Althea- 9.

1.9K 100 5
                                    

"Last na'to, next chapter eh simula na ng 'adventures' nila, promise!"     

             Naalimpungatan ako nang maramdaman kong naging maalinsangan ang paligid. Kanina lang ay kay sarap damhin ng simoy ng hangin pero ngayon ay gusto ko nang maghubad.

Naiinitan talaga ako...

At kahit na, nahahatak ako ng antok ay di' pa rin nawala sa pansin ko ang pananahimik ng gabi. Nawala ang kasiglahan ng mga dahon dahil sa mga hampas ng hangin. Tumahimik na rin ang mga ibong maya't maya'y nagpapagandahan ng huni. Ang tanging bumabasag lamang sa katahimikan ng gabi ay ang mga insektong kung tawagin ay kaluluwa ng lupa.

Pabaling-baling lang ako sa pagkakahiga nang matigilan ako. Di' ako magkamali, nakakaramdam ako ng nilalang sa paligid. Dinig na dinig ko ang malakas niyang paghinga!

Sa unang pagkakataon ay kinabahan ako. Di' nga lang yata kaba ang nararamdaman ko kundi' takot.

Natatakot ako. Natatakot sa pwedeng mangyari, sa pwede kong makita at malaman.

Palakas na nang palakas ang nararamdaman ko kaya nagpasya nakong dumilat at...

"Huh!" Halos mapasigaw ako sa gulat.

Napabalikwas na rin ako ng bangon dahil sa isang nilalang na nakatayo sa labas ng bintana.

Hindi ko namumukhaan ito dahil tanging sinag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid at sa kanyang kinatatayuan, medyo natatakpan ng anino nito ang buong mukha niya.

"Sino ka?" Tanong ko habang sa ilalim ng kumot ko'y pinapalabas ko na ang mga kuko at pinipilit nang mag-anyong busaw.

Pero lalo lamang kumabog ang dibdib ko nang di' ko maramdaman ang pagbabago ko. Dinama ko ang mga kamay ko pero ang inaasahan kong pagtubo ng mga balahibo dito'y di' nangyari!

Anong nangyayari?! Bakit di' ko na kayang maging busaw?! Sigaw ng isipan ko.

Agad akong napatingin sa nilalang nang dahan-dahan itong kumilos. Lumalapit sa bintana at nang inaakyat na niya ito'y nabahala na ako. Agad akong tumayo at mabilis na tinungo ang pinto pero napakunot-noo na naman ako nang di' ko to' mabuksan.

Ilang beses ko nang ginalaw-galaw ang sarahan nito pero di' talaga mabuksan.

"Ben!" Tinawag ko na siya habang pilit pa ring binubuksan ang pinto. Pero wala akong marinig na ni' kaluskos sa kabilang bahagi ng bahay. At nang muli kong lingunin ang lalaki'y inaakyat na nito ang bintana! "B-ben... Ben!" Muli kong nadama ang takot.

Nang bahagya siyang maharap sa gawing nasisinagan ng buwan ay talagang nanlaki ang mga mata ko.

Hindi maaari! Pinatay ko na siya ah!

Sigaw ng isipan ko at ngayon ay pinagbabayo ko na ang pinto.

"Ben! Nasan' ka... tulungan moko'!" Sigaw ko habang maya't maya ko nang nililingon ang busaw na pababa na sa kwarto.

Pero wala man lang akong narinig na kahit ano. Pakiramdam ko nga'y mag-isa lang ako ngayon sa bahay na'to.

Halos gibain ko na ang pinto pero talagang wala akong lakas.

Napahinto ako sa pagbayo nang marinig kong umanas ang busaw.

"Ang puso ko..." Anas nito habang naglalakad na ito palapit sakin'.

Tumigil nako' sa pagbayo dahil nakakaramdam nako' ng pagod at kawalang pag-asa.

Nagsisimula na ring uminit ang gilid ng mga mata ko nang harapin siya.

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon