ng Sandwich, lumabas na ako. At nandoon na nga yung kotse ni Miles.

"Tara na teh, may pupuntahan tayo.

Nag-nod nalang ako. Tapos pumasok sa loob ng kotse. Nabibingi na'ko. Nabibingi na talaga ko sa katahimikan. Bakit gan'to itong dalawang 'to? Ang cold nila teh? Anong meron?

"Mga teh? Antahimik niyo? Anong proble---"

"IKAW" sabay nilang sabi. Ako? Psh.

"Bakit ako?" Ugh. Wala kong idea.

KathNiel: The Gangster And The Famous. [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon