Althea- 3.

3.8K 123 33
                                    


"Mabuti naman at nagiging maayos na ang buhay mo iho." papuri ni ama sa gagong to'.

Nasa silid kami ngayong mag-anak at ito lang ang nag-aastang kabilang samin'.

"Kailangan ho Amang Manuel, wala naman akong masasandalan kundi' ang sarili ko lang." sagot naman niya. "Napakalayo niyo ho para hingan pa ng tulong." aniya.

Inirapan ko lamang siya nang magtama ang mga mata namin.

"Ikaw naman kasi pare ayaw mo pàng manatili dito." si Abraham.

Hemp pabida... akala mo naman kung sino!

"Alamu' iho kung anong kulang na lang sa buhay mo... pamilya." nangingiting sabat ni ina. "Mag-asawa ka na kaya, balita ko'y nagkakamabutihan naman kayo ni Lorena."

Kunwaring napakamot siya sa ulo at nahihiya pang tinignan si ina.

"Magkaibigan lang ho kami..."

"Naku pare, mamili ka lang sa mga dalaga dito... akong bahala." dagdag naman ni Abraham.

Napataas ang kilay ko saka tamad na tumayo.

"Oh san' ka pupunta anak?" si ina.

Pilit kong ngumiti at dinaanan ko siya ng tingin.
"Magpapahangin lang ho... inaantok ho kasi ako sa usapan dito." saka magalang na yumuko at tuluyan nang lumabas.

Mas mabuti pang abalahin ang sarili sa ibang bagay keysa' makinig sa pagpapabida ng gagong 'yun.

Pagbaba ko'y dumeritso ako sa mga babaeng kawal na nag-iinsayo at tahimik lamang silang pinanuod.

"Prinsesa, sali ho kayo!" pansin ng karamihan sakin' pero umiling lang ako at ngumiti.

"Sige lang, nakapagpapawis nako' kaninang magbukang liwayway." sagot ko naman.

Umupo ako sa isang putol na kahoy at tahimik na ngang nagmasid pero napatingin kaming lahat sa kakahuyan nang biglang magliparan ang mga ibon.

Agad nagsipagtakbuhan ang mga kawal para alamin siguro kung ano 'yun habang ako nama'y napatayo lang at nagtataka.

Anong nangyayari?

'Di nga nagtagal ay mabilis na nilang hinihila at ginagapos ang dalawang estranghero.

Napakunot noo ako, mga taong gubat ba ito? Halos matakpan na ang mukha nila ng kanilang mga buhok. Pero mas nakuha ng atensyon ko ang matutulis nilang kuko.

"Prinsesa! nahuli naming nagmamatyag sa dulo ng Ukbiran." sumbong ng isang kawal pagkahinto nila sa harapan ko.

Hindi ako nagsalita.

Tahimik lamang akong pinagmamasdan ko ang kanilang anyo nang iangat ng kaharap ko ang kanyang mukha.

Huh! Ang mga mapupulang mga matang ito...

Busaw... mga busaw rin sila!

"Isangg pagkakamali ang inyongg ginagawaaa ahhh..." anas niya at tumalim ang knyang mga mata. "Pinipilit niyong makasalamuha ang mga mortal nating kaaway... nahihibang na nga talaga kayo, mga hibanggg!" napapikit na lamang ako nang sumigaw siya sa harapan ko habang nagpupumiglas. Pero, "U-ughh... uhhhh..." daing na lamang niya nang hampasin siya sa ulo ng isang kawal.

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon