REBOUND 42.5

1.3K 10 2
                                    

"Teka lang... ako na lang" hinatak ko sya kaya parang magka-holding hands na talaga kami.

Ngumiti sya tinignan yung kamay namin tapos tumingin sya sa akin. "Tuna sandwich di ba?"

Nagulat ako paano nya nalaman na favorite ko yung tuna sandwich? Napangiti na lang ako. at inenjoy yung kamay nya. Waaaaah! ang landi ko....

"Good Morning Maam, Good Morning Sir" Bati nung nagtitinda sa cafeteria.

"One tuna sandwich and  a minutemaid please." Order ni Kyle.

Binigay yung order ni Kyle tapos inabot nya sa akin. Inabot ko naman sa kanya yung bayad ko. Pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Binalik ko na lang sa bulsa ko yung pera.

"Thank you sa libre." Tapos ngumiti ulit ako.

"Sa susunod kung gusto mong magpalibre o kumain sa labas sabihin mo sa akin hindi mo na kailangan magpalibre sa iba." medyo seryoso yung boses nya.Nakakatakot. Napatungo tuloy ako habang naglalakad. Teka, ibig sabihin narinig nya nga... Waaaaaaahhh... hanggang saan kaya yung narinig nya?

"Ah-- e uhmm... Nagjojoke lang naman ako kanina e, nakikinig ka pala."

"So close na talaga kayo? Na-ospital lang ako parang ang dami ng nang-yari sayo na hindi ko alam." Bakit ba ganyan sya magsalita? At bakit ako nakokonsensya? Binibisita ko naman sya ah, hindi nya lang nakikita pero nandun ako. Tsaka mabait naman si Nathan hindi malabong maging close kami.

"Mabait naman yung pinsan mo e, hindi sya mahirap pakisamahan. Wala naman masyadong nangyari sa akin nung nandun ka."

"Hindi mahirap pakisamahan?" Ulit nya sa sinabi ko na parang may inis sa tono pero hindi ko alam kung imagination ko lang yun pero parang ganun.

*DING*

 Nasa tapat na pala kami ng elevator.

Sumakay kami ng elevator. Napatingin ulit ako sa kamay namin hindi pa rin sya bumibitaw. Dahan dahan kong ginagalaw yung kamay ko para maalis ko sa pagkakahawak nya.

*DING*

15th floor na.

"Excuse me." Narinig kong sabi nung nasa likod ko pagkakataon ko na sana yun para matanggal yung pagkakahawak nya kaso hinatak nya ako papalapit sa kanya. SAYANG!

"Bakit hindi mo ako dinalaw?" bulong nya sa akin. Ano isasagot ko? sasabihin ko ba na dinalaw ko sya pero hindi ako nagpakita?

"Ah ee.. busy kasi masyado." pasisinungaling ko.

"Kahit sana dumaan ka lang after ng shift mo. Ganon ba talaga kasama yung loob mo sa akin?" halata mong malungkot yung boses nya..

*DING*

17th floor na.

"Akala ko pa naman ikaw yung nakita kong lumabas ng pinto nung kwarto ko dati..." ngimiti sya sa akin pero hindi ngiting masaya. Ngiting pilit. "Siguro pangaginip ko lang yun."

Magkahawak pa din yung kamay namin pagpasok sa floor. Nauuna sya sa akin kaya likod nya lang yung nakikita ko. Gusto ko sanang sabihin na ako yun, pero nahihiya ako. Ayokong nakikitang malungkot sya. Bakit ba sya ganyan ngayon? Ayokong ma-miss interpret na naman yung mga ginagawa at ipinapakita nya. Ayoko ng mag-assume.

"Good Morning Sir..." Ngumingiti lang sa kanila si Kyle tapos mapapatingin yung ibang employees sa kamay namin. Nahihiya tuloy ako. Madami pang bumati ng good morning sa kanya hanggang maka-pasok kami sa room office namin.

Binitawan nya na yung kamay ko nng nasa tapat na ako nung cube ko.

Ngumiti ako sa kanya. "thank you ulit ah..." tinaas ko yung sandwich tsaka yung minutemaid. Tumango lang sya tapos pumunta sa cube nya. Tinext ko agad si Nathan na hindi kami matutuloy mamaya sa lunch. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun pero guilty talaga ako sa nangyari kanina. Ewan ko parang nalulungkot din ako kapag nakikita ko syang malungkot.

After kong kainin yung binili ni Kyle para sa akin. Ginanaha akong magtrabaho. Parang hindi stressful yung trabaho ko dirediretcho lang ako sa pag-proprogram. Kung meron man akong ma-encounter na bugs mas na-chachallenge pa ako.

*TokTok* [knock yan sa table ko]

Napaangat ako ng tingin.

"Ayokong nagugutom ang girlfriend ko. Don't you check your watch it's already 2pm. Sabi nila hindi ka pa daw lumalabas para mag-lunch. Buti na lang natapos agad yung meeting namin. O baka naman hinihintay mo ako?"

Napataas yung kilay ko.Natuwa pa naman ako dun sa una nyang sinabi. Kikiligin na ako e. Bwiset talaga tong unggoy na to.

"Hinihintay mo ako noh?" habang nakangiti ng nakakaloko.

Tumayo ako at kinuha yung wallet ko.

"Excuse me. Sinong may sabi na hinihintay kita? Kakain kami sa labas ni Nathan noh!" pagsisinungaling ko kasi ki-nancel ko na yung lunch namin. Lalong syang ngumiti.

"Talaga?" Nilabas nya yung cellphone nya. "Nagtext kasi sa akin si insan sabi nya hindi tuloy yung lucnh nyo e." pinakita nya pa sa akin yung text.

insan...niyaya mo ba si Nat?

ki-nancel nya yung lunch namin.

loko ka busugin mo yun ah!

Grrr...Nakakainis ka naman Nathan. Bakit ngayon pa? Bakit mo ako nilaglag?Waaaaah... Tumalikod ako sa kanya. Pupunta na lang ako ng cafeteria ngayon ko lang naramdaman gutom na talaga ako. Naglalakad na ako ng maramdaman ko na may humawak na naman ng kamay ko. Bwiset nakakadami na to ah.

"Bakit na naman?"

"Mag-lulunch na tayo girlfriend."

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon