"Sorry guys, changes ulit sa schedule ng work.. sensya na."
..
.
Di' nga ako nagkamali ng tantiya, nasa kalagitnaan ng kasikatan ng araw ngayon nang matanaw ko na sa kinatatayuan ko ang Ukbiran. Huminto na ako sa pagtakbo at naglakad na lamang. Pagbaba ko ng bundok ay agad kong nakita ang mga kawal na nagbabantay malapit sa ilog.
Magalang silang yumuko bilang galang sakin'.
"Tila'y malayo pa ang pinanggalingan mo kaibigang Ben." puna nang nagsisilbing pinuno nila.
Tumango naman ako.
"Oo... ngapala, andiyan din ba ang maharlikang pamilya?" tukoy ko sa pamilya ni Althea. "May importante kasi akong sasabihin sa kanila."
"Oo, 'andiyan rin pero si Pinunong Manuel eh parating wala diyan, ang kaibigan mo namang si Prinsepe Abraham eh inilakas muna ang pamilya sa bayan." turan nito. "Medyo nag-iingat ang buong Ukbiran ngayon eh, si Pinunong Manuel talaga ang nagroronda sa kabilang bundok... ilan na rin kasing estranghero ang nahuhuli naming nagmamatyag." pagbabalita pa niya. "Tsaka isa pa'y may problema yata ang mga maharlikang pamilya... si Prinsesa Althea'y 'di pa bumabalik hanggang ngayon."
Tumango-tango ako at tinapik siya sa balikat.
"O siya sige, tutuloy na'ko."
Isang ngiti lamang ang inisagot sakin' at ang iba'y yumuko ulit.
Naglakad nako nang mabilis hanggang marating ko ang kanilang pamamahay. Nadatnan ko si Manolo at agad niya akong sinamahan sa silid-pulungan kung saan naroroon raw sina Inang Elvira at ang bisita.
Hindi ako nagtanong pero agad akong nabuhayan ng interes sa tinutukoy nitong bisita.
'Di pa pala umuuwi ang mga 'yun?
Pagdating namin ay iniwan na lang ako ni Manolo sa pintuan kaya dahan-dahan naman akong kumatok kasabay ang pagpapakilala.
"Magandang tanghali ho Inang Elvira, si Ben ho ito."
'Di nga lumipas ang isang minuto'y agad akong pinagbuksan ni Inang Elvira, mababakas mo sa mukha nito ang pag-aalala.
Agad niya akong niyakap at sinipat.
"Kumusta ka, kayo ng anak ko iho, dali pasok... pasok..." akay na niya sakin' sa loob at sa unang pagkakataon ay agad nagtama ang mga mata namin ng isang lalaking nakaupo. "ah iho," aniya sa lalaking naka-upo pa rin. "Si Ben, inaanak ko..." pagpapakilala nito sakin'.
Tumango lang ako bilang pagbati.
Tama nga si Amang Manuel, kung ikukumpara ko ang sarili ko'y walang-wala ako sa tindig at ayos nito. Teka, bakit ko ba ikinukumpara ang sarili ko sa taong-tubig na'to. Kung isa siyang prinsipe pwes' ako nama'y nag-iisang taga-taguyod ng lahing ulapirang.
"Ben iho," tawag pansin ni Inang Elvira sakin'. "Kako'y siya naman ang Prinsipe Amilan... prinsipe ng mga taong-tubig."
Bahagya lamang din itong tumango bilang ganti sa bati ko.
"Maupo ka nga," sabay akay ni ina sakin' ."Ano ba'ng nangyari... pagdating namin sa bahay mo'y wala kayo at may nadatnan kaming mga bakas ng busaw."
"Kung walang magbabago'y ok naman po siya at hinihintay niya tayong lahat doon." pagbabalita ko. "Tila'y nasundan kayo ng gabing 'yun Inang Elvira..."
Parang may inalala naman siya at muli akong tinignan.
"Siguro nga iho kasi ibang daanan ang dinaanan namin ng Amang Manuel mo, naiinis pa nga ako sa kanya dahil ganun' nga ang ginawa."
![](https://img.wattpad.com/cover/23512826-288-k891596.jpg)
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horror. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...