"Pasensiya naman kung kakarampot ang mga updates ko, oras ho ang kulang sakin' eh. Kayo ho, gusto niyo nang mahabang update eh baka abutin rin ng ilang araw... Anyway, salamat sa lahat!"
.
.
.
.Madilim pa rin ang paligid kaya lakad-takbo ang ginagawa naming paglalakad ni Ben. Mahigpit pa niya akong hinahawakan habang nauunang naglalakad. Samantalang ako'y palingun-lingon sa likuran dahil natatakot akong baka may sumusunod samin'.
Nang marating namin ang pamoang ng batis ay bahagya akong napanatag. Medyo naaaninag na kasi ang paligid dahil sa paglapat ng liwanag. Mula doon ay tinungo na namin ang kahabaan ng batis.
Lakad-takbo ulit, para bang bawat patak ng segundo'y napakahalaga samin' at nang mapagawi kami sa masukal na lugar ay nahagip ng mata ko ang isang katamtamang laki ng usa. Nagpapahinga iko Kaya napalunok ako ng ilang beses.
Sa lahat kasi ng mga hayop, ito ang madalas na mahuli ng mga kawal kaya nasanay na rin kahit papaano ang panlasa ko sa ganitong uri ng hayop.
Bahagya kong hinila ang kamay ni Ben kaya nagtataka itong napalingon at tiluyan nang huminto.
"Kumain muna tayo..." sabay nguso ko sa hayop. "Di' mo lang natatanong eh gutom nako', talagang gutom."
Nakita ko namang lumambot ang reakasyon ni Ben sakin' at tinignan na nga ang tinutukoy kong hayop.
"Wala tayong gamit eh, alamu' naman na ang bilis nyang' tumakbo." Sabi niya pero nakatingin pa rin sa hayop. "Kung gusto mo talaga'y pagtulungan nalang nating hulihin para di' tayo magtagal."
Agad naman akong tumango at kusang bumitiw sa kanya.
"Kaya natin yan'," Sabi ko. Bahagya akong naglakad pabalik at nagsimula nang sumuot sa mga halamang ligaw. "Papuntahin mo dito, kaya ko pa naman siguro makipagsabayan sa hayop." Huling turan ko sa kanya at tuluyan na siyang iniwan.
Sabik na sabik akong mahuli ito, sa kurti pa lamang kasi ng katawan ay alam kong masagana itong nakakakain.
L alo akong naging alerto nang makitang tumakbo na ito sa deriksyon ko pero di'ko alam kung bakit lumiko. Bigla itong sumuot sa mas masukal na kakahuyan kaya ganun' na lang ang dismaya ko pero hinabol ko pa rin.
Narinig ko nang tinatawag ako ni Ben pero mas nakuha ng hayop na ito ang interes ko.
Di' ako mapakali hangga't di' ko nahuhuli.
Bawat takbo ko'y parang nagpapahabol lamang ang usa. Halos mahawakan ko na ito sa bawat sunggab ko pero tila'y nakikipaglaro lamang ito sakin'.
Di' nga nagtagal ay sumuot ito sa magkakahinang na mga punong kahoy kaya sinundan ko na naman hanggang mabungaran ko ang patag na lupain na mga di' kataasang talahib ang namumugad dito.
Nadatnan ko ang ilang kasamahan nito na mukhang nagpapahinga at ninanamnam ang sikat ng araw.
Napangiti naman ako.
Sa kanila ka lang pala pupunta ah...
Lalapit na sana ako nang magulat pako' sa tawag ni Ben sa likuran ko.
"Althea, halika na... di' rin natin 'yan mahuhuli."
Pero nilingon ko lamang siya at ngumisi.
"Mahuhuli natin ano ka ba, dami nila oh..." sagot ko lamang habang muling naglakad.
Pero napatigil ako nang umatungal ang kanina ko pang hinahabol na usa at talagang di' ko inaasahan ang nakikita ko ngayon!
Unti-unting nagbagong anyo ang usa, lumalaki, nag-iibang anyo hanggang sa isang kurap ko lang ay isa na siyang nakayukong nilalang.
"Haaaa.... greeee...." atungal pa rin niya habang dahan-dahan nang tumatayo.
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horror. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...