Chapter 18

18 4 3
                                    

Third Person's POV

*BOOOOOOOGSHHHH*

Parang isang panaginip para sa kanya ang masaksihan ang ganoong pangyayari.





Hindi nya aakalaing mapupunta sya sa ganoong posisyon matapos ang mahabang panahon simula noong nangyare iyon.




Isang alaala..




Isang malungkot na alaala ng kanyang nakaraan ang bumalik at ngayon ay nakikita nya sa kanyang harapan.








Isang alaalang pilit nyang kinakalimutan ngunit heto ngayon, pinapaalala na naman.

Hindi sya makagalaw. Hindi sya makapagsalita. Katulad noong nangyari, noong sya'y bata pa.

Nilapitan nya ito, hinawakan ang mukha. Kinulong sa kanyang bisig kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.

"o-ok.. ok ka lang?"

"B-buti naman at.. at l-ligtas ka.. "

Mahinang tugon ng nagligtas sa kanya saka sya hinaplos sa mukha. Hinawakan naman nya ang ang kamay na yun.

"W-wag kang p-pumikit ha. Isa, kung hindi, iiwan t-talaga kita dito. Wag kang pumikit, dadalhin pa kita sa ospital. Please, please wag ka munang pumikit."

Mangiyak-ngiyak nyang tugon at binigyan sya nito ng matamlay na ngiti.

"W-wag ka ng... mag-abala p-pa. Baka.. hindi na a-ako aabot."

Nanlamig naman ang buong katawan nya kasabay ng paglakas ng pagtibok ng puso nya.

Ang katagang iyon. Ang mga salitang iyon. Iyon ang eksaktong sinabi sa kanila  noong nangyare ang aksidente. 'Hindi pwede. Hindi to maaari. Please, wag ka munang sumuko. Wag mong hayaang maulit ang nangyare.' Iyon ang nasa isip nya.

"Ano bang sinasabi mo dyan?! Pagsinabi kong wag kang pumikit, wag! Isa! Isa--ano ba! Wag! Huminga ka! Breath in breath out!"

Sunod sunod nyang wika pero binigyan lang sya nito ng isang ngiti at unti-unting pumikit. Nanlamig naman ang buong katawan nya kasabay ng sunod-sunod ng pagpatak ng kanyang luha.

"Hindi. Wag--wag-- wag mong gawin yan! Wag kang p-pumikit! Wag kang pumikit, ano  Dadalhin pa kita sa ospital! Wag ka munang pumikit parang awa mo na!" Pakiusap nya habang niyuyugyog nya ang kamay na hawak-hawak nya at sinasampal sya ng mahina. pero hindi na sya nito nagawang sagutin.

"Magsalita ka! Ano ba! Magsalita ka! Huminga ka! Dumilat ka--"

His body stiffened when he saw the mark on his savior's right hand.

The mark.. he saw it before but he don't remember when nor where nor how. It was deja vu. Everything was deja vu.

Then, memories of the past gushed forth in his head revealing that accident that happened 10 years ago.

' eommmmaaaa!! Waaaaah!! Eommaaaaaa!"

"BABY KOOOO!!"

"omo! T-tulong! Tulong! Tulungan nyo kami! "

.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Please, dalhin natin sya sa ospital--"

"w-wag. Wag ka nang mag-abala pa. H-hindi naman ako aabot e-eh. A-ang mahalaga, l-ligta--ligtas a-ang a-anak mo. "

"w-wag ka ngang magsalita ng ganyan. Kaya mo to. Wag kang pumikit. Lumaban ka please. H-hindi pa kita napapsalamatan. "

"*iling* o -okay lang. M-may h-hiling sana a-ako s-sa-sayo."

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon