Chapter 7

21 4 1
                                    

Jimin's POV

Mag-aalas dos na ng umaga pero gising parin ako. Hindi kasi maalis sa isip ko yung nangyare kanina.

Grabe, ibang klase talaga sya. kahit anong pagsusungit at paghihirap ko sa kanya, hindi parin nya kami iniwan.

Aish! Ano ba tong sinasabi ko? Kahit anong gawin nya, ayoko pa rin sa kanya. Bakit? Dahil una, ayoko sa kanya. Pangalawa, ayoko talaga sa kanya. Pangatlo, sigurado ako sa sarili ko na talagang ayoko sa kanya.

Hindi lang naman kasi pag-ibig ang walang dahilan. Ayoko kay Aira dahil ayoko lang talaga sa kanya at dahil ayoko sa kanya...


Gagawin ko ang lahat, umalis lang sya sa buhay namin.

::::::::::::

(After 2 days)

Day off namin ngayon at kasalukuyan akong nanonood ng sarili naming mv dito sa kwarto.

*tok tok tok* napatingin ako sa pintuan.

"Pasok."

Bumukas ang pinto at tumambad sa harapan ko si Taehyung at Jungkook.

"Jimin hyung.."

Ngumiti ako sa kanila.

"V, kookie, anong ginagawa nyo dito?"

"Tss, kwarto din kaya namin to."

Oo nga pala.. sorry naman =____=

"Hyung, ang bait ni manager! Diba Taehyung?"

"Ahh oo. Pwede na nga syang mag-apply bilang santo eh."

Tsk. Talagang pinandigan nya yung title nyang elyen ah. Kung anu-anong pinagsasabi.

"hoy, anong lason ang pinainom sayo ni manager at tila naghahallucinate ka dyan?"

"Naku, Jimin hyung! Hindi ah! Wala din syang pinainom sa akin na kung anong lason. Mabait talaga sya hyung! Hindi lang sya mabait, masipag na, matiyaga pa!"

"taehyung, elyen ka ba?"

"Oo hyung, tanggap ko na yun matagal na"

Tiningnan ko sya ng masama.

"Ayy sorry, pick-up line ba yun? Oh sige, bakit?"

Mas lalo ko syang pinanliitan ng mata.

"Y-yah, Jimin hyung. Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Para kang rapist eh--aray ano ba?! Talaga bang itong Iphone 4s ang pinangbato mo sakin? Wow, RK (Rich Kid) ah!"

"Tsk. Ikaw kasi. Pero sigurado ba kayong mabait yang si manager?"

"Hindi pa ba halata? Hindi nga yun mahigpit sa atin, eh. Ang mahalaga lang sa kanya eh maayos tayo at nagagawa natin ng maayos ang trabaho natin."

"Haha! Oo, hyung. Totoo ang sinasabi ni Jungkook."

"Oh sya, mabait na. Eh paano yung pagiging masipag?"

"Tsk, araw-araw kayang malinis ang dorm natin dahil sa kanya tapos kahit andami nyang ginagawa, hindi parin nya tayo kinakalimutan."

Andaming ginagawa? Eh diba manager lang naman sya?

"Anong ginagawa?"

Nagkibit-balikat silang dalawa.

"Ewan basta ang alam ko, busy siya."

"Eh di sya na busy. pero talaga bang matiyaga sya?"

"pfft..nagpapatawa ka ba hyung?"

Natatawang sagot ni Taehyung.

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon