Pasensya na kung medyo cheesy ang updates ngayon ah, kailangan rin kasi sa flow ng story eh.
Mahabang katahimikan ang namayani samin' ni ama. Parang bumigat at nablangko ang isip ko sa lahat ng mga narinig ko.
Totoo ba'to?
Ako? Naipagkasundo sa prinsepe ng mga taong tubig?
"Anak, Hindi ko sinasabi ngayon na kailangang tumupad tayo sa kasunduang 'yun pero sa unang kita ko pa lamang kay Amilan ay magaan na ang loob ko sa kanya, di' lang dahil sa napakakisig niyang binata pero may kakaiba sa kanya, sana bigyan mo siya ng pagkakataong makilala." basag ni ama sa katahimikan. "Suhestyon lamang anak... sabi ko nga, disperado ako sa mga panahong 'yun, narinig mo naman kung paano namin nabawi ng Amang Amorsolo mo ang buong tiwala ng mga talindawang." dagdag pa niya. "Wag kang mag-alala, malaya kang makakapagdesisyon..."
Mataman ko siyang tinignan.
"Pero alam natin ama, sa batas ng buong nilalang... ang di' tumupad sa usapan ay magbubunga ng kaguluhan."
Marahang tumango si ama at napabuntong hininga.
"Haharapin ko ang lahat Althea..." malumanay niyang sagot.
Di' ako nakakibo. Ayuko' namang maging dahilan ng gulo, ng matinding kaguluhan.
Sa isang banda, di' ko kayang makisama sa isang lalaking di' ko pa nakita kahit kailan at lalong di' ko mahal.
"M-Maaari bang humingi ng p-pabor ama..." tanging nasambit ko sa kanya.
Napakunot-noo naman siya sa sinabi ko.
"G-Gusto ko munang makilala ang p-prinsepe... ng k-katubigan." Mahina kong sambit sa kanya.
"Kung naisin mo raw na makita siya't maka-usap... kumuha ka lang ng tubig at tawagin siya ng tatlong bases." Sabi ni ama. "Pero Althea, kung ginagawa mo lang ito para sa iniisip mong gulo... di' na kailangan
Kilala kita... ayaw mo nang pinipilit... Wag' kang mag-alala kaya kong harapin kung ano man ang maging bunga ng kasunduang 'yun." Sabi pa niya.Sa totoo lang nabuhay na naman ang pagtatampo ko. Ganito na ba talaga kababa ang tingin sakin' ni ama? Ni' katiting ba'y wala na siyang tiwala sakin'? Gusto ko rin namang gumawa ng paraaan, ng solusyon sa isang problemang ako ang pinakasangkot dito.
"Ipinarating ko lamang ang balitang 'yun at humihingi na rin ako ng tawad sayo' anak... kung di' ko inisip ang posibleng maging bunga nang padalus-dalos kong desisyon." Dagdag pa niya at napansin na yata niya ang mga sugat kong nagkalat sa katawan ko. "Ngayon, ako naman ang makikinig."
Bumalik ulit ang walang emosyong niyang pagmumukha.
Huminga ako nang malalim at deriktang tumingin sa kanya.
"Nakapatay po ako..." panimula ko. "Pinagtanggol ko lamang ang sarili ko." Matipid kong pahayag.
"Taga-saan?"
"Hindi ko po alam... pero isa rin pong busaw."
Bahagya niya akong sinulyapan at yumuko.
Tila ba'y nag-iisip.
"Tingin ko'y may kinalaman yan' sa mga umaaligid sa Ukbiran ngayon." at muli akong tinignan. "Di' kita maaaring iuwi, bisita namin ang grupo ng Pinunong Angilay, di' ko lang nagugustuhan ang sobrang pagkainteres sayo' ng pinuno.."
BINABASA MO ANG
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw
Horror. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit...