Chapter 39: Jealous

7 1 0
                                    

Jimin's POV

"Finally." Napatingin ako sa kaliwa ko only to find out na si Cyp noona pala iyon.  "They're back in each other's arm."

she let out a sigh while I remained silent. hindi ko na din naman kasi alam kung anong sasabihin ko.

"Huy." Kinirot niya ako sa tagiliran kaya napaiwas ako. " aray, noona! problema mo?!"

"Ikaw kasi, ang tahimik mo. Bakit ba? Atsaka bakit mo sila tinitingnan?"

Pang-iintriga niya sa akin.

"Tss. Paki mo ba?" Inirapan niya ako at inakbayan.

"Okay na silang magkapatid. Don't you think it's time na magkaayos na din kayo?"

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" She shrugged.

"Well, hindi magtatagal Jiyoung oppa and So Ra will get together so that means you and--"

"Inaasar mo ba ako,babae?" Diretso kong tanong sa kaniya at nanlaki naman ang mata niya sa inasal ko saka ako binatukan ng malakas. AISH! What the?!

"Aray! Noona, bakit ba?!" Tanong ko sa kaniya habang hinihimas ang batok ko.

"Manners, Jimin! Tsk. Gaganyanin mo din ba ang future siste--"

"Aish! Hindi, okay?! Atsaka wag mo nang ipagdiinan dahil hindi naman ako tanga para makalimutan ang tungkol doon. Tsk."

sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako tumayo at naglakad papalayo.

Lumingon ako sa gawi nila Aira ngunit ng dumako na ang tingin ko sa kanila, ilang beses kong hiniling sa mga balon na sana hindi ko nalang ginawa.

Bakit?


Nakita ko lang man kung gaano kalawak ang ngiti ni Aira habang masayang niyayakap ng mahigpit si Storm.

"Waaaaaah! Storm, I missed you so so much!"

Rinig kong  sabi ni Aira sa kaniya.

para akong sinaksak ng ilang beses sa dibdib dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Darn! Hindi ko nga alam kung bakit ko to nararamdaman eh! Aish!

iniwas ko ulit ang tingin ko pero agad din namang ibinalik sa kanila at sana pala hindi ko nalang ginawa dahil nakita ko lang naman nahinalikan ni Hyung si Aira sa pisngi.

"I missed you too."

What the?! Naiyukom ko ang kamao ko sa aking nasaksihan. Susugurin ko na sana sila pero bigla kong naalala na wala naman pala akong sapat na dahilan para sugurin sila pero kasi..aish! Hindi ko alam pero kating-kati na talaga akong--

What the.. ano ba tong pinagsasabi ko? Takte, bakit ko ba to nararamdaman? ANO tong nararamdaman ko?  Naman oh! Sagutin niyo ako!

napatingin ako kay Aira at saktong napatingin din siya sa akin.

Pinanatili ko naman ang walang emosyon kong mata ngunit bigla itong nagbago ng nakita ko siyang ngumiti sa akin.

*lubdub* *lubdub* *lubdub*

Napaiwas ako ng tingin at marahas na tumalikod. Pasimple akong napahawak sa dibdib at dinama ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

A-ano na naman ba'to?

Napahilamos ako ng mukha at marahas na ginulo ang buhok ko saka tumungo sa kusina.

Takte, alam ko naman sa sarili kong nagkagusto ako sa babaeng yun pero hindi ko akalaing hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang ganito sa kaniya kahit na matagal ko ng kinalimutan ang tungkol dito lalong-lalo na't alam kong hindi kami pwede dahil magiging kapatid ko rin siya pag... pag nangyare na ang gusto nila mama.

Misdirected CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon