Chapter 43:Party

10 1 1
                                    

Author's POV

"Yung tables?! Okay na ba? Kumpleto na ba yung mga kubyertos? Yung flower arrangements? red Carpet? Fireworks? Naayos na ba lahat?"

Sunod-sunod na tanong ni Aira sa lahat ng mga naghahanda para sa gaganaping Welcome party para sa kaniya mamayang alas-otso ng gabi. Isang linggo matapos ang nasabing 'dinner meeting' napagdesisyunan na ng kaniyang 'ina' na ipakilala siya sa madla bilang si KIM SO RA.

Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak na ituloy pa ang lahat ng pinag-usapan nilang plano. ayaw na niyang manloko pa at magpanggap bilang isa sa mga KIM ngunit dahil narin sa naging takbo ng usapan noong gabi doon sa sementeryo ng takasan niya  ang magulong sitwasyon sa restawran, napagtanto niyang wala na nga siyang kawala sa magulong laro na ito na kung saan hindi naman talaga siya dapat kasali.

flashback..

AIRA'S POV

hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal nanatili dito sa harapan ng lapida ng aking magulang ngunit nanatili lang akong nakatunganga dito. Malalim na ang gabi at kabilugan pa ng buwan. Kung iba lang sana ang sitwasyon ngayon, eh di sana kanina pa ako natakot.

"Aira.." napalingon ako sa nagsalita.

"Ms.Sandoval.." tawag sa akin noong katabi ng lalaking unang tumawag sa akin.

Kung kanina nag-iisa ako, ngayon hindi na. sapagkat kasama ko na ngayon ang MAGKAPATID na  naging dahilan kung bakit napabilang ang isang kakaibang baraha sa laro nila.

Malalim ba masyado? Hayaan niyo na, mas malalim ang hinukay ko sa inyo kaya magsimula na rin kayong maghukay.

"Anong nangyari? Bakit ka pumunta dito? Diba may dinner meeting ka pang pupuntahan?" Sunod-sunod na tanong noong babae ngunit wala akong nagawa o nasabi kundi ang yumuko lang at tumungo. Hindi  naman bakas
ang galit o inis sa tono niya ngunit hindi ko parin alam kung anong dapat kong sabihin.

"Ano ka ba? Mamaya mo na nga siya tanungin! Hindi mo ba nakikitang nilalamig na siya?" Lumapit sa akin yung lalaki saka hinubad ang coat niya at inilagay sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon