REBOUND 22

1.4K 8 3
                                    

Sorry sa sobrang ikling UD...hehe eto lang yung feel ko isulat..susunod na ang complications.ayun! sana magawa ko ng maayos.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hoy hindi porket boss kita ganyan ka na ah!" hinawakan ko ang kamay nya na nakadantay sa balikat ko at tinanggal pero parang mas mali yata yung ginawa ko kasi ayaw nya ng bitawan yung kamay ko.

Inakay nya ako papuntang elevator hindi pa din nya tinatanggal yung paghawak nya sa kamay ko.Gusto ko ng matunaw sa hiya sa daming taong nakakita.

Pinipilit ko talagang tanggalin yung kamay ko. Ang higpit ng pagkakahawak nya naiinis na ako kasi naman parang gusto ko ng magtago sa likod nya sa mga taong naka-tingin sa akin.

Baka kung ano-ano na iniisip nila e, ang lakas kasi ng trip nitong isang 'to.

Pagdating sa elevator wala kaming imikan pero magka-hawaka pa rin kami ng kamay. Ang kulit kasi kinikilig na ako! OO na! kaya pwede tama na kasi baka mamaya ako naman yung umayaw sa pagbitaw ng kamay nya.. AISSSH!! Ano ba?

Nagulat ako nung pagdating sa floor ko bumaba din sya.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ihahatid ka." sabay kindat sa akin. Okay pwede na kong mamatay ngayon! Ano kayang nakain nitong unggoy na 'to bakit ganito yung kinikilos nya? Ang lakas talaga ng trip nya.

"Uuy! Love Birds" Sabi nung sup ko. Grabe nahihiya na talaga ako.

"Uyy ang lakas ng trip mo SIR! Kapag ako nainis hindi kita papapasukin ng bahay!"

Mukhang hindi nya inaasahan yun kaya huminto sya. Napatingin naman ako sa kanya. Halata sa mukha nya na nagulat sya. Huh! GOTCHA..

"Bitaw!" He let go of my hands. Teka bakit ganun? parang mas gusto ko na lang pala na hawak nya yung kamay ko. AAAAHHH!! Erase. Erase.

Pumunta na ako sa cube ko. Nakita ko sya na nakasunod pa rin sa akin.

"What do you need Sir?"

Ngumiti sya sa akin. Lumapit sa mukha ko at may binulong

"Nothing, I'm just making sure that my girlfriend is safe."

Nagulat ako syempre pero hindi ko pinahalata.

"Oh really, I believe your girlfriend is not yet around." Natanaw kong papalapit yung crush ko si Daryll "Hey, Daryll" lumingon naman sya sa akin at lumapit. "Mr. Ledesma here is looking for her girlfriend did you by acceident see her?"

Mukhang nagulat si Daryll sa tanong ko.

"Really sir, you have a girlfriend here? She must be lucky to have you. So, who's the lucky girl?"

Oo nga siguro nga swerte yung magiging girlfriend nitong unggoy na 'to. Bakit ba kasi iniwan sya ni Lyka. Tumingin lang ako sa dalawang lalaki. Hindi pa rin pala inaalis nitong unggoy na to yung tingin nya sa akin bwiset talaga.

"No, Im the one who's lucky to have her in my life and I'm looking at her right night now."

Daryll and I drop our jaws. WHAATTT IS THAT??

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon