Althea- 6.

2.1K 90 6
                                    


         Panghuling hakot ko na ito ng panggatong. Tingin ko kasi sa kalangitan at sa ihip ng hangin ay nagbabadya ang isang malakas na ulan. Di' ko naman masasabing may paparating na bagyo dahil kapanahunan ng tag-init ngayon.

Iwinaglit ko na rin sa isipan ko ang minsang sumingit dito na baka isa itong senyales na magkakaroon na naman ng kaguluhan sa mundo ng iba't ibang nilalang.

Di' naman siguro...

Halos maligo na ako sa pawis dahil sa buong araw na pagtatrabaho ko. At ito na lang, makakapagpahinga nako'.

Nasa' ganoon akong sitwasyon nang may...

Tok! Tok! Tok...

"Sino 'yan?" Tanong ko habang nakakunot-noo. Kung di' ako nagkakamali, may naaamoy akong imposible namang magkaroon dito.

Hinintay kong may sumagot pero wala kaya iniwan ko muna ang ginagawa ko't tinungo ang pintuan.

"Sabi nang sino 'yan eh." Sabay bukas ko at umaliwalas ang mukha ko sa di' ko inaasahang bisita. "Oh Manang, anong himala ang nangyari at naligaw kayo rito?" Tanong ko habang kaliwang bahagi lamang ng mukha niya ang nakikita ko. Nakasandal kasi siya sa gilid ng pinto.

Pero wala akong natanggap na sagot. Inaaasahan ko pa namang susungitan niya ako. Tahimik lamang siya habang parang nakatingala sa naglilitawan ng mga bituin.

"Althea..." napakunot noo ulit ako nang sumangsang uli ang amoy sa paligid.

Nagpasya nakong' labasin siya at talagang nagulat ako sa kanyang itsura.

Bahagya lamang niya akong sinulyapan at...

"Di ko na kaya..." tanging nasambit niya at bigla ko na lamang siyang nasalo dahil nawalan yata siya ng malay.

"Althea..." sambit ko at nagmamadali ko na siyang ipinasok sa loob.




           Mataman ko pa din siyang pinagmamasdan habang mahimbing nang natutulog. Bakat sa mukha niya ang matinding sakit na natamo at mabuti na lamang ay nabigyan ko ng agarang lunas ang kanyang mga sugat.

Isa lang ang ipinagtataka ko ngayon. Paanong nakakain siya ng ginuog, isang uri ito ng dagta na nanggagaling sa halamang ligaw na maaaring gamitin bilang lason.

Pero paano at saan kaya niya nakuha ang dagtang yun'?

Kasabay ng mga katanungang 'yun ay napalingon ako sa bintana, sunod-sunod na kasi ang malalakas na kulog. Nagpapahiwatig na bubuhos na ang isang malakas na ulan ngayong gabi.

Maingat kong sinarhan ang bintana at muling bumaling sa kanya. Napangiti ako. Kung di' pa siya nagkaganito'y malabong matititigan ko siya sa malapitan.

Aminin ko, natutuwa akong nakikita siyang napipikon. Parang bata kasi kung sumpungin ng kasungitan eh. Tsaka, kinalakhan na naming dalawa na magkaiba ang pananaw sa lahat ng bagay at dun' lumilitaw ang pagbabangayan namin.

Sakin', di' ko dinidibdib ang mga 'yun, sadyang natutuwa lang ako sa kanya. Pero siya, hanggang saan na kaya umabot ang galit niya sakin'?

Muli akong napangiti at napailing pero kalauna'y naging seryuso rin ako.

Bumalik ulit sa isipan ko kung paano at saan niya nakuha ang dagtang 'yun? Wala masyadong nakakaalam na maaaring gawing mabisang lason ang halamang yun' kundi' iilan lamang. Lalo pa't may iba pang sangkap ito upang maging ganap na mabisa.

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon