Chapter 8

17 4 0
                                    

Jimin's POV

Kaaalis lang nina manager Aira at noong Joshua dala-dala yung mga pagkain na kunwari naming 'pinabili'.

"Hyung, nakokonsensya ako."

Sabi ni Jungkook habang nakaface palm.

"Nakokonsensya? Wow, bago yan ah? Eh mas malala nga yung ginagawa mo sa ex-manager natin eh."

"Psh. Kahit na, hyung. Si Manager Aira yun."

"Oh ano naman kung si Aira yun? Tsk. Manahimik ka na nga lang Jungkook."

"Pero, Jimin. Grabe, parang hindi sya masyadong naapektuhan."

puna ni V. Oo nga. pansin ko nga. Noong nagkatinginan kasi sila noong kasama nya, parang may mga kinang sa mata nila.

"Oo nga eh. Psh. Eh di pahirapan natin ng konti."

"Ano?!" Sabay nilang tanong.

"Pahirapan. Alangan namang hanggang doon lang? Eh wala nga sya masyadong effort eh."

"Wala masyadong effort? Hindi pa ba effort yung pagbibiyahe nya ng malayo para ibili ang mga pagkain na hindi naman pala natin kakainin?"

"Oo nga naman, Jimin! Tama si Jungkook! Tss.. masasarap pa naman yung mga binili nya." Pagsang-ayon ni V sa sinabi ni Jungkook.

"ah basta! Itetest pa natin sya."

"Ilang prank ba ang kailangan mong gawin sa kanya bago mo mapatunayang hindi nya nga tayo susukuan?"

"10."

"SAMPU?!" Di makapaniwala nilang sambit. Oh bakit? May masama ba sa sinabi ko?

"Hindi, hyung. Hindi ako papayag. Kawawa naman si Manager!" Jungkook

"Oo nga naman, Jimin! Aish! Kulang ka na nga sa height, kulang ka pa sa konsiderasyon." Taehyung

"Tss. Oo na! Tatlo nalang, okay? Tatlo nalang. Oh ano? Okay na kayo?"

Nagkatinginan silang dalawa at binalik ang tingin sa akin.

"game." Sabay nilang sabi.

"Eh ano bang sunod mong plano?" Nagtatakang tanong sa akin ni Jungkook at kinamot ang kanyang ulo.

"Hmmm.." hinimas ko ang baba ko at napatingin kay V na nakatingin lang sa akin ng diretso.

"V,naalala mo yung sinabi mo sa akin noong araw na gumaling ako?"

"Huh? Alin doon? Yung gusto ko ng ice cream o yung kung anong lasa pag pinaghalo ang milo at pineapple juice?"

Tsk. Alien talaga =_____=

"Aish, hindi! Yung sabi mong gusto mong maranasan yung pag-aalaga ni manager Aira kagaya ng *ehem* pag-aalaga nya sa *ehem* akin."

"Yun-- AHH! AYUN! Oo! Bakit? Teka.. wag mong sabihin--"

"Oo.. yun ang sunod kong plano kaya humanda ka."

>>end of Jimin's POV<<

Aira's POV

Bumangon ako sa pagkakahiga ng may nararamdamang sakit sa aking katawan lalong-lalo na sa ulo ko.

Argh! Gosh! Wag nyong sabihing may trangkaso ako? Kasi naman eh! Di ako pwedeng magkasakit! andami ko pang aasikasuhin ngayon!

Napahimas nalang ako sa braso ko at tumayo saka inayos ang higaan saka hinanda ang sarili ko. Pumunta na ako sa kusina at kumain ng agahan.  Chineck ko ang schedule ng Bangtan.  Hmmm..  Meet & greet lang naman ang meron sila sa isang mall mamayang 2 pm.  Medyo maaga pa naman kaya tinext ko nalang si Jungkook.

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon