Chapter 30

17 4 0
                                    

Jimin's POV

"sinong hyung-- Jimin, itaas mo na yang bintana!"

Hindi ko pinansin ang sinabi nya sa akin dahil hindi ko magawang alisin ang tuon ko sa billboard.

"Jimin, ano ba! Paparating na ang mga sasaeng!"

Dahil hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, sinubukan nyang abutin yung handle sa pintuan at pinaikot ito para tumaas ang bintana.

Bumalik naman sya sa kinauupuan nya at nagsimulang magdrive ulit.

"haaaay! Kayo talagang mga bata kayo! Nakakastress! Kakasermon ko pa nga lang sa V na yun tapos heto ka na naman nagpapasaway!"

Napatingin ako sa gawi nya.

Hindi naman sa nanibago ako pero..

"Bakit? Anong meron sa kanya at sinermonan mo?"

"2 months ago, sinermonan ko sya kasi noong hinatid ko kayo sa dorm nyo, akala ko nakapasok na kayo lahat pero nakarating ako sa bahay at chineck ko yung van, nakita ko sya sa may bandang likuran na natutulog kaya ginising ko sya at hinatid pabalik sa dorm nyo."

"eh anong konek noon sa pagsesermon mo sa kanya kahapon? "

"ginawa nya ulit."

Napatango nalang ako at iniwas ang tingin ko.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong pake pero.. Aish! Ewan!

Bigla kong naalala ang nakita ko sa billboard kanina.

Flashback..

"Hyung, kelangan mo ba talagang umalis? "

"oo eh. Nakatanggap kasi ako ng scholarship doon."

"babalik ka naman diba?"

"haha, oo naman."

"o sige hyung! Hihintayin nalang kita. Babalik ka agad ha?"

"oo, bunso. Babalik ang hyung mo."

End of flashback

Ang alam ko, isang producer si hyung pero anong ginagawa nya doon kasama si Aira?

"Jimin, huy! Ano ba? Tara na! Andito na tayo."

Tinapik nya ang pisngi ko kaya bumalik ako sa katinuan.

Andito na pala kami sa Big Hit Mall, kung saan pumupunta ang mga artist ng Big Hit Ent., para gumala, bumili ng mga kakailanganin, kumain, at kung anu-ano pa.

(a/n: I dunno kung meron ba talaga nito ang Big Hit Ent., pero since fanfiction naman ang story na'to, imaginin nyo nalang na meron ha?)

Pumunta kami sa supermarket at bumili ng stock na pagkain. Syempre, ano pa nga bang gagawin namin dito diba?

"Jimin, sa tingin mo ba ok na sa inyo to?"

Pinakita nya sa akin yung mga pinamili nya. Nagkibit-balikat lang ako.

"Diba manager ka namin? Dapat alam mo kung ano lang dapat ang kakainin namin huwag yang ako ang tinatanong mo."

Sinamaan nya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag at ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

"tsk. Sungit nito. Sana pala hindi nalang kita sinama."

"psh, wag ka ngang pabebe dyan Manager hyung. Mag-iikot ikot nalang muna ako."


Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon