REBOUND 52

1.3K 7 4
                                    

***sorry sa update ito lang ang kinaya ng 25 minutes break ko...haha madaliang update ni hindi ko alam kung saan ko napulot. Matatapos na tong kwento sorry sa mga naghihintay ng update ill try my best to update whenever im on my off. thing is masyado akong busy sa mga walang kwentang bagay...hahaha hindi pero busy ako kasi wala akong laptop dito. Once I have my laptop ill update every other day. EPILOGUE na lang kulang nito eh..sorry lame ba? i have a new story to begin with its entitled shattered. Sana support nyo rin haha...Nagising lang ako ng maaga ngayong araw tapos nakaisip ako ng kwento try kong isulat. Yung epilogue pagiisipan ko muna. Minsan kahit walang kwenta update ko pinagiisipan ko din yun kahit hindi halata hahaha.... AYUn salamat sa lahat ng nagbas ng REBOUND!!!!!! Sa tita ko na kinukulit akong tapusin ko na to...OO tatapusin ko na soon... LOVE YA'LL

Calling Unggoy..

"Ah hello?"

"Lia, sorry na... uhm--"

"No you don't have to say sorry feeling ko kasalanan ko naman talaga e. Ang selfish ko kasi sarili ko lang yung iniisip ko. Sorry kasi nabadtrip lang ako kanina. Ang tagal mo kasing nawala naiinip na ako tapos hindi mo sinabi kung saan ka pupunta. Sorry may topak lang talaga ako kanina." sunod sunod kong sabi.

"No, I think dapat dinala na lang kita sa lugar na pinagkaabalahan ko nung mga oras na yun. Nabadtrip din kasi ako, sorry din. Uhmm... Lia"

"Bakit?"

"Nasa labas kasi ako ng appartment mo pwedeng pumasok?"

"ANO???" nasa labas sya kanina pa sya dun? Akala ko ba umuwi na sya?

"Aray ang sakit sa tenga nun Lia, may galit ka pa ba sakin?" tanong nya pero halatang nagbibiro lang.

"Kanina ka pa ba dyan bakit ngayon ka lang tumawag?" tanong ko sa kanya habang naglalakad para buksan yung pinto.

Binuksan ko yung pinto tsaka nya sinagot yung tanong ko.

"uhm....nahihiya kasi ako e, akala ko kasi galit ka pa sakin..." sabi nya habang titig na titig sa mata ko. Feeling ko tuloy kulay kamatis na naman ako.

Tumalikod na agad ako kasi naman hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dapat nga ako pa yung mahiya sa kanya pero eto na naman feeling nya sya na naman yung mali. Napalingon ako nung bigla nyang hawakan yung kamay ko.

"Galit ka pa ba?" tanong nya. Hindi namana ko galit eh. Yumuko ako.

"Hindi" sagot ko habang nakayuko pa din.

"Bakit hindi mo ako tignan sa mata ko? galit ka pa yata eh" sabi nya habang inaangat yung mukha ko.

"Ka-kasi nahihiya ako feeling ko ang selfish ko eh. Sorry kanina kung nagalit ka sakin." sabi ko sa kanya.

Hinila nya ako papasok sa loob at sinara nya yung pinto. Umupo kami sa sofa na magkatabi. Alam kong nakatingin pa din sya sakin kahit nakayuko ako. Ramdam ko kasing nakatingin sya. hindi ako assuming pero feeling ko talaga nakatingin sya.

Inangat na naman yung mukha ko. Nakatingin lang sya sakin tapos maya-maya ngumiti sya.

"mahal mo ba ako?" tanong nya sakin.

parang nahypnotize ako at sumagot.

"Syempre naman." Ngayon yung ngiti nya abot tenga na, Tapos sumigaw sya ng "YES"

Naisip ko naman yung ginawa ko. Feeling ko talaga kamukha ko na si majinboo kasi magkakulay na kami.

"Teka, teka syempre mahal kita as a friend ikaw na kaya pinaka-close friend ko." sabi ko sa kanya

Pero ngumiti lang sya ng nakakaloko sakn.

"oh bakit ganyan ka maka-ngit? Ano na naman bang iniisip mo dyan ha?"

"Papalusot pa yung girlfriend ko." sabi nya sakin. Teka sabi na nga ba eh...

"Hindi pa kita sinasagot noh." napatayo ako habang sinasabi yun.

Hinatak nya naman ako kaya napaupo ulit ako, tapos niyakap nya ako ng mahigpit.

"Girlfriend na kita. kakasagot mo nga lang sakin e. sabi mo mahal mo ako."

"Teka--" I tried to cut him off kaso napatuloy lang sya sa sinasanbi nya.

"Don't worry mahal naman kita eh.. mahal na mahal infact."

  Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at hinalikan nya ako. Sa gulat ko napatulala na lang ako. mabilis lang yun pero grabe yung effect sakin. Nung nakabawi ako para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Teka bakit ka nangnanakaw ng halik?"

"Hindi ko yun ninanakaw, girlfriend na kita kaya karapatan ko yon." sagot nya habang nakangiti pa rin.

"Ewan ko sayo." pinagpapalo ko sya "nakakainis ka talaga." tuloy tuloy pa rin ang pagpalo ko sa kanya.

"Hey, stop it..hahalika kita." sabi nya hindi ko sya pinansin. "Ah gusto mong magpahalik ah.." nung sinabi nya yun automatic na tumigil ako sa paghampas sa kanya.

"Ayoko na sayo, break na tayo" sabi ko.

"Ayoko. hindi pwede." sabi nya.

"Bahal ka dyan." tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Nilock ko yung pinto at iniwan ko sya sa sala. Humiga ako sa kama at niyakap ko yung unan.

Maya-maya narinig kong nag-click yung pinto at bumukas. Shocks! may susi pala sa kitchen. ASAR!! Dahil nakatalikod ako sa pinto nag-pretend na lang akong tulog na.

"Lia ko wag ka ng magalit." at talagang may "ko" ha? hindi ko sya pinansin kunyari natutulog ako.

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Maya-maya naramdaman kong humiga sya at yumakap sakin.

"Lia ko.. sorry na...hindi na mauulit. wag ka ng magalit. kakasagot mo pa nga lang sakin eh." At talagang... Hindi poket kinikilig ako sa ginagawa mo ngayon papatawarin kita no. Bahala ka jan! pero teka bakit nga ba ako nagagalit? Tama naman talaga sya, technically speaking kami na nga and that was just a peck on the lips. Ah basta galit pa rin ako kahit hindi na msyado.

"Lia... please talk to me alam ko namang gising ka pa eh." Alam nya? hindi ba ako magaling mag-panggap?

"lia" hinigpitan nya pa ang pagkakayakap sakin. "hahalikan kita."

Napaupo ako nun at humarap sa kanya. Nakangiti naman sya sakin.

"joke lang, bati na tayo..." sabi nya parang bata. hawak nya yung kamay ko.

"Sige na... umalis ka na dito." 

 "parang galit ka pa eh.."

"hindi na...ok na..."

"Sige..kiss muna..."

pinandilatan ko sya ng mata.

"hehe...sige na..goodnight kiss." tapos tinuro nya yung pisngi nya...hahalikan ko na dapat sya kaso humarap sya sa akin kaya sa lips tuloy..

"thank you! tulog ka na" 

waaaaah!! bwiset na boyfriend ko na yun!!

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon