Akala ko'y isang ordinaryong labanan lamang ang mangyayari samin' pero sadya yatang naging kampanti ako. Minaliit ko ang kanyang kakayahan. At tulad nga sa isang kasabihan, lalong nahihirapan eh lalong lumalakas.
Sa pagkakataong ito'y nanghihina na ako. Ilang sugat na ba ang natamo ko samantalang siya'y di man lang yata iniinda ang mga sugat niya.
Muli na naman akong tinamaan nang malakas niyang suntok na tumama sa sentro ng dibdib ko pero bago niya akong pinakawalan ay binigyan muna niya ako ng malalim na saksak sa kaliwang balikat ko.
"Ahhhh! Ughhh... uhhh!" Hinahabol ko na ang paghinga ko habang ninanamnam pa ng katawan ko ang sakit na dulot nang pabagsak ko sa nakausling mga bato sa gilid ng batis.
Di pwde to'! Mayayari niya ako!
"Ha haha! Eto' ba ang mga busaw n bukambibig ng ibang nilalang..." halakhak niya habang dahan-dahan siyang lumalapit. "Nababagay nga kayong makipagsanib sa mga mortal dahil wala pakong' nakilalang busaw na ganyan sayo' kahina!"
Umigting ang mga tenga ko sa huling sinabi niya kaya parang himalang nawala lahat ng mga nararamdaman ko.
"Ahhh! sino ka para sabihin sakin' yan'!" Pasigaw ko siyang sinalubong.
Di' ako makakapayag na pati ba naman tong' estrangherong to'y mamatain ang pagkatao't kakayahan ko?!
"Ahhh," agad ko siyang nasakal at dahil dun' ay nawalan siya ng balanse. Agad kaming bumagsak sa lupa habang ako 'y parang lintang nakakapit pa din sa kanya. "Ahhhh, papatayin kita!" Sigaw ko habang naginginig nako' sa magkahalong galit at sakit na nararamdaman ko.
Di' nga rin nagtagal ay nararamdaman ko nang lumalagkit ang mga kuko ko sa kanyang leeg.
"Ugh...uhhhuh! Ughh.. ugh!" Kinakapos na siya ng hininga at kahit sinasaksak pa din niya ako sa magkabilang tagiliran ay diko' pa rin siya binitiwan.
Nagdidilim na ang paningin ko at nang humampas sa mukha ko ang hanging nagdadala ng preskong amoy ng dugo nitong kinukubabawan ko'y awtomatikong lumabas ang mga pangil ko at...
"Hemmm! Ehhhmmm!" Di' ko na napigilan ang sarili ko. Kinagat ko siya sa balikat at agad na sinipsip ang kanyang dugo.
"Ahhhh... huhhh... ughhh.." nangingisay na ang kalaban ko.
Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko sa pagsipsip at paglunok sa mga humahalong laman na nagmumula sa kanyang balikat. Nang matiyak kong wala na siyang buhay ay pabagsak nakong nahiga sa kanyang tabi na hinang-hina rin.
Muli kong inilabas ang dila ko at pinahaba ito. Dahan-dahan kong dinilaan ang mga sugat ko. Umaasam na mapapagaling ko ang sarili ko pero lalo lamang akong napangiwi nang walang nagbago sa mga ito.
Wala na talaga akong lakas...
Napalingon ako sa katabi kong nakadilat pang mga mata na patuloy pa ring umaagos ang dugo sa kanyang balikat.
Napatitig ako rito at di' naglaon ay bumaling ako sa sinag ng araw.
Sa gagawin kong to'y tuluyan ko nang sisirain ang sarili ko sa mga mata ni ama. Pero kung di' ko naman gagawin, posibleng madatnan ako ng mga kasamahan ng nilalang na ito at alam ko na ang magiging katapusan ko, kamatayan.
Bahala na, kailangan kong gawin ito at sa kaloob-looban ko'y nahahalina na rin naman ako dahil sa gutom na nararamdaman ko. Inut-inot nakong kumilos at nang tuluyan akong makabangon ay muli kong pinatulis ang mga kuko ko at...
Tsak! Tsak! Tsak...
Sunod-sunod kong sinaksak ang kanyang dibdib dahilan para mawasak ito at mabuyangyang sa harapan ko ang lamang loob nito.
Muling umalingasaw ang nakakahalina nitong amoy at di' ko maiwasang mapalunok ng ilang beses.
Minsan lang ang pagkakataong ito. Minsan lang ang makakain ka ng puso ng isang maharlikang busaw. Minsan lang din ang magkakamit ka ng panibagong lakas ng di' sinasadya.
... Kaya wala akong nakikitang mali sa gagawin ko.
Lumunok muna ako at walang salitang, sinunggaban ko ang nang-aakit na pagkain sa harapan ko.
"Ummm, Ummm, Ummm..." parang isang hayop akong sabik na sabik na nilamutak ang puso nito pati na rin ang iba pang lamang loob ng estrangherong busaw...
Halos di' nako makahinga sa kasabikan. Pakiramdam ko'y nabuhay ang mga himaymay sa bawat bahagi ng katawan ko. Sa bawat lunok, sa bawat pagdaan ng dugo't laman sa lalamunan ko'y nagdudulot ito kakaibang init na dumadaloy sa mga ugat ko.
Ahhh, ang sarap sa pakiramdam. Iba talaga kung naiibsan ang pananabik mo sa isang bagay na lagi mong inaasam.
Nagpatuloy lang ako, ninamnam ang nakahaing pagkain sakin" ngayon.
Nang magsawa ako'y tumayo na ako't tinitigan muli ang nakabuyangyang at wasak na dibdib ng sino mang nilalang na ito. Napangiti ako nang bahagya at sa pagkakataong ito'y masigasig kong pinalabas ulit ang dila ko at sinimulang gamutin ang sarili ko. Sa ginagawa kong ito'y lalo akong nakaramdam ng ginhawa.
Talagang nagbibigay ng ibayong lakas ang puso ng isang busaw.
Nang gumaling lahat ang mga sugat ko'y nagsimula nakong' maglakad pero di' pa ako nakakalayo'y agad akong napakapit sa isang puno.
Oo, nagkaroon nga ako ng lakas pero parang umiikot naman ang tingin ko sa paligid. Nagsimulang manakit at umasim ang tiyan ko kaya pinili ko munang maupo habang sapu-sapo ko ito.
Ahhhh, ano bang nangyayari sakin?!
At di nga nagtagal ay...
"Uwahhhh... uwahhh... ahhh." Halos bumaligtad ang tiyan ko. Pakiramdam ko'y pati yata ang lamang loob ko'y inilabas ko na rin. "Uwahhh, ughhh... uhhh!" Muli akong nagsuka habang namimilipit na rin ako sa sakit ng tiyan.
At nahintakutan nako' nang mapansin kong bumabalik ulit ang lahat ng sugat ko at di' na kulay dugo ang mahinang lumalabas dito kundi likidong kulay itim na malagkit at nakakasulasok ang amoy.
Anong nangyayari, bakit ako nagkakaganito?!
Mangiyak-ngiyak kong tinignan ang mga kamay ko at ilang sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.
Nang maibsan ang pagkahilo ko't pagsusuka ay pinilit kong makatayong muli. Kailangang makahingi ako ng tulong pero saan at kanino?
Kila' ama, uuwi ako ng Ukbiran?
Napailing ako habang nakangiwi at kinagat kong maigi ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko'y maduduwal na naman ako.
"Hemmm..." daing ko habang sinubukan kong humakbang.
Pinilit ko na talagang maglakad.
Kailangang makaalis ako rito. Ano mang oras ay babalik ang mga kasama ng nakalaban ko at kung maging mailap man ang swerte sakin'. Baka ito na ang katapusan ko...
ate ionah.
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horror. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...