Althea- 19.

5.6K 199 178
                                    

.
.
.
Naka-upo pa rin ako habang tinititigan ang dalawang himlayan na kakatapos ko lang gawin. Nakatitig ako sa mamasa-masang lupa na ngayon ay tuluyan nang tumabon sa gutay-gutay na kawatan ng maglolo.

Halos walang natira sa katawang lupa nila pero karapatan pa rin nilang bigyan sila ng maayos na libingan.

Pinapangako ko Tata... Gilo... Ibibigay ko ang hustisya para sa inyo.

Napakuyumos ako sa lupang nasakop nang nanggigigil kong mga kamay saka bumuntong hiningang tumayo. Ipinilig ko ang leeg ko dahil pakiramdam ko'y pumapasan ako ng mabigat na bagay.

Muli Kong sinulyapan ang dalawang libingan at nagsimula akong lumakad pabalik sa binuhay kong muling tahanan ng mga ninuno ko. Sinulyapan ko ang sikat ng araw at muling napabuntong hininga.

Nasaan na kaya siya sa mga oras na'to?

Pero parang tanga lamang akong nagtatanong sa kawalan.

Napailing ako, nakakabaliw pala ang ganito. Nahihiya ako sa pinaggagawa ko sa kanya pero sa kaibuturan naman ng puso ko'y lalo lamang lumalalim ang nararamdama ko. Ang pagkasabik at ang pagsisising di' ko man lang siya pinigilan.

Naging alipin ako ng sarili kong kuro-kuro. Inaalala ko ang magiging reaksyon ng pamilya niya, si Abraham, sina ama't ina. Ano kayang masasabi nila na ang kaisa-isa nilang prinsesa'y nakaya kong salingin.

At si Althea, alam ko, nakita ko, naramdaman kong may kung ano rin siyang nararamdaman sakin' pero hanggang keylan? Dahil ba sa naging mahina siya'y ako lang ang naging sandigan niya? Baka pansamantala lamang ang nararamdaman niya sakin' at kung bumalik siya sa dati'y mawawala rin ito.

Ahhh, nakakabaliw ka Althea!

Sa buong buhay ko'y ngayon lang ako naguluhan ng ganito at di' alam ang gagawin.

Nang marating ko ang kweba'y huminto ako sa bangkay ng busaw na di' ko pa naaalis. Nagsisimula na itong mamaga Kaya bahagya ko itong inamuy-amoy. Sa ganoong paraan ay malalaman ko kung sinong mga kasama nito sa pag-atake kina Althea.

Pagka-alis ko sa bangkay ay nagpasya akong mamahinga muna. Nahiga ako sa dating lugar kung saan ko siya unang nahalikan, unang nadama.

Ahhhh, napunta na naman kay Althea ang buong isipan ko. Napasulyap na rin ako sa ginawa niyang kanlungan at bahagya akong napangiti.

Di' naman sa minamasa ko pero sana habang buhay na siyang ganoon. 'Yun bang nakikita rin niya ang halaga ng iba. Na hindi rin masamang humingi o kaya'y tumanggap man lang ng tulong.

Sana nga, di' na siya magbago o bumalik sa dati.

Pumikit ako at pinilit makatulog dahil sa pagkagat ng dilim. Sisimulan ko nang ihingi ng hustisya sila Tata Igno at para kay Althea na rin...
.
.
.
.
.
Napakadilim na ng paligid nang magpasya akong lumakad. Una kong pinuntahan ang naulilang tahanan nina Tata Igno. Mula sa nangangamoy at nagkalat na mga kakarampot na dugo't laman ay inalam kong mabuti ang bawat detalye.

Sa kapangyarihang hatid sakin' ng pagiging ulapirang ay amoy na amoy ko sa paligid ang mga busaw.

Kung may makakakita sakin' ay tiyak na matatawa sa pinagagawa ko ngayon pero ito lang ang tanging paraan para matunton ko kung sino ang may sala.

Nakalabas nako' ng bahay at patuloy pa rin akong sumisinghut-singhot sa paligid. Sadyang dumikit na sa mga halaman, sa mga punong kahoy at sa lupang tinahak nila ang kanilang kakaibang amoy. Sinundan ko ang nag-iisang gabay ko at makalipas ang ilang oras ay bumulaga sakin', sa pisngi ng nagtutumayog na mga bundok ang isang maliit na kumunidad. Tila mga 'trumpo ang kanilang maliliit at matutulis na bahay. May malaking siga' sa pinakagitna ng mga bahay na nagsisilbing ilaw nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon