Pasensya na talaga.... -______-
.
.
..
"Ehem, maaari bakong' maupo rito?" Napalingon ako sa biglang nagsalita sa likuran ko. Nang makilala ko kung sino ito'y bahagya akong umusog. "Bakit mag-isa ka lang dito... di' ka ba natatakot?"
Napangiti ako.
"Pano' ako matatakot eh lugar ko to'."
"Ibig kong sabihin eh sa ngayon delikadong malaman nilang 'andito ka," sabi niya. "Alamu' namang may umaaligid sa lugar niyo."
"Ginawan na ng pangontra ni ama kahit ngayong gabi lamang..." buntong hininga ko at tumingala sa kalangitan. "Bakit ikaw eh gising pa, magpahinga ka na... napagod ka pa yata sa pagsama kanina eh."
"Di' ka nga rin nagpapahinga... pahinga ka na." masigla niyang turan sakin' pero napangiti lang ako nang bahagya.
"Di' rin kasi ako makakapagpahinga eh, ang daming tumatakbo sa isip ko." anas ko. "Dahil sa katigasan ng ulo ko, di' ko akalain na magkakaganito lahat..."
"Lahat ay may dahilan kung bakit nangyayari." Aniya.
Bahagya akong ngumiti at sinulyapan siya.
"May dahilan rin ba kung bakit pumayag kang ipagkasundo sakin'?"
Nakita ko siyang nagkibit balikat.
"Sumusunod lamang ako sa kagustuhan ni ama..."
"Kahit na labag ito sa sarili mo?" Nilingon ko siya.
"Alamu' lumaki akong nakatatak na sa isipan ko ang pangalang Althea, kung anu-anong kwento tungkol sa'yo at sa pamilya mo ang sinasabi ni ama sakin'." Aniya at sinalubong na rin ang tingin ko. "Nagkaroon ako ng kuryusidad sa babaeng nakatakda na raw sakin' dahil ilang pinuno at alok na ang tinanggihan ni ama, lagi niyang sinasabi na may kasintahan na ako eh ni' minsan naman di' ka niya ipinasilayan sakin'." Aniya at kumuha ng maliit na bato saka itinapon sa tahimik na pag-agos ng ilog. "Kaya di' mo maiaalis sakin' na mahulog ang loob ko sa'yo na sa pangalan ko lang kilala."
"Sa takbo nang pananalita mo'y tila alamu' ang nangyayari sakin'?" Tuluyan nakong' humarap sa kanya.
"Dati kusang nagkukwento si ama pero nitong mga nakalipas na taon... di' ko alam bakit inihinto na niya, nahihiya naman akong mag-usisa."
Natahimik ulit ako, wala naman akong maisip na itugon sa kanyang sinabi o sadya lang abala ang isipan ko sa ibang bagay.
"Tingin mo tayo ang nakatakda... ang magkapalaran?" Wala sa isipan kong natanong siya.
"Sa tingin ko... hangga't walang nakikialam."
Hayyy, sa tingin ko'y hindi... Pero di' nako' kumibo pa.
Tumahimik na nga ako hangga't...
"Mauna nako' sa'yo prinsesa..." basag niya sa katahimikan. "Sasabihan ko pa si ama na darating tayo maya-maya at nang makapaghanda naman sila para sa'yo."
Napalingon ako sa sinabi niya.
"Di na kailangang maghanda pa kayo, 'di naman ako bisita Amilan, kailangan ko lang makaalis dito pansamantala."
Ngumiti lang siya.
"Isa nang malaking bagay samin' ang masilayan mo ang mundo namin... ang mundo ko Althea." aniya at bahagya pang yumuko bago ako iniwan.
Muli akong napag-isa. Nag-iisip at pinapahinga ang sarili ko sa malamig na hanging maya't mayang dumadampi sa katawan ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horror. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...