Chapter 22

22 4 6
                                    

Aira's POV

"And also our friend--a dear friend of mine"



Friend..



Friend..



Tama ba ang pagkakarinig ko? Sinabi nya ba talagang kaibigan nya ako?

Pero imposible.. he hates me to the bones and to the depths of hell.

Jimin, is this one of your pranks?

"Si Aira, she is more than a manager. She is more than a friend. She is our chef, alarm clock, mother, sister.. lahat nalang. alam ko sa sarili ko.. inaamin ko.. hindi naging maganda ang simula namin. Hindi ako.. hindi ako naging mabuti sa kanya--naging pasaway ako. Pero kahit ganoon, nagawa nya kaming tiisin."

Unti-unti akong lumingon sa kanya. Seryoso lang sya doon. Bakas rin sa ibang myembro na nagulat sila, maging ako nagulat rin. Hindi ko aakalaing sa isang PARK JIMIN manggagaling ang mga salitang iyon.

"Kakaiba sya. Kakaiba sya sa lahat ng babaeng nakilala ko--nakilala namin ng Bangtan. Sya yung tipong kahit anong gawin mo sa kanya, hindi sya magsasawang pagpasensyahan ka. Wala syang ibang inisip kundi ang kalagayan namin, ang career namin, ang kapakanan namin."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umalis na ako at tumungo sa labas. Hindi ko na kayang dinggin ang mga susunod nyang sasabihin dahil alam kong mahihirapan lang ako.


Nakakainis ka naman, Jimin eh! Kung kelan hinahanda ko ang sarili ko para iwan kayo, saka ka naman umaktong ganyan. Bakit mo ba yan ginawa ngayon lang? Bakit hindi noon?


Bakit hindi sa mga panahong maayos pa ang lahat?



Pinapahirapan mo ako eh. Talaga bang hobby mo ang pagtorture sa akin?


Paano ako lilisan kung ang dahilan ng pag-alis ko ay unti-unting nagbabago?

Kung pwede lang na baguhin ang lahat ng pangyayari, ginawa ko na sana. Kung pwede lang na tanggihan ang offer doon sa Boston, kasi naman eh! Hindi ko pwedeng balewalain si Kihyun! Alam kong kapakanan ko lang din ang iniisip nya at sa hindi malamang dahilan, hindi ko sya matanggihan.


I have made my decision and I'm going to stand it and face my consequences.


"Manager.." lumingon ako at natagpuan ko si Jimin.

"Umiiyak ka ba?" Dagdag nya kaya napahaplos ako sa pisngi ko.



Basa..



pasimple kong pinahid ito.


"Hindi, pinagpawisan lang." Simpleng sagot ko trying my best not to become emotional again.

That's it, Aira. Wag kang magpadala sa emotions mo.



"Aira, may problema ba--"

"Wag mo akong alalahanin, Jimin. Hindi mo kailangan mag-alala dahil manager mo lang ako at ginagawa ko lang ang trabaho ko."


napatingin ako sa likod nya, nakasunod na pala ang bangtan.

"Rap Monster, tapos na ba ang Press con?"

"yes, manager--"

"Good then. Pumasok na kayo sa loob ng van." Diretso kong sagot at saka tumalikod pero heto na naman ang cliche na kadalasang nagaganap sa mga kuwento.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng sinambit nya ang mga katagang iyon.

"I mean it, Aira. Lahat ng sinabi ko kanina, totoo lahat yun."

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon