Chapter 36:The Plan

5 2 3
                                    

A/n: before anything else, I'm here to apologize to all of my readers dahil sa paghold ng story without giving any notifications. Here's the revelation. Part 1 revelation actually ;) enjoy!
********

Jimin's POV

Tahimik akong naglalakad palabas ng dorm habang nakabulsa ang magkabila kong kamay sa suot-suot kong jacket.

Ilang araw narin ang nakalipas simula noong insidente sa bahay ni manager. Sinusubukan niya parin akong lapitan at kausapin para klaruhin ang sinabi ko noong nakaraan pero iniiwasan ko siya at hindi ako nagtangkang magpakita ng motibo na gusto ko siyang makasama kahit yun naman talaga ang totoo.

Nakarating ako sa playground na  nasa tapat ng dorm namin at doon na upo sa isa sa mga swing.

Napapikit ako ng naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.

"You don't have to explain.  I'm one of your artists and you're my manager. Let's keep that relationship and everything will be fine."

"H-hindi ba talaga tayo pwede maging.. Magkaibigan? "

"No,  Aira.  Why?  Because I am Park Jimin and you are Aira Sandoval and we're not bound to be together nor to be friends.. Not atleast because everything starts at friendship. "

Bigla  akong napamulat ng naalala ko ang naging takbo ng pag-uusap namin noon at napailing.

Tama naman ang sinabi ko pero tama din bang gawin ko sa kaniya yun? Ang ipaglayo ang landas naming dalawa kahit sa bandang huli ay magtatagpo parin ito?

Haaaaay! Kung bakit kasi nangyayare ang lahat ng to. Hindi ko naman masisisi si Jin hyung kung bakit niya nagawang ilayo sa amin si Aira noon. Mabuti nga yun para tuluyang masira ang plano pero sh*t lang... UMAAYON PARIN LAHAT SA BINABALAK NIYA.







It was like the misdirected card still finds it way to where it should be. NO ONE AND NOTHING CAN ESCAPE REALITY.









Ang plano.. ang planong ipakasal ako sa anak ng lalaking sumagip sa akin maraming taon na ang nakalipas ang naging ugat sa lahat ng pangyayareng ito. Isang utang na loob na sa tingin nila'y mababayaran lang pag naganap ang kasalan.

Nitong nakaraan, bago nangyare ang insidente sa bahay nila manager, kinausap ako ni Denise noona tungkol sa plano ng itinuturing nilang 'madame'.  Kaya pala ipinasok niya si Aira sa mundo ng pagiging manager namin ay dahil plano niyang palapitin ang mundo naming dalawa.

Nais niyang magkalapit kami sa pagaakalang mahuhulog kami sa takdang oras na naikalkula niya sapagkat pag nagkatuluyan kaming dalawa ni Aira, tuloy-tuloy na ang plano. Ngunit sa kasamaang palad, hindi yun ang nangyare. Nagbunga ng hindi magandang resulta ang hindi maayos na pakikitungo ko sa kaniya at yun ay ang araw na nasagasaan siya dahil sa paghabol sa akin matapos kaming mag-away (refer to chapter 17-18).

Sa mga panahong din iyon,doon ako nagkaroon ng hinala sa totoo niyang pagkatao. Inassume ko na si manager at ang Aira Sandoval na matagal na nilang hinahanap ay iisa. Nais ko pa sanang mapatunayan yun ngunit lingid sa kaalaman ko, plinano na pala nina Jin hyung at Kihyun ang pag-alis ni Aira papunta sa Boston. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit hindi talaga siya nagpapigil.


Sa loob ng apat na taon, sinubukan kong alamin ang totoong dahilan kung bakit siya umalis dahil sa totoo lang, sa tingin ko ay may mabigat iyong dahilan kahit hindi naman ako sigurado kung totoong meron nga.

Nalaman ko na kaya pala inilayo siya ni Jin hyung ay dahil gusto niyang pigilin ang pinaplano ni Denise noona at ng 'madame' niya dahil ayaw niyang masaktan ang kapatid niya at alam niyang ayaw ni Aira na may ibang taong nagdidikta ng kapalaran niya pero ang hindi niya alam, ay dahil sa ginawa niya, mas mapapadali ang plano.

Paano?










Simple.













Hindi na sa akin ipapakasal si Aira..



























Kay Storm.  Kay Jiyoung hyung.














Paanong nangyare yun at ano naman ang kinalaman dito ni Storm na kilala niyo bilang ex-manager ni Aira?
















Simple.




















Hindi totoong CAIZER STORM CROSS ang pangalan niya, screen name niya yun.  Park Jiyoung. Yun ang totoo niyang pangalan at hindi naman magkalayo ang edad namin.







Paano ko nasabing mas mapapadali nalang ang pinaplano nila?











Simple.













Dahil ang nakuhang contract ni Kihyun ay galing sa Company at modeling agency na pagmamay-ari ng pamilya ni Jin hyung  kung saan nagtatrabaho si Storm hyung.

Ang pagkakaalam ni Jin hyung, sa akin sana ipapakasal si Aira kung kayat ipinagkatiwala niya ang kaniyang kapatid sa nakakatanda kong kapatid.

Ngunit lingid sa kaalaman niya, binago ang plano at ngayon nakatakdang ipakasal si Aira kay Storm hyung.












4 na taon silang nagsama at hindi ako magtataka kung mahuhulog silang dalawa sa isa't-isa.



Isa pa, hindi namang malabong magkagusto si Aira kay Storm hyung dahil halos lahat ng katangiang hinahanap ng mga babae sa isang lalake ay nasa kaniya na maliban sa pagiging seryoso at medyo masungit at ganoon din si Storm hyung kay Aira.











Ako nga...













Nahulog kay Aira kahit ayoko sa kaniya noon, siya pa kaya?







Haaaaay..







Kung sakaling yun nga ang mangyayare, siguradong tuloy ang plano at ako?












I don't know. Tatanggapin ko nalang siguro ang katotohanang hindi kami para sa isa't-isa.... dahil dadating ang araw na magiging kapatid ko siya.





And if this will be another misdirected card, I'll bet she will still find it's way to lead her card to the right path.




Knowing her. She'll do anything to accomplish her plan.





Madame.. who am I fooling anyway?

After all..






























She's our mom.



Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon