Anim na buwan ang nakaraan (Ang Aksidente)
"Althea... Althea..." tawag sakin' nila Lorena, alam kong nasa mga punong kahoy pa rin sila at nag-aalangang tumuloy.
Pabuntong hininga akong tumayo at nagtungo sa kusina. Tahimik kong binuksan ito at nagsalita.
"Halina na kayo..." sambit ko at kahit malayo ang pagitan namin ay alam kong narinig nila ako.
Mga babaeng to' talaga, di' pa rin nasasanay sa buhay syudad. Sa sitwasyong nakikita,nakakausap at nagkalat lang sa paligid ang pinakapaborito naming pagkain pero ipinagbabawal naman, ang mga mortal.
Mula nang magkapamilya ang kakambal kong si Abraham ay ilang piling mga babaeng kawal ang ipinalit ni ama para bantayan ako. At sa mga babaeng to', nakahanap at nagkaroon ako ng mga kaibigan sa katauhan nila.
'Di lang sa sinasamahan nila ako sa mga lakad ko, syempre 'yun ang trabaho nila pero 'andyan lagi sila lalo na sa mga sandaling kailangan ko ng kausap.
"Pasensya na Thea kung natagalan kami... 'eto kasing si Mailyn, nakipagkita pa sa kasintahan." sumbong ni Lorena.
"Di naman..." depensa nito. "Nagpaalam lang si Ador kasi mangingibang lugar... susundan lang niya ang mga magulang niya."
Nangiti lang ako habang tinitignan sila.
"Tama na 'yan, magpahinga lang kayo at may pupuntahan tayo." sabi ko sabay tayo.
'Di ko ba alam, di' ko alam pero gusto ko siyang makitang lagi.
"Saan tayo pupunta?" si Mailyn. "Wag mo na kaming intindihin Althea, 'di naman kami pagod."
"Oo nga," ayon naman ni Lorena. "Ano to'?" sabay hawak niya sa may kakaibang hugis na bote.
"Pabango, nagustuhan ko kaya 'ayan binili ko."
"Ganda nga eh, desenyo pa lang ng bote'y kakaiba na."
'Di ko naiwasang mangiti at agad siyang naisip...
"Manong, magkanu ho to'?" nagulat pako' nang magkasabay pa kaming nagtanong sa tindero.
"400 hunred yan' pero dahil 'yan na lang ang natitira'y di' nako tutubo... 350 na lang." sabi ng mama.
Agad akong umusog at tumalikod na nang tawagin niya.
"Miss! Gusto mo, ikaw na lang ang kumuha."
Tahimik naman akong lumingon at nang makita ko ang nakakahalina niyang ngiti'y di' na siya nawaglit sa isipan ko kaya palihim ko siyang sinundan at nalaman kong binibisita lang pala niya ang kanyang lolo dito.
Si Alexander.
"Kaninong bahay ba'to Althea?" tanong ni Lorena sakin' habang nasa taas kami ng isang puno malapit sa kanilang kusina. "Ano bang gagawin nito dito?" tanong pa rin nito.
"Dun ka na nga lang kay Mailyn... hintayin niyo na lang ako dun." turan ko sa kanya.
"E' sige... basta tawagin mo lang kami kung may kailangan ka." aniya at lumundag na sa kalapit na puno dahilan para mag-ingay ang mga ibong nanahimik.
![](https://img.wattpad.com/cover/23512826-288-k891596.jpg)
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horor. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...