REBOUND 16

1.5K 10 1
                                    

*note

paxenxa na po rambol rambol lang yung utak ko...kasi si ROXANNE pinilit ako sa update wala na daw sya mabasa...hahaha demanding!!!wahaha eto na...piniga ko yung utak ko kaya paxenxa na rambol talaga... :(

*

Ang tagal naming nakatingin lang sa isa't isa di ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Papalapit ng papalapit yung mukha nya sakin. Naamoy ko ang pabango nya. Hindi ko alam pero nagdulot yun lalo ng kakaibang pakiramdam sa ilong ko, nakakakilti. Papalapit ng papalapit yung mukha nya sa mukha ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Wala ng isang pulgada yung layo ng mukha nya sakin nang bilang....

"Ah.....

"Ahh....

"Achoooooooooo!!!"

Nakakahiya buti na lang nagkapagtakip ako ng kamay pero syempre kahit ganun shower pa din sya. Nautog pa nga ako sa kanya eh.

"Bless you!" Sabi nya sakin. Hindi ko alam kung bakit sinabi nya yun,pero ganun kasi kapag nababahing yung isang tao madalas ko din naririnig yun sa iba.

Nahihiya talaga ako. Siguro ang pula na ng mukha ko. Nawala tuloy yung inis ko sa kanya sa hiya ko. Ikaw ba naman, syo mangyayari yun anong magiging reaksyon mo?

Kainis naman andun na eh! Chance ko na yun oh? Pero chance nga ba talaga? Yung iniisip ko ba talaga yung gagawin nya? Ayy... ang dami ko namang tanong.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya "Sorry...ang lapit mo kasi eh..."

Mukhang nahiya din sya kasi tumingin sya sa ibang direksyon tapos kumamoy sya sa ulo. 

"Ah... gusto ko lang kasi mag-sorry di ko lang kasi maiwasan... Siguro hindi pa talaga ako fully recovered sa nangyari."

Hindi pa fully recovered? Ibig sabihin sa lagay na yun nakapag-recover na sya? Grabe ah... parang hindi naman halata.

"Ah..okay na sakin yun. Tutal parang naka-ganti na ako sayo. Hehehe." Natawa din sya. Niyaya nya ulit ako papasok ng kwarto para ituloy yung pagkwekwentuhan namin. Pero this time nakaupo kami na magkaharap sa gitna ng kama ko.

"San na ba tayo, ah...tutal na-open mo na kanina do you mind if I ask you to tell me the whole story?"

Ngumiti sya pero hindi mo mababasa sa mata nya na masya sya. Siguro nga mahal nya talaga yung girl.

"Paano ba ako magsisimula? Si Lyka halos magkasing-ugali kayo hindi sa kinokompara kita sa kanya pero childish sya pagkumilos pero matured kung magisip." Childish ba ako? Well matured talaga ako mag-isip ang pangit naman yata kung isip bata ako?Basta hindi ako naniniwala sa kanya.GRR."Haha. bakit ganyan yung mukha mo? Naiinis ka ba? Sorry na wag ka ng aatching sa harap ko ah... hehe." Inirapan ko naman sya. "Well, she loves photography nasabi ko na sayo yun dati. 5 years nagtagal yung relationship namin pero siguro kung pagsasamahin yung araw na magkasama kami halos wala pa iyong isang taon." Seryoso yung mukha nya wala na yung ngiti sa labi nya.

"Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko sya. Kahit inaaway nya ako lagi never akong nagalit sa kanya. Kahit na nakikipagbreak sya sakin gagawa ako ng paraan para magkaayos kami. Minsan nga naiisip ko sinagot nya lang ako kasi niligtas ko ang buhay nya." Tumawa sya ng mapakla. Hindi ko alam parang gusto ko ng maiyak sa mga sinasabi nya ganun ba sya ka-manhid? Parang one way love lang yung nangyari sa relationship nila.

"Muntik na syang mabangga ng sasakyan noon sa hindi ko malamang dahilan alam ko problemado sya nung araw na yon. Kakaiba kasi yung kinikilos nya uminom sya ng alak which i find odd kasi hindi umiinom si Lyka. Naglakad sya palabas ng 7th Destiny, tumakbo palayo, pero hindi nya alam lihim ko syang sinusundan.Patawid sya ng kalsada hindi nya siguro napansin yung truck na mabilis ang takbo papunta sa direksyon nya, tumakbo ako ng mabilis para itulak sya." Doon ko nakita na may luha na sa mata si Kyle maski ako parang naiiyak na sa kwento nya. "Naitulak ko sya. Maswerte siguro kaming dalawa kasi hindi kami nabangga galos lang yung inabot namin. Nungaraw din na yon sinagot ako ni Lyka."

"Tuwang tuawa ako nung kasi at last sinagot na ako ng babaeng mahal ko. Pero sandali lang kaming nagkasama. isang linggo lang pero yun yung pinaka masang linggo sa buong pagsasama namin. After non umalis na sya minsan na lang kaming magkita. Hanggang dumating yung ara na pinaka-kinatatakutan ko. Nagbreak kami." 

Ngumiti sya sakin at pinunasan yung luha nya na nangingilid sa mata nya.

Binatukan ko naman sya hindi kasi ako sanay na malungkot 'tong unggoy na to eh.

"Ang t@ng@ mo!" sabi ko sa kanya.

"Masakit yun ah.."

"Tama na drama naku...."

"Bakit ba? tsaka may kasama pa talagang batok?"

"Eh hello?? Mas OA ka pa yata kay Drake eh... Kahit grade 1 masabi na manhid at martir ka!" Umiling iling pa ako nun. Totoo naman kasi yun eh.

 "OA na ako oo!" Tinaas nya yung kamay nya parang sihn ng pagsuko... Tapos nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko."Pero ayoko din na kino-compare ako at mas lalaong ayoko sa Drake na yun." Inemphasize nya pa talaga yung kino-compare ko sya oo nga naman ayoko nga pala na ginagawa yun sakin. Pero bakit ba parang galit sya kay Drake?

"Pwede mag-sorry???"Sarcastic ko na tanong sakanya."Teka pansin ko parang galit ka kay Drake ano bang nagwa nya sayo?"

"May gusto kasi syang kunin sakin. Pero sorry na lang sya dahil hindi ko sya hahayaan?"

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon