Chapter 31

10 3 0
                                    

Jimin's POV

"sa tingin mo ba may tinatago sa'tin si Denise-noona?"

Seryoso kong tanong sa kanya. Bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat sa biglaan kong tanong na iyon.

Pati si V ay hindi rin makapaniwala sa tanong ko.

"A-ano bang pinagsasabi mo?  Anong ibig mong sabihin?"

Nakakunot na tanong ni V. Hanggang ngayon hindi ko parin binibitawan ang braso ni Jungkook.

"wala akong ibig sabihin sa tanong ko pero nais kong malaman ang kasagutan sa tanong na ito." muli kong hinarap si Jungkook.

"Sabihin mo, Jungkook.. May kinalaman ba sya sa pag-alis ni Aira?"

Marahan nyang inalis ang kamay ko at tiningnan ako ng seryoso.

"pinagdududahan mo ba ang kapatid ko?" malamig nyang tanong sa akin at bahagya akong napaatras.

"H-hindi naman sa ganoon, Jungkook--"

"kung ganoon, bakit mo tinatanong ang bagay na yan sa kanya?" pangungusisa ni V.

Napabuntong-hininga ako at napaupo sa kama.

"Umalis kami ni manager kanina at pumunta sa BHM para maggrocery.  Humiwalay ako sa kanya at gumala doon.  Papunta na ako sa Starbucks ng napansin ko.."

Napatigil ako sa pagsasalaysay ng naalala ko ang nangyare kanina.

Hindi parin ako makapaniwala na nakabalik na pala sya pero ang mas nakakabigla ay kausap nya si Denise-noona at ang pinag-uusapan nila ay..

"yung plano.." bulalas ko ng nakatungo parin. 

Lumapit sila sa akin na may hindi maipintang mukha.

"a-anong plano?"

"hindi ko alam. Wala akong ka ideideya sa planong tinutukoy nila pero..."

Huminto ako saglit at napatingin sa kanila.

"posible kayang plinano ang pag-alis ni Aira?"

Nanlaki ang mga mata nila at tumingin sila sa akin na tila hindi sila makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.

"Ano ba yang pinagsasabi mo, Jimin? Nakahithit ka ba ng baygon?" pangdududa ni V sa akin.

"hindi ba't desisyon nya yun?"

"pero hindi nya ginusto  Jungkook. Posibleng.. Posibleng may nagtulak sa kanya para gawin ang bagay na yun."

"At sino naman k-kaya ang gagawa noon?"

Tiningnan ko silang dalawa ng seryoso.

"Sino nga ba? Si Denise-noona? Si Kylie? O di kaya nama'y.. Isa sa atin?"

Nanlamig naman ang katawan nila at nanigas sa kinatatayuan nila.

"S-seryoso ka ba sa sinasabi mo?"-Jungkook

"Pinaghihinalaan mo ba kami? Pambihira! Atsaka kung isa man sa atin.. Bakit namin nya yun g-gagawin? Eh di ba,  napamahal na sa atin s-si Aira?" sunod-sunod na tugon ni V kaya humakbang ako papalapit sa kanya.

"Napamahal.. " I smirked at that thought. "oo nga naman. " tiningnan ko sya sa mata." pero bakit nga ba?"

"bakit nga ba, V?"

Nagkatinginan lang kaming dalawa ng biglang...

*PAK!*

"ARAY! PUTSPA TAEHYUNG,  BAKIT MO AKO HINAMPAS?!"

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon