Althea- 11.

2.1K 101 9
                                    

.
.
.
"Nasaan ako?" unang namutawi sa bibig ko pagkagising ko.

Agad kong inilibot ang paningin ko sa kinaroroonan ko. Wala nang iba pang pumasok sa isipan ko kundi' nasa isang kweba kami na tanging nagbibigay ng liwanag ay ang ginawa nity ang siga'.

"Ang haba ng tulog mo ah, talagang napagod ka." Ngiti niya sakin'. "Nagugutom ka na ba, 'eto oh... kumain ka."

Dahan-dahan akong bumangon at napansin kong may suot nakong' kamiseta.

"Ipinasuot ko na sa'yo yan'... Wala na rin naman sila." Tukoy niya sa mga busaw na humahabol samin'. "Pagpasensyahan mo na kung di' ko na nalinis."

Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa maalaala ko ang nangyari kahapon.

"Bakit di' mo sinabi sakin' na may napapansin ka na pala kahapon, pinagmukha mo pakong' tanga."

"Mukhang lalong lumalala ang kondisyon mo ah," imbes na sagutin niya ako'y ito ang sinabi niya. "Di' mo man lang ba sila naamoy?" Taka niyang tanong sa akin'. "Ginawa ko 'yun para di' nila mahalatang alamu', di' natin sila kaya Althea, ang dami nila."

Natahimik naman ako kaya inilibot ko na lang ulit ang paningin ko.

"Paano mo to' nadiskubre?"

Di' siya sumagot, patuloy lamang niyang nilaglagyan ng mga putol na kahoy ang siga'.

"Matagal na... bata pako', nang kupkupin ako ng mga magulang mo'y dito ako nagpupunta pag' gusto kong mag-isa." Sagot niya. "Kinalakhan ko na ang mapaniginipan ang isang babae, inaakay niya ako papunta dito dahil dito ko raw madidiskubre ang aking pagkatao." Kwento niya habang sa apoy nakatutok. "Isang araw, bigla na lang akong nagising rito at nang subukan kong tahakin ang dinadaanan namin ng babae sa panaginip ko'y natunton ko ang daang pauwi." Aniya at nilingon ako. "Dun' ko nakitang nag-alala ng sobra ang mga magulang mo sakin'... Nawala kasi ako ng tatlong araw."

"Ganun' lang?"

"Oo ganun', 'yung babae sa panaginip ko'y ang Mama Airina ko pala... sabi ni Lorenzo sa pagkakalarawan ko sa kanya." Patuloy niyang pagkukwento sakin'. "At ang lugar pala na to'y dating tinirahan ng mga ninuno ko... ang mga ulapirang."

Napatingin ulit ako sa paligid. Kaya pala kahit sa bukana ng kwebang ito'y kaydilim pa rin kasi sinadya yatang itanim ang mga mayayabong puno na nakahilera sa labas. Nagsisipaghabaan ng mga ugat nito na tumanda na siguro sa pag-ikot ng panahon.

"Bakit ikaw? Bakit di' mo na ipagpatuloy ang lahi mo... niyo?"

Nakita ko namang napangiti siya.

"Sige nga, hanapan mo'ko ng babae na kung manganak eh parang inahing baboy... isang dosena." Natatawa pa rin siyang nakatingin sakin'. "Ok nako' sa ganitong buhay, tahimik, masaya naman... Tsaka di' rin ako masasayahan  kung maghahasik ako ng lagim eh, wala akong kasama."

Napangiti tuloy ako sa sinabi niya at agad siyang natanong kung anong plano niya.

"So ano nang gagawin natin dito, alangan namang magtago na lang tayo nang magtago." Sabi ko. "Tsaka isa pa, hinahanap na tayo nila ama... panigurado ako dun'."

"Hinintay lamang kitang magising dahil pupunta ako sa inyo." Sagot niya. "Pero di' ka pa pwedeng sumama hangga't di' tayo nakakasiguro."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Iiwan mo'ko rito?"

Sa halip na sumagot ay bahagya siyang ngumiti.

"Wag' kang magagalit ah... pero kung umakto ka ngayon eh parang mortal, akalain mo ba naman na ang kalahi mo ang siyang kinakatakutan mo ngayon."

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon