Pinilit kong tapusin, peace yow' ^___^
.
.
.
.
Napapitlag na naman ako at napasiksik sa ginawa kong kanlungan sa loob ng kweba.Sunod-sunod na kasi ang pagkidlat at pagkulog tanda na di' magtatagal ay bubuhos na ang malakas na ulan.
Kahit na natatakot ako sa panaka-nakang pagliwanag ng paligid at sa mga imaheng naaaninag ko sa dulo ng mga nakahelirang punong kahoy ay sabik na sabik nakong' makainom. Uhaw na uhaw nako' sa lasa ng totoong tubig. Tanging ang pantawid uhaw at gutom ko lamang ay ang mga maliliit na ibong nahuhuli ko sa mga nakahilerang puno. Di' man sapat ang dugo't laman nito'y nagpapasalamat pa rin ako dahil naiibsan nito kahit papaano ang gutom ko.
Ikalawang gabi ko na 'tong mag-isa at damhin ang takot na hatid ng kadiliman.
Bang!
Muling bumalik ang ulirat ko sa kasalukuyang sitwasyon ko dahil sa lakas ng kidlat na para bang sumabog sa buong kakahuyan at kasunod na nga nito'y unti-unti ko nang naramdaman ang pagbuhos ng ulan hanggang sa lumakas na ito.
Napalunok ako ng ilang beses at dahan-dahang lumabas mula sa pinagtabi-tabi kong mga bato sa isang di' kalakihang butas ng kweba. Ito ang naging kanlungan ko sa loob nang mahabang oras.
Pagapang akong lumapit sa bukana at nanginginig ang mga kamay kong dinama ang basang lupa.
Ahhh...
Agad kong pinagsalikop ang magkabila kong kamay at uhaw na uhaw na ininom ang bumubuhos na tubig sa mga palad ko.
Uminom ako, halos di' nako' huminga sa kakalunok nito para ibsan ang natutuyo ko ng lalamunan.
Nasa ganoong kalagayan ako nang muli na namang kumidlat at...
"Ughhh!" Napasinghap ako sa mga nakita ko.
Isa, dalawa, tatlo? Hindi, hindi ko mabilang kung ilang nilalang ba 'yun ang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin'.
Kahit gusto ko pang sulitin ang tubig na biyaya ng kalangitan ay dahan-dahan nakong' umatras at tuluyang bumalik sa kanlungan ko.
Nanginginig pa rin akong tumingin sa may bukana.
Andiyan' pa rin sila. Di' talaga ako tatantanan ng mga 'yun hangga't di' nakukuha.
"Huhhh!"Napasinghap ulit ako.
Parang baliw lang akong nagpalinga-linga sa madilim na paligid. Alam kong may pumasok, ramdam ko! At napatingin ulit ako sa bukana nang biglang umihip ang malakas na hangin papunta sa loob kaya lalo akong namilipit sa lamig.
Di' nagtagal ay ramdam kong pabuhol-buhol na ang pagpasok ng hangin habang nakakadagdag sa takot ko ang ugoy nito.
Shoooo.... Shoooo...
Parang di' totoong hangin. Parang, parang...
"Ahhhh... talindawangggg..." anas ng isang boses sa kawalan kasunod nito'y ang pagbugso naman ng malakas na hangin.
Napapalinga lang ako sa paligid, ano ba'to? May nangyayari na naman ba o imahinasyon ko lang?
Muli ay nakaramdam na naman ako sabay ang bahagyang pagliwanag sa bungad ng kweba.
Pumutok na naman ang isang kidlat.
"Altheaaaa...." Muli na naman akong nakarinig ng bulong.
Napailing-iling na lamang ako habang gusto ko nang maiyak. Tinakpan ko na rin ang magkabilang tenga ko.
"Ayuko' naaaa... ina, amaaa... ayuko' na pooo..." Anas ko na lamang at di' ko na nga napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/23512826-288-k891596.jpg)
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horor. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...