May napansin lang ako, di' rin pala nawawala 'yung mga dati kong reader/readers as in, dati pa talaga. SALAMAT! andiyan din pala kayo ^___^
******
Hindi ako lumabas ng kwarto. Ginugol ko ang mga oras ko sa pag-iisip kung may magagawa bakong' paraan sa kondisyon ko. Talaga naman kasing nakakabahala ang mga nangyayari.
Isa akong prinsesa pero sa isang iglap ay magiging mortal lamang ako?
Hindi, ayuko' ko talaga.
Muli kong tinitigan ang mga kamay ko at pinilit palabasin ang mga kuko ko pero di' talaga.
Naiinis na napahampas ako sa unan.
"Inutil!" Inis ko sa sarili ko.
Maya-maya pa'y nakita ko siyang pumasok.
"Magmerienda ka muna," aniya habang may dala-dalang pagkain. "Kontrolin mo'ng nararamdaman mo, kung magiging negatibo ka... lalong manunuot sa katawan mo ang lason."
Naiirita pa rin akong tumingin sa kanya.
"Sabihin mo nga ang totoo, mawawala pa ba to' o hindi na at nang makagawa ako ng paraan." Naiirita kong tanong sa kanya. "Hindi sa ganito eh, hinahayaan ko lang dumaan ang oras na wala akong ginagawa, naghihintay sa wala!"
Huminto siya sa pag-aayos ng mga prutas sa mesita at bahagya akong nilingon.
"Di' ko rin alam, inaasahan kong mag-iiba ang pakiramdam mo't ilalabas mo yang' nasa katawan mo pero di' yata tumalab ang ginawa ko." Sagot niya at umayos na ng tayo. "Antayin' na lang natin ang mga magulang mo... tiyak namang kahit papaano'y may ideya ang ama mo tungkol diyan sa kondisyon mo."
Natahimik naman ako at naisip ang lakad niya.
"Akala ko ba'y mamalengke?"
Sinulyapan lamang niya ako.
"Di' kita kayang iwan dito ng mag-isa lalo pa't ganyan ang kalagayan mo." Aniya at umalis na ng kwarto.
Gusto kong magprotesta, kalabanin ang sinabi niya dahil kaya kong pangalaagan ang sarili ko. Pero nang maisip ko ang totoo kong kalagayan, siguro nga kailangan ko na ng tulong ng iba.
.
.
.
Gabi na, maya't maya nakong' sumisilip sa labas dahil inaabangan ko talaga ang pagdating nila ama.Kahit anong parusa ang igagawad niya sakin' tatanggapin ko, wag' lang lumala ang kalagayan kong ito lalo na't may posibilidad na tuluyan nang mawala ang pagiging busaw ko.
Di' ko 'yun matatanggap!
"Kumain ka na muna, baka mamaya pa sila darating... maaaga pa naman ang gabi." Sabi niya habang nasa hapag-kainan na.
"Di' ako nagugutom," sagot ko habang nakatayo sa gilid ng pintuan. "Sasama nako' sa kanila, doon ay maraming makakagamot sakin'."
"Makikita ka ng ipinagkasundo sa'yo." Mabilis niyang sagot.
"E di' makita..." at napalingon ako sa kanya. Paano niya nalaman? "Nakinig ka samin' ni ama noh! Haist, kalalaking tao tsismoso!"
"Sa maniwala ka man o hindi, di' ko sinasadyang marinih ang partwng yun' ng pag-uusap niyo dahil may kinuba ako nun' sa may sala."
"Osss, palusot k pa eh..." sabi ko at tumingin ulit sa labas.
Di' ko na siya naringgan ng kahit na ano, tahimik lamang siyang nagpatuloy sa pagkain pero di' nagtagal ay nagulat na lang ako. Nasa tabi ko na siya at parang may tinignan sa labas.
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horor. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...