Chapter 9

22 4 2
                                    

Aira's POV

"Pupuntahan kita.."

*tooot* *tooot* *tooot*

nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko at sinuot ang sapatos ko.

Paika-ika akong bumaba ng hagdan ng biglang--

"Aray! Argh, shucks!"

Sigaw ko sa sakit ng bigla akong na outbalance at napadausdos ang pwet ko sa hagdan. Tch, mabuti nalang at may carpet na may medyo manipis na cushion na nakacover kundi talagang hindi na ako makatayo nito!

Kumapit ako sa railings at dahan-dahang inangat ang sarili.

Kaya mo to Aira. May sakit si V at kailangan ka nya kaya tiisin mo. Wala ka namang di kakayanin diba? Kasi ikaw si Aira Sandoval, ang babaeng kayang gawin kahit ano.

Linakasan ko ang loob ko at lumabas na ng bahay  para pumunta sa dorm nila.

nang nakarating na ako sa tapat ng pintuan, agad akong kumatok.

argh, shucks! Ansama na talaga ng pakiramdam ko pero hindi ko dapat ipahalata sa kanila. Baka sila pa yung mag-aalaga sa akin imbis ako yung may aalagaan sa kanila.

Teka, bakit ba umaasa akong aalagaan nila ako? Bakit,may pake ba sila sa akin? Eh manager lang naman nila ako diba? Haaay! Ano ba yan! kung anu-ano nang pinagsasabi ko!

kumatok pa ulit ako. sa pangalawang beses kong pagkatok ay bumukas ang pintuan.

"Manager.."

Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko.

"Hi, Jungkook. Nasaan si--"

Before I could even say V's real name,everything went black..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

♧V's POV ♧

*tok tok tok*

Narinig namin ang mahihinang katok mula sa pintuan ng sala. Si Manager noona na ata to! Yyiieee! Eksayted na akong maalagaan nya!

"Ayan na ata sya, hyung!" Sabi ko kay Jimin.

"Tch. Oo nga. Paniwalang-paniwala nga sya."

"Waaaah!! Eksayted na ako!" Mahina kong sigaw.

"Aish, umayos ka nga! Umakto ka na may sakit! teka, nailagay mo na ba yung bawang sa ano.. sa uhmm.."

"Saan hyung?"

"Sa ano.. jan sa.. sa ano mo.. uhh.. "

Tinuro nya yung pwetan ko. Ahh! Yung technique!

"Ahh, oo hyung!"

Hinipo ko yung leeg ko.

"Medyo mainit na nga ako eh."

Hinipo nya yung noo ko.

"Effective nga."

*tok tok tok*

"Jungkook, buksan mo na yung pinto."

"Huh? Bakit ako, Jimin hyung?"

"Sige na jungkookieeee."

"Aish, oo na!"

Umalis na sya at pumunta sa pintuan.

"Oh, umayos ka na ng--"

"MANAGER NOONA?!"

Napatingin kaming dalawa ni Jimin sa direksyon kung saan nagmula ang sigaw. nakarinig na rin kami ng mga yabag galing sa ibang miyembro. bigla naman ako kinabahan. Sh*t, anong nangyare sa kanya?

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon