REBOUND 4

1.9K 12 0
                                    

Nag-ping agad ako sa kanya.

stupidgirl: HOY!!!! Bwiset ka!

Nathanbriones: ADIK ka naman! Anong problema mo?

 stupidgirl:bakit mo ako binigyan ng bodyguard na mukhang unggoy?

Nathanbriones: Gwapo yun Loko! Pakabait ka lil sis.. gtg mag sisimula na yung seminar.

Nathanbriones is now offline

Pambihira naman busy-busyhan si kuya. Wala pa kaming 2 minutes magkachat eh. Nag-facebook na lang ako pag log-in ko nga ang daming notification weekends ko lang kasi nabubuksan yung account ko kasi medyo busy sa office alam mo na… Naisipan kong puntahan yung profile nung mga crush ko. Hindi naman nila malalaman eh. Eto ang past time ko.

“Stalk much?” Nagulat talaga ako nung may nagsalita sa nun. Aatakihin ako sa puso dito sa unggoy na to? Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng privacy dito?

“Pakielam mo? Tsupi!!”Sabi ko sakanya tinutulak tulak ko pa nga sya eh… Naupo naman sys sa sofa malapit lang din dun sa computer table. Alam ko naka-tingin pa rin sya sakin habang natatawa sa ginagawa ko. Pero pakielam ko sakanya tinuloy ko pa rin yung pag tingin sa pics nung crush ko.

Nagulat ako nung may sinabi sya ulit.

“May girlfriend na si Raffy. Masyado ka kasing mabagal eh may nakauna na tuloy sa saknya.”

Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakangiti sya ng nakakaloko.  Paano nya nakilala yung crush ko? Officemate ko yun eh, pero mas matanda sa akin about two years siguro.

“P-pa.. paano mo s-sya nakilala?” tinuro ko pa yung screen kung saan may picture yung officemate ko.

Lalo sya tumawa alam mo yung tawang parang wala ng bukas. Yung hindi na talaga sya makahinga kasi ang pula pula na nung mukha nya. Sa sobrang inis ko nag-walk out na naman ako. Nagkulong ako sa kwarto.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Lumabas ako ng kwarto kasi nagugutom ako. Tinignan ko nga yung wall clock 1AM na pala. Tumingin ako sa ref ng makakain may nakita akong gulay malamang niluto ni Kyle ininit ko yun sa microwave. Ang bango nga ng amoy eh, natakam tuloy ako.

Inaantok pa ako nun kaya nag-nap muna ako habang hinintay kong yung iniinit ko sa microwave. Nagising na lang ako kasi may tumusok sa pisngi ko. Pag-angat ko ng ulo ko si Kle pala

“What?” tanong ko sakanya.

Pagtingin ko naka-hain na yung pagkain sa lamesa. Napatingin ulit ako sa kanya. Umupo lang din sya sa table. Hindi ko napansin pang-dalawa pala yung hinain nya.

“Hindi ka pa din kumakain?”

“Wala akong kasabay kanina eh… Hindi ako sanay ng walang kasabay feeling ko kawawa ako.” That’s weird, sabagay nakakalungkot nga yun may point sya dun.

“Eh… paano kapag wala ka talagang choice but to be alone , ano yun hindi ka kakain?”

“Oo, ganun na nga.” Pathetic. Hindi ko magagawa yun.

Weird talaga tong unggoy na ‘to pero sa totoo lang maagaan yung pakiramdam ko sa kanya. Kahit hindi ko sya kilala mukha naman mabait sya. Yun nga lang ang hirap i-predict ng ugali nya.

Madami kaming napagusapan tungkol sa family nya. Yung parents nya nasa America kaaalis lang nung isang buwan. So, magisa sya sa bahay nila kasi wala syang kapatid. Basta marami nalaman ko din na magkaklase sila ni kuya nung college. Tapos nag-kwento sya ng mga kalokohan nila tawa nga ako ng tawa. Well, he’s not really bad companion minsan lang nakakaasar talaga yung banat nya.

“Gabe 4AM na pala.Hindi na ako inaantok, ikaw wala ka bang balak matulog?”

“Sanay na ako sa trabaho na walang tulog. Anyway, I enjoy our first day Even its start.. you know… not pretty good.” Tumingin sya sakin. Ganun din naman yung feeling ko saan pa ako makakahanap ng magaling na cook? Though marunong naman magluto si kuya pero mas masarap talaga magluto tong unggoy na to.

“Me too.” Sabi ko tapos tungin din ako s kanya at ngumiti. “So, what should we do know?”

Pumunta sya nun sa kwarto nya. Sandali lang din bumalik na sya dala yung ipad2 nya. Naisip ko nga siguro mas mataas yung position nya kay kuya kasi mukhang bigatin tong isang to though mataas din naman yung postion ni kuya.

“Maglalaro tayo. Yan yung control mo. ”Tinuro nya sakin yung control “Yung rule ng game paunahan bumaba ok? May skills jan kung gusto mo i-tap mo lang para ma-distract yung kalaban mo. O ano game?” tumango naman ako.

Naglaro nga kami yun nga maraming obstacles sa pagbaba ewan ko parang napaka-simple ng game pero kahit na simple gagana rin yung utak mo kasi kailangan mong maunahan yung kalaban mo tapos minsan may skill pa so magugulo ka talaga. Ayun Masaya naman yung game kahit na lagi akong talo. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga sya matalo pero okay lang.

Pinakita nya rin sa akin yung Talking Tom. Tawa talaga ako ng tawa dun kasi ginagaya ni tom yung sinasabi mo pati yung tawa ko ginagaya nya rin kaya ayun lalo akong natawa.

May tumawag kay kyle kaya pinahawak muna nya sa akin yung ipad2 so nakinig naman ako ng music. Meron nga akong narinig “we match” yung title nagandahan talaga ako.  Ang dami ko ngang napakinggan mga isang oras na yata akong nag-soundtrip pero nakikipag usap pa din sya. Naisip ko baka importante talaga. May naririnig pa nga ako nung lumakas yung boses nya parang galit sya.

“I told you I’m over with IT! I don’t wanna talk about this anymore...” after nun medyo humina na ulit yung boses nya tapos after a few minutes sumigaw sya… “NO! DAMN”umiiling iling pa sya dun sa sulok tapos “That can’t happen its been just six months? Why that fast? Why?” mura na sya ng mura sa gilid.

Hindi ko alam kung matatakot ako o maawa sa susunod nya ginawa kasi sinuntok nya yung pader.

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon